Kabanata 15

2162 Words
Friends "Humss day is approaching. Please enjoy." Napangiti kaming lahat magkaklase sa sinabi ng teacher namin. Ilang araw na lang din kasi ay humss day na. At halos lahat ng tao ay busy para sa mga mangyayari sa araw na 'yon. It will last for three days. And those three days, we have our own part to participate in games, booth, and competition. Section din namin ang representative ng play na gaganapin sa huling araw. That's why we're really busy these past few weeks. "Do well in your play," ngumiti si Ma'am pagkatapos. "I know you all can do it smoothly. I saw how you worked hard these past few weeks." "Ma'am, we'll not going to disappoint you," proud na sinabi ni Seren. "I know. We will continue our lesson after the humss day. I want you all to focus in the play. Lalo na sa mga sumali para tumulong sa booth ng iba at sa mga maglalaro sa sports. Especially in basketball." Naghiyawan ang mga kaklase namin. Halatang excited na ang lahat para sa club day at intramurals. "We will win this time!" Arthur exclaimed. Napailing si Ma'am. "Sana. Sana matalo na natin ang art class." Nasabi sa'kin ni Seren na palaging art class ang nanalo sa basketball game tuwing intramurals. Magaling daw kasi talaga ang sila lalo na pagdating sa sports. "Ma'am, mananalo tayo! We will show them that we're not only good academically but also in sports," ani ng isang kaklase namin. Napangiti ako. Seren also told me some of the students of art class looked down on humss students. They found us boring. Lalo na't palagi silang panalo pagdating sa sports. That we're only good academically and lacked in sports. Napailing na lang ako nang makwento iyon ni Seren sa akin. That was totally below the belt. Hindi porque't humss, eh academically lang magaling. That's a stereotyping! May mga ganoon pa rin pa lang mag-isip? "Huwag masyadong magpakasaya at ma-excite!" Singit ni Ma'am. "Don't also forget that your finals is approaching." I heard everyone groaned out of frustration. Napailing na lang ako at mahinang natawa. "Ma'am, huwag mong putulin ang excitement namin! Wala na! Wala sa feeling!" Natawa kaming lahat. Even our homeroom teacher laughed and just shook her head. "That's all for today. Class dismissed." Inayos ko agad ang gamit ko at nilagay ang ibang libro sa bag. On going din ang pagre-review namin ni Levi. Especially na malapit na rin ang finals. "Kain muna tayo bago umuwi," Aya ni Luis nang makalabas kami ng school. "Astraea and I are going to study," sagot ni Levi. Nalukot ang mukha ni Arthur. "Palagi na lang kayong nag-aaral ni Astraea sa gabi. Come on, people! Let's have some fun!" "Palibhasa kasi hindi ka nagre-review!" Sabat ni Seren sabay irap kay Arthur. "Nagre-review ako!" Arthur defended himself. "Lagot ka sa daddy mo pag nakita na naman niya na mababa ka sa finals," ani Markus. Luis laughed. "I already imagine Mr. de Vera face. Puputok na ang ugat no'n sa galit kay Arthur kung mangyari man ‘yon." Arthur just pouted. "Ang sama niyo sa'kin!" "Make sure you'll review, okay?" Ani Seren sa kaniya. Tumingin siya kay Seren sabay ngiti ng matamis. "Samahan mo akong mag-review para ganahan ako." Seren just rolled her eyes and smack Arthur's head. "Kung ikaw ang kasama kong mag-review walang mangyayari sa ating dalawa! Parehas tayong madaldal!" Natawa kaming lahat sa kanila. These two are always like that. Sa mga dumaan na linggo, mas nakilala ko silang lahat. I'm glad I got to know them more. Sila Arthur at Seren palaging nagbabangayan. Minsan magkaaway tapos mamaya-maya bati na ulit silang dalawa. Actually, they're cute when they're fighting over little things. Sila Luis at Markus naman ay kaibahan nila Arthur at Seren. They’re really close. Hindi na ako magtataka dahil simula bata pa lang sila’y magkaibigan na silang dalawa. They really know each other. Maganda nga iyon dahil may isang tao na kilalang-kilala ka na. Si Levi naman, mas nagiging mabait ngayon. Hindi ko sinasabi na hindi siya mabait noon. Nag-iba lang ngayon siguro dahil kilala na namin ang isa't-isa. Well, not really, but I'm happy that we're close now. Nasa stage pa rin kami ng kilalanin ang isa't-isa. Aside from that, I'm always with them most of the time. Masaya rin ako dahil may kaibigan ako na tulad nila. Nasabi ko nga kanila Mama at Papa ang tungkol sa kanila. Lalo na si Levi. They're also happy to know that I'm having a good relationship with these people. Mapapatanag sila na nasa mabuting akong kalagayan. Malungkot akong napangiti ng maalala sila Mama at Papa. Ngayon lang ako nalayo sa kanila ng ganito. I always called and texted them pero iba pa rin kung kasama mo ang pamilya mo. "Hey, are you okay?" Napatingin ako kay Levi na nasa harapan ko. Nasa rooftop kami ng bahay nila. It's almost midnight now. Madilim na dapat ang paligid ngunit dahil sa ilaw na nakapalibot sa gilid ay nagiging maliwanag ang paligid. Maganda rin ang gabi at maraming bituin sa langit. Tumango ako. "Hmm… I kinda missed my parents." "Don't worry, you can go home after our finals." "Oo nga, eh. Kaso malayo-layo pa ngayon." He only smiled. "Cheer up, Astraea. Mabilis lang ang araw." Natawa ako bago umayos ng upo at tumango sa sinabi niya. "Right! Ang kailangan kong gawin ngayon ay mag-aral para wala na akong iintindihin pagkatapos ng finals. I can relax inside my room in Cebu." "Taga-saan ka pala sa Cebu?" Tanong niya pagkuwan at tumigil din sa pagsusulat. He helped me a lot with my reviewers. Mas naiintindihan ko ang mga questionnaires na ginagawa niya at nasasagutan iyon ng tama. "Mandaue." His lips parted and he looks hesitant. I frowned. "Bakit?" Umiling siya. "Hindi ko alam 'yon," sagot niya na may pag-aalinlangang pagtawa. "Next time, you can come with me. Sakto at gusto kang makilala nila mama at papa," ani ko. He frowned at me. "They know me?" Tumango ako. "Malamang! Palagi kitang kinukwento sa kanila!" I saw his eyes sparks and his smile widened. Napangiti tuloy ako. I really like seeing him smiling. Lalo na ngayon, palagi siyang nakangiti. "Baka kung ano ang sinasabi mo sa kanila, ah?" Natawa ako. "That depends.. " sabi ko sabay kibit ng balikat. Naningkit ang mga mata niya. "Why do I feel like you're ruining my image in your parents?" "Noong una, oo kasi masungit ka naman talaga sa'kin. Pero ngayon hindi na... masaya nga sila, eh." Kuminang ang mga mata niya. "Talaga?" "Oo. Kaya sa susunod kung may oras ka. Let's go to my hometown and I'll give you a tour." He smiled sweetly. "Okay. That's the deal, then." "Oh, nga pala. Bukas after break, punta ka sa lobby ng building natin." Nagsalubong ang kilay niya. "Bakit?" I only smile at him. "I wanna show you something." Hindi nawala ang ngiti sa labi niya ng gabi na 'yon. I'm also happy. Lalo na bukas dahil makikita na niya ang gagawin ko. Napangiti ako bago humiga sa kama ko. "Tomorrow, Levi and I will be finally friends." Sana matuwa siya sa gagawin ko. I slept with a smile on my lips. Nagising ako ng maaga kinabukasan para pumasok dahil ihahanda ko pa ang ipapakita ko kay Levi mamaya. Maaga rin ako umalis sa bahay nila at hindi na hinintay pang magising si Levi o kahit ang magulang niya. Bago pumasok sa school ay bumili ako ng balloons, glitters, maliit na jar, at yellow lights. Nagpulot din ako ng mga dahon sa school para sa gagawin ko mamaya. Excited na ako para rito dahil gagawin ko na ang mga sinabi ni Levi para maging magkaibigan kami. Alam kong tumagal dahil pinag-isipan ko talaga ng mabuti at ayokong pumaltak 'to. Naging busy din ako sa school. But now, I can finally show him what I've thought! Hinanda ko muna ang mga iyon bago tuluyang pumasok sa classroom namin. Nagsimulang magturo ang mga teachers namin habang si Levi ay nasa tabi ko. "Anong ipapakita mo sa'kin mamaya?" Tanong niya habang nagtuturo ang teacher namin sa unahan. Last subject na namin at break time na pagkatapos nito. Lumingon ako sa kanya. "Just wait later..." "I'm just curious." Ngumisi lang ako sa kanya. "You'll know later. Magtiis ka muna ngayon." He chuckled. "Baka kung ano 'yan?" "Don't worry, I won't let you down. Matutuwa ka rito, promise!" Naiiling siyang natuwa bago nagsulat ng notes. Nag-focus din ako sa lessons dahil hindi na rin siya nagsalita pa. Natapos ang oras sa last subject namin at dumating na ang break. Kasama ko silang kumain sa cafeteria at nagmamadali akong matapos. "Mabulunan ka, Astraea!" It's Seren. I chewed my food. "May gagawin ako after. Daan kayo sa lobby mamaya." "Bakit?" "May papakita raw siya sa'kin," sagot ni Levi. "Ano 'yan?" Tanong ni Markus. Ngumisi lang ako sa kanila. "Basta!" Mabilis kong tinapos ang pagkain ko at nagmamadali na makaalis sa kanila. Pumunta ako sa storage ng gym namin at doon kinuha ang mga balloons. Hawak ko ang maraming balloons na pumasok sa lobby ng building namin. Napangiti ako at hinahanap si Levi na nasa second floor na. Nandoon nga siya at nakadungaw sa railings. Kasama niya ang ibang kaibigan namin. I smiled and waved my hands at him. Kasunod na pinakita ko sa kanya ang mga balloons na hawak ko. Natingin lang siya sa'kin at mukhang naghihintay ng gagawin ko. Hindi nawala ang ngiti sa labi ko nang kunin ko ang gunting sa bulsa ng uniform ko at dahan-dahan na ginupit ang mga tali ng balloons para lumipad ang mga iyon. "Wow! Maganda!" Rinig kong sambit ng iba. "Parang Up na movie!" Lumawak ang ngiti sa labi ko. I looked up at Levi's position and saw him in awe. Tila ba hindi siya makapaniwala sa nakikita niya. Bakas ang tuwa sa mga mata niya habang nakatuon ang tingin sa mga lobo na nasa ceiling. There's a leaves hanging in the balloons. Kasama silang lumulutang ng mga lobo ngayon sa ceiling ng lobby. Kagaya ng gusto niya. Tumingin siya sa gawi ko ng nakangisi pa rin. I smiled at him proudly. I saw him laughed. Tumakbo ako paakyat sa second floor para puntahan siya. "That was awesome, Astraea!" Ani Luis nang makalapit ako sa kanila. "Ako pa ba?" They all laughed. Tumingin ako kay Levi. "Halika sa gym. May isa pa akong papakita sa'yo." There's a glint of excitement in his eyes right now. "Ano naman 'yon?" Hinawakan ko siya sa kamay niya. "Basta!" Sagot ko bago siya hinila. Lumabas kami ng lobby at pumasok sa gym. Sa storage room kami dumiretso. Huminto kami sa harap no’n at humarap ako sa kanya. "Close your eyes..." utos ko. Kumunot ang noo niya. "Anong gagawin natin?" "Huwag ka ng maraming tanong. Just close your eyes!" "Baka kung anong gawin mo sa'kin sa loob." Hinampas ko siya sa braso. "Sira!" Natawa siya bago pinikit ang mga mata niya. "Seriously, Astraea. What are you doing?" "Shh! Tahimik ka na lang." Hinawakan ko ang braso niya at inalalayan siyang pumasok sa madilim na storage. Pinatay ko talaga ang mga ilaw sa loob para mas maganda. "Malapit na tayo..." ani ko sa kaniya. When we finally reached our destination. Huminto kami sa harap no'n. "Open your eyes now..." I whispered to him. Hindi nawala ang ngiti sa labi ko ng dahan-dahan niyang binuksan ang mga mata niya. "Charan! Stars!" I exclaimed happily. Unawang ang labi niya sa gulat sa nakita. I heard him chuckle after. "Hindi naman 'yan stars. Glitters 'yan!" Sa loob ng jar, may mga glitters na nagmumukhang mga bituin dahil sa kulay dilaw na ilaw. Napanguso ako sa kanya. "But it still looks like a stars! Levi, mahirap ibaba ang mga bituin kagaya ng gusto mo!" Natawa siya pagkatapos. "Pasado na ba ako?" Tanong ko pa. He rolled his eyes. "I want a real star." Umirap ako sa kanya. "Ano bayan!" "Gusto ko ng bituin, Astraea. Katulad ng sinabi ko." I smirk at him. "Gusto mo talagang makakita ng bituin na nasa lupa?" He nodded. "Yes." "Okay…" tanging sinabi ko sabay turo sa sarili ko. "Charan! Bituin! Nasa harapan mo pa!” Natawa siya sa akin. "Iba ka rin, ano?" "Oh, bakit? You said I do it in my own terms? Ngayon ito, oh. Nasa harapan mo na ang bituin na sinasabi mo." Ngumisi lang ako sa kanya ng hindi siya nakasagot sa sinabi ko. Tumaas ang kilay ko sa kanya. "So, mission completed na ako," mayabang na sinabi ko sa kanya. He smiled after. "Fine. We're friends now." Tumili ako. "Yes! Thank you, Lord!" Napasundok pa ako sa hangin sa sobrang saya. "Hey, are you that happy?" "Oo, 'no! We're friends now! This is for real, Levi! Wala ng bawian!" He only laughed. "Oo nga! Magkaibigan na tayo. Tulad ng gusto mo. Now, can we go back to our room? Tapos na ang break.” Masaya akong tumango. "Okay, friend!" Wala nang mas sasaya pa sa akin ngayong araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD