Kabanata 2

2300 Words
Don't Wala akong choice kundi ang sumakay ng taxi papunta ng school. When I got inside our classroom, I saw Levi. Nakaupo ng maayos sa upuan niya. Huminga ako ng malalim bago naglakad papunta sa kanya. Tahimik akong umupo sa tabi niya habang siya'y hindi rin ako pinapansin. Our whole classroom is actually quiet. Kaunti pa lang kasi kami at mamaya pa ang klase. At nabibingi na rin ako sa katahimikan naming dalawa ni Levi. I slowly turned my head to see him. Nakita ko siyang nagbabasa ng libro. Philippine Constitution, iyan ang title ng binabasa niya. Napahalukipkip tuloy ako. Naduduling ako sa binabasa niya kahit na hindi ko pa nababasa. For sure, hindi ko kakayanin na basahin iyon. "Nag-humss ka talaga kasi gusto mo?" tanong ko sa kanya. Pag-open up lang ba ng topic. Baka sakali rito ay magkaroon ng something sa amin. Napahalakhak ako sa naisip ko. He turned his head to me and frowned. Agad naman akong natahimik. Napalakas ang pagtawa ko. "Baliw ka talaga, 'no?" aniya. "Hindi, ah!" agad na tanggi ko. "May naisip lang akong nakakatawa." He didn't say anything. Kahit ang ekspresyon ng mukha niya ay hindi nabago. Blanko pa rin 'yon. I bit my lips when he continue reading. Napanguso na lang ako at nangalumbaba na tumingin sa kanya. I stared at his face again. He's really tall. Siya siguro ang pinakamatangkad sa klase namin. He has a good body too. Hindi masyadong malaki at tama lang sa edad naming seventeen. His hair is black and very clean. His nose is pointed and he has a perfect jawline. Maganda ang kurba no'n. He really looked mature even though he's just a teenager. Nang makita ko ang mga mata niya na pumikit ng mariin, nakita ko ang mahahaba niyang pilikmata. Mas lalo akong humanga roon. I heard him took a deep sighed before he turned his head towards me again. "Can you stop staring at me like an idiot?" mariin na sinabi niya. "I'm just appreciating your face. Gwapo ka kasi," mabilis na sinagot ko naman. Nanliit ang mga mata niya sa akin. He then, rose his lips and shook his head. "You're really creepy," he whispered. "Hindi na nakakatuwa, Astraea." Ngumiti ako sa kanya. "You remembered my name?" "Anong akala mo sa akin? Tanga?" "Bakit? Simula kahapon hindi mo pa binabanggit ang pangalan ko. I thought you forgot it... but you didn't." I thought he didn't know my name. Sa sobrang dami ba namang nangyari kahapon sa aming dalawa ay baka nakalimutan na niya. O kaya sadyang kinalimutan lang niya dahil galit siya sa akin. I'm glad he didn't. He knows my name after what happened to us yesterday. He still remembered my name. "Hindi ako bobo." I chuckled. "Hindi ko naman sinabi na bobo ka." Sumama ang tingin niya sa'kin. My smile grew. Nakikita ko na naiinis talaga siya sa akin. Maybe this is good? I don't know but I kinda like teasing him too. Parang ang bilis niyang maasar. Sobrang seryoso kasi niya. Ni wala siyang kinakausap dito sa classroom. He is still reading the book for almost half an hour now. Hindi ba siya nauumay sa haba ng binabasa niya? Ang kapal kaya ng libro! "Pwede ba tumigil ka na? Ang ingay mo!" "I haven't done anything yet, Levi," ani ko sabay ngisi. His jaw clenched. Mariin niyang pinikit ang mga mata pagkatapos at malalim na bumuntonghininga. Parang masisiraan yata siya ng bait sa akin. Hindi na niya ako pinansin pa pagkatapos no'n. Nagsidating na halos lahat ng kaklase namin ay tahimik pa rin siya. Our class starts na tahimik pa rin si Levi. Hindi ko rin naman siya pinagtuunan ng pansin dahil nakinig na ako sa teacher namin. Sa kalagitnaan ng klase namin doon ko lang na realized kung gaano kahirap maging HUMSS student. Mrs. Delos Reyes started her lesson. Tapos entrepreneurship pa ang subject. Lumipat ako ng school kalagitnaan na ng semester so technically I need to study harder for me to passed this strand. Hindi ako HUMSS student. In Cebu, I took STEM kasi gusto kong maging doctor. Nag-aaral ng medisina ang Kuya ko bago mamatay. When he died, I got curious about his course. Lalo na't magse-senior high na rin ako. Napalapit ako sa nursing dahil sa Kuya ko kaya STEM ang kinuha kong strand. Ibang-iba rito sa HUMSS. I should have taken STEM when I moved here but I got to know that Levi is a HUMSS student. No choice ako kundi kunin na rin ito kaya kailangan kong maghirap. Napanguso ako habang nakatingin sa notebook ko. I did some notes because I'm not really good in math. Especially in business. Mahihirapan talaga ako sa malaking adjustment. Mariin ko na lang pinikit ang mga mata nang matapos magturo si Ma'am. Wala na akong magagawa pa. Nandito na ako. All I can do for now is to study harder this semester. "That's it for today's lesson," ani Ma'am Delos Reyes bago humarap sa amin. She put her hands on her lectern after a while. "Next week, get ready for your camping. All students must be required to go because after that you're going to write an essay with five hundred words." Everyone groaned. Kahit ako'y hindi alam kung anong mararamdaman. Wala namang problema sa akin ang magsulat ng essay kaso talagang kailangan na five hundred lahat? Ganito ba talaga dito? "No one is allowed to be absent on that day unless you have a good reason. And we have a group for camping. Just like what we always did every year. We'll do community service in the morning and rest at night. By tomorrow, the office will release all the members per group." Umalis si Ma'am sa classroom namin. I took a deep sigh and looked at Levi. Nakita ko siya na nag-aayos ng gamit niya. Lunch break na rin kasi. "Sasama ka?" tanong ko sa kanya. "It's required so I have to." "Baka mapagod ka naman doon. Community service raw eh." Huminto siya sa pag-aayos ng gamit niya at tumingin sa akin. Nakagat ko naman ang labi ko dahil sa tingin niya. Nagtataka niya akong tiningnan. "How did you know about my condition?" "You're Mom told me." He sighed after and continued what he was doing. "Okay naman na ako." Napanguso ako. "Baka hingalin ka roon. Kailangan magkasama tayo para mabantayan kita. I made a promise to your Mom that I will take care of you while we're at school." "I don't need your help. I'm okay now. I can do community service," aniya bago umalis. Napatingin lang ako sa likod niya na papalayo sa paningin ko. I bit my lips after. I know that he's really fine now but I'm still scared. Baka kasi magkaroon ng komplikasyon sa puso niya. I read somewhere that heart transplants may have some complications. Alam ko naman na hindi siya hahayaan na pumasok sa school kung hindi pa siya okay kaso hindi ko mapigilan na huwag mag-aalala. He still need to be careful, right? "Magkakilala kayo ni Levi?" Naputol ang nasa isip ko nang may magsalita. Agad akong tumingin sa harapan ko. Si Seren. "Kilala ko siya," maikling sagot ko. Her smile brighten. "Really? So, is it really true that he was sick before? May sakit daw sa puso kaya homeschool siya noon at ngayon lang nakapasok sa school?" Dahan-dahan akong tumango. "Yes. But he's okay now. Maayos naman ang naging heart transplant niya." "Talaga ba? Kaya ka siguro sumunod sa kanya dito para bantayan siya?" Nakaramdam ako ng hiya sa sinabi niya. Ang weird kasi ng word na bantayan. Ano ako? Babysitter ni Levi? I just want us to be friends! Iyon lang. Hindi maging bantay niya. "Bakit sinabi ni Ma'am na camping iyon kung magko-community service naman pala tayo?" She chuckled. "Ganoon talaga. We will go camping while doing community service." Nagsalubong ang kilay ko sa kaguluhan. She just laughed and stood up. Agad siyang lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko. Napatayo tuloy ako sa ginawa niya habang nakatingin sa kanya. "Sabay na tayo kumain sa cafeteria." Wala na akong nagawa dahil hawak na niya ang kamay ko. We both went to the cafeteria. Marami nang tao ng makarating kami roon. "Arthur! Leo!" biglang sigaw niya sabay kaway sa kung sino. Tiningnan ko ang tinawag niya. Dalawang lalaki. Parehas naming kaklase iyon. Si Arthur ang katabi niya sa upuan habang si Leo ay nasa row two ang upuan. Arthur smiled and waved back at her. Lumapit sa amin ang dalawang lalaki pagkatapos ay tiningnan ako. Ngumiti lang ako at ganoon din sila. "Si Levi na sa may table fifty-six. Tara na," Arthur said. Kumunot ang noo ko. "Kaibigan niyo si Levi?" Leo just smile and shook his head. "Hindi. Kakaibiganin pa lang." Humalakhak si Arthur pagkatapos. Napahalukipkip naman ako habang si Seren ay inakbayan ako. "He's always been alone since the school started. Ni ayaw niyang iniistorbo siya lalo na kung nagbabasa siya ng libro." Napangiwi ako. Kagaya nga ng sinabi ng magulang niya ay ganoon nga talaga siya. "Everyone in our class wants to know him. To be friends with him. Kasi alam naman mo naman, halos dalawang taon din tayong magkakaklase. Saka kahit na bago lang siya nitong pasukan, we also want him to part of us." Si Arthur. "He's very quiet and cold. Kaya nakakatakot siyang lapitan ng mga kaklase namin. We tried our best to talk to him but based on his reaction, ayaw niya talagang makipag-interaction sa amin." Si Leo. "And since you were here with us now," Seren added and patted my shoulder. "Kasama mo kami sa kagustuhan na maging kaibigan siya. And besides you already know him so there's a chance…" Napangiwi ulit ako sa sinabi nila. Kung alam lang niyo, eh inis din sa akin si Levi. "Lalo na next week sa camping. He needs someone to accompany him. To help him. Lalo na at groupings iyon at wala siyang close ni isa sa mga kaklase natin. Let's also add that he came from a wealthy family. I don't think he can do community service." Umawang ang labi ko. Tumingin ako kay Seren na nakatingin din sa akin. "Mahirap ba ang community service na gagawin next week?" tanong ko. "It depends on your group. Bukas natin malalaman ang members tapos doon na malalaman ang gagawin." Nanlaki ang mga mata ko. Alam ko na okay na siya. It's been two years since his operation. Pero ang alam ko nagpapa-check up pa rin siya monthly para sa puso niya. "Kailangan ko siyang maging kagrupo next week. Baka mapagod siya!" Nataranta ako sa naisip. I can't let him do community service alone! Lalo na kung mahihirapan at hihingalin siya! As much as possible, hindi pwede iyon! "Pwede bang sabihin sa office na magkagrupo kami para matulungan ko siya?" tanong ko sa tatlo. "Pwede naman basta valid ang reason," sagot ni Leo. "Then, let's go to the office now! I need to help him next week! Bawal siyang mag-isa!" "Isama mo na kami! Idagdag mo kami sa grupo niyo!" sanlasa ni Seren. Tumango ako. "Sige." Pumunta kaming apat sa office. Naabutan namin ang adviser namin doon. And I already explained everything to her. Pati na rin ang kagustuhan na maging magkagrupo kami ni Levi dahil sa kondisyon niya. Luckily, Mrs. Delos Reyes understood it. At mas nakahinga pa ako nang maluwag nang makita na magkagrupo nga kami next week. We're in group ten at kasama rin namin sila Leo, Seren, at Arthur. May tatlo kaming kasama. I smiled and looked up at Levi. As usual nakasimangot ang mukha dahil magkagrupo kami. "Levi, magkagrupo tayo nila Astraea!" malaki ang ngiti sa labi ni Seren. Levi tsked and looked at me. Malamig niya akong tiningnan. Napahalukipkip naman ako kasi alam kong ayaw niya. "You did this, right?" He asked while looking at me. Napalabi ako. "You need my help next week. Baka mapagod ka. At least nandoon ako para akuin ang gawain mo." He shifted his weight and pursed his lips. "I don't need your help. Hindi mo ba maintindihan 'yon?" "I know you're okay now but we still have to make sure. Nangako ako sa Mommy mo na akong bahala sa'yo rito sa school!" "You don't need to make a promise to her in the first place because I am fine! Don't you understand it?" Nayukom ko ang kamao. "Wala kang kaibigan dito. Ni isa wala kang ka-close. We're just helping you out, Levi! Wala akong nakikitang masama roon." Nakita ko na umigting ang panga niya. I know he's mad at me again right now but I am too. Bakit ba ang taas ang pride niya? Gusto ko lang namang tulungan siya. "Astraea is right, Levi," singit ni Seren sa tabi ko. "We just want to help you. Astraea know you and it's a good thing dahil kung magkagrupo kayo para mas papadali ang gagawin next week." Hindi nagsalita si Levi. Nakatingin lang siya sa akin. Tila ba nagtitimpi ng inis niya. Ganoon din naman ako. I just looked at him. Hindi ako papatalo sa kanya kung iyon ang akala niya. "A, B, C, or D. Pick one," he said out of nowhere. Nagsalubong ang kilay ko. "Huh?" "Pick one." "C?" Hindi ko siya maintindihan. He smirk after. "C means no… ayokong maging kagrupo ka." Nagsalubong ang kilay ko. Nilagay niya ang kamay sa bulsa ng pants niya at naglakad na paalis. Agad ko naman siyang nilingon. "Paano kung A ang pinili ko?" sigaw ko para marinig niya. "A means I don't need your help!" He shouted back. Nagtiim ang bagang ko. "What about D?" tanong ko ulit. "Or B?" "D is for mind your own business and B is stay away from me!" Nakagat ko ang labi sa inis sa kanya! Bakit ba ang hirap mong i-please, Levi Peterson Saavedra?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD