07: MANSYON SA GITNA NG MGA SAGING

1410 Words
Tahimik ang gabi sa hacienda ng pamilya Constanante… ngunit hindi iyon ang uri ng katahimikan na nagbibigay ng kapayapaan. Ito iyong katahimikan na parang may nagmamasid… may naglalakad… may naghihintay. Sa gitna ng malawak na plantasyon ng imported na saging, nakatayo ang isang lumang mansyon na halos matabunan na ng mga puno. Mula sa malayo, mukhang normal lang ang bahay. Malaki… elegante… at tila napakayaman ng may-ari. Pero kapag gabi na, ibang kuwento na... Sa loob ng mansyon, nakahiga si Alfred Miguel Constanante sa kanyang kama. Nakapikit siya pero hindi siya makatulog. Hindi dahil sa ingay. Kundi dahil sa sobrang katahimikan. “Ang weird naman…” bulong niya sa sarili habang nakatitig sa kisame. “Ang laki ng bahay na ’to… pero parang ako lang ang tao dito.” Bigla siyang napabuntong-hininga. Hindi siya sanay sa ganitong buhay. Lumaki siya sa Amerika, sa isang maliit pero masayang bahay. Pero dahil sa utos ng kanyang mga magulang, kailangan niyang manatili muna sa lumang mansyon ng pamilya sa probinsya. Para raw bantayan ang negosyo at matutunan niyang pangasiwaan, kasama ang kanyang Lola Biatriz. Ang Davao ang sikat na lugar sa Mindanao dahil sa mga imported na banana plantation, isa na ang pamilya ng Constanante. “Ang mga saging na may mansion…” sabi niya habang napapailing. “Ang yaman talaga ng pamilya namin.” Habang nag-iisip siya…may kung anong tunog siyang naririnig. (Krriikk!) Unti-unting bumukas ang pintuan ng kanyang kwarto. Napakunot ang noo ni Alfred. “Huh?” Tumayo siya sa kama. “Hello?” tawag niya. Ngunit walang sumagot, tahimik ang buong paligid. Lumapit siya sa pinto. Paglabas niya sa hallway… madilim ang buong pasilyo. Tanging ilaw ng buwan lang ang pumapasok sa malalaking bintana. “May tao ba dito?” Walang sagot. Pero biglang mag nahulog. (KLANG!) May nahulog sa kusina. Napatalon nang malakas sa nerbyos si Alfred. “Hoy!” Mabilis siyang bumaba ng hagdan. Pagdating niya sa kusina, ay napatigil siya. Nakatayo ang isang babae sa harap ng mesa. Mahaba ang buhok, nakasuot ng puting damit, at nakatalikod sa kanya. Napanganga si Alfred. "Sheryl?” Unti-unting lumingon ang babae. At ngumiti. “Good evening…” sabi ni Sheryl na parang wala lang. Napahawak si Alfred sa dibdib. “Jusko po! Multo ka talaga!” Napairap si Sheryl. "Uy! Bastos. Hindi porket kaluluwa ako, multo agad.” “Eh ano tawag dun?!” “Spiritual entity.” paliwanag ni Sheryl. “Pareho lang ’yon!” Napabuntong-hininga si Sheryl at umupo sa mesa. “Drama mo naman… sanay ka na dapat.” Umupo rin si Alfred sa tapat niya. “Hindi ako masasanay sa multong biglang sumusulpot sa kusina ng alas-dose ng gabi!” Napangiti si Sheryl. “Eh ikaw naman kasi… bakit dito ka pa tumira?” “Kailangan kong samahan ang lola ko.” Biglang napansin ni Alfred ang isang kakaiba. Ang mga kutsara sa mesa, ay dahan-dahang gumagalaw. Napakurap siya. “Sheryl…” “Ano?” “Bakit lumulutang yung tinidor?” Napatingin si Sheryl sa mesa. At saka napangiwi. "Ah…” “Ah?!” reaksyon ni Alfred na nag aantay ng kanyang sagot Biglang umangat ang isang baso sa hangin. Unti-unting umikot, tapos lumipad papunta sa lababo. (CLINK!) Napatayo si Alfred. “ANO ’YON?!” Napakamot si Sheryl sa ulo. “Uhm… welcome sa Mansyon ng mga Saging.” “Ha?!” Tumayo si Sheryl at naglakad papunta sa bintana. Sa labas… makikita ang napakalawak na plantasyon ng saging na tila walang katapusan. Mahina ang boses niya nang magsalita. "Alam mo ba kung bakit kakaiba ang lugar na ’to?” Napailing si Alfred. "Hindi.” Huminga nang malalim si Sheryl. "Dahil… hindi lang ako ang kaluluwang nandito.” Biglang tumayo ang balahibo ni Alfred. "Excuse me?” Ngumiti si Sheryl… pero parang pilit. "Matagal na kasing may nangyayari dito sa mansyon.” Habang nagsasalita siya, biglang lumutang ang isang plato sa likod nila. Dahan-dahan itong umikot sa hangin. Hindi ito napapansin ni Alfred. Pero napansin ni Sheryl. “Uh oh…” Paglingon ni Alfred… “Ano ’yon?” (WHOOOSH!) Lumipad ang plato diretso sa pader. (CRASH!) "AY! ANO BA ’YAN! magigising si Lola..!” Napahiyaw si Alfred. “hehehehe…” mahinang pagtawa ni Sheryl. Samantalang nanlamig ang buong katawan ni Alfred. “Sheryl…” “Ano?” “Hindi ikaw ’yon… di ba?” Unti-unting umiling si Sheryl. “Hindi…” Napahawak si Alfred sa ulo. "Great. May iba pang multo dito? I mean, seryoso ka ba ha?!" “Hindi lang isa.” “HA?!” nagulat si Alfred sa sagot. Akala niya ay sa simbahan lang may maraming multo. Biglang nagbukas ang lahat ng cabinet sa kusina. (BANG! BANG! BANG!) Napatakbo si Alfred papunta kay Sheryl, akmang yayakap na siya ngunit, tumagos lang ang katawan niya sa katawan nito. Huli na niya na realize. "s**t!" “Uy! Anong ginagawa mo!” tanong ni Sheryl. "Wala. at tska pwede ba pagsabihan mo sila na tigilan na nila ang pinanggagawa nila. Magagalit si Lola.." "Bakit? Hindi mo ba sila nakikita at nakakausap?" paglilinaw ni Sheryl. "Uutusan pa ba kita kung oo?" insist ni Alfred. "Kung ganoon, ako lang pala ang nakikita mo.." "Oo.. nganiiii..." sagot ng naiinis na si Alfred. “Hindi ko sila pweding pagsabihan, sa kung anong dapat nilang gawin bukod sa gusto nila. Multo sila! Kaluluwa lang ako..!" "Ay lintik na yan! ano ba ang pagkakaiba 'don?!" “Mas friendly ako!” Napairap si Sheryl. Pero kahit siya... na isang kaluluwa ay medyo kinakabahan na din. Dahil alam niya kung sino ang gumagawa nito. Maaring pang magdulot ito ng kaguluhan at maaring magalit sila at mapahamak ang mga buhay na andito sa mansyon. Maya maya pa ay mahinang nagsalita si Sheryl. “Lumabas na kayo…” Ang mga multo ay parang mga bula na nagsipaglaho. Kaya tumahimik na muli ang kusina. Tapos sa hindi inaasahan, biglang may isang saging na nahulog mula sa fruit basket. (PLUK.) Unti-unti itong gumulong sa mesa. Hanggang sa tumigil sa harap ni Alfred. Napakunot ang noo niya. "Bakit parang…” Biglang lumutang ang saging. Diretso sa harap ng mukha niya. “—AAAAAAAA!” Napahiyaw siya at napaatras. Sa hangin, may sumabay, na boses at iyon ay kanyang narinig. “Sa… ging…” Napayakap si Alfred kay Sheryl. “ANO ’YON?!” “HAHAHAHA!” Hindi napigilan ni Sheryl ang tumawa. “Tumatawa ka pa?!” “Sorry! Hindi ko na talaga kaya!” “ANO BA ’TO?!” Pinunasan ni Sheryl ang luha sa mata niya. “Kalma ka lang…” “Paano ako kakalma?! May multong mahilig sa saging!” Biglang may isang anino na nabuo sa sulok ng kusina. Unti-unti itong nagkaroon ng hugis… Iyon ay isang matandang lalaki na nakabarong. Parang lumang haciendero. Nanlaki ang mata ni Alfred. “Lolo?!” Tumango ang matandang multo. "Ako nga…” Napahawak si Alfred sa ulo. “Wait… patay na si Lolo diba?!” “Matagal na.” “Bakit nandito siya?!” Napatingin si Sheryl kay Alfred. “Hindi sinabi ng pamilya mo?” “Ano?” Huminga nang malalim si Sheryl. "Ang mansyon na ’to…ay puno ng mga kaluluwang hindi pa umaalis.” Tumingin si Alfred sa multong lolo niya. Tapos sa lumulutang na saging. Tapos kay Sheryl. Tapos ulit sa saging. “Okay.” Natahimik siya ng ilang segundo. Tapos sinabi niya.. “Normal pa ba ’tong buhay ko?” Napangiti si Sheryl at sumagot, "Hindi na.” Biglang lumutang ang tatlong saging sa hangin. Parang sumasayaw. Napahawak si Alfred sa ulo. “Hindi ko na kaya ’to.” “Masasanay ka rin.” sagot ni Sheryl. “Paano?!” Ngumiti si Sheryl habang nakatingin sa kanya. “Kasama mo naman ako.” Sandaling natahimik si Alfred. Unti-unti siyang napangiti. “Kahit multo ka?” “Hoy.” kunot noong napatingin si Sheryl sa kanya. “Joke lang.” Habang nag-uusap sila, ay may kakaibang nangyari sa labas ng mansyon. Sa gitna ng plantasyon ng saging… May isang anino na gumagalaw sa pagitan ng mga puno. Hindi ito tulad ng ibang kaluluwa sa bahay. Ito ay mas madilim, at may mas mabigat na galit. Sumunod ay isang boses ang umalingawngaw sa hangin. “Constanante…” Sa loob ng bahay… walang kaalam-alam sina Alfred. Abala sila sa pagtatalo tungkol sa lumulutang na saging. Pero ang tunay na panganib, ay nagsisimula pa lang. At ang mansyon sa gitna ng mga saging, ay mayroon palang mas malalim na lihim. Ito ay matagal ng nakabaon sa ilalim ng lupa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD