“Okay...” mahinahon niyang sabi. “Kung ano ka man... hindi ka naman mukhang masama.”
Napatingin si Sheryl sa kanya na para bang may narinig siyang himala.
“Hindi ka ba natatakot?”
“Natatakot...” totoong sagot ni Alfred.
Napatingin si Sheryl sa malayo, tahimik at biglang naging malungkot ang maputla niyang mukha.
“Pero mas nakakatakot ang mga totoong tao.." dagdag pa ni Alfred.
At sa unang pagkakataon, biglang napangiti niya si Sheryl. Isang simpleng ngiti na hindi niya naramdaman sa loob ng isang buwan.
“Alfred!”
Napalingon siya nang marinig ang boses ng Tito Raul niya mula sa malayo.
“Bakit ka nakatayo diyan mag-isa?”
Napatingin si Alfred kay Sheryl. Nakatayo pa rin ito sa tabi niya.
“Hindi ako mag-isa...” sagot niya.
Lumapit ang kanyang Tito Raul.
“Ano?”
“Tito... may kasama ho ako.”
Napatingin ang matanda sa paligid, at wala siyang nakikita.
"Nasaan?”
Hanggang sa bigla siyang kinabahan at natakot. Naisip na baka ang pamangkin niyang ito ay gumagamit ng ipinagbabawal na druga.
"Alfred, hindi ako nagbibiro.. Tara na balik na tayo sa loob"
"Wait, Tito.. Hindi po talaga ako nagbibiro" pagmamatigas ni Alfred.
Pagkatapos ay tahimik niyang itinuro si Sheryl.
Walang reaksyon ang matanda. "Alfred... wala namang tao diyan.”
Nanlaki ang mata ni Alfred. Nilingon niya si Sheryl.
Ngunit naroon lang siya sa kanyang kinatayuan.
“Hindi mo siya nakikita?”
“Wala kang ngang kasama.” insist ng Tito niya.
Doon na tuluyang naintindihan ni Alfred, na siya lang.
Siya lang ang nakakakita. At siya lang ang nakakarinig kay Sheryl. Unti-unting bumilis ang t***k ng puso niya.
“Ano ka ba talaga...” bulong niya kay Sheryl.
Lumapit nang kaunti si Sheryl sa kanya. "Hindi ko alam... pero ikaw lang ang nakakakita sa akin.”
"She really.. oh! may multo nga talaga.." bulong ni Alfred sa sarili. Hindi niya akalain na maging totoo ang mga napapanood lamang niya.
At sa gabing iyon, sa ilalim ng maliwanag na buwan sa Barangay San Juan, nagsimula ang isang kwento na hindi pangkaraniwan.
Isang lalaking buhay. At isang babaeng walang katawan tao pero gumagala na at nagsasalita na parang buhay.
Hindi natulog si Alfred nang gabing iyon. Matapos ang hapunan nilang dalawa ng kanyang Tito Raul.
Nakaupo siya sa gilid ng kama sa guest room ng resort habang nakatitig sa babaeng nakaupo sa sofa sa tapat niya.
Tahimik lang si Sheryl. Nagkatingin sa sarili niyang mga kamay na tila ba may hinahanap na sagot sa pagitan ng kanyang mga daliri.
“Hindi ka ba napapagod?” tanong ni Alfred sa wakas.
Umiling si Sheryl.
“Hindi ko nararamdaman ang pagod, gutom... o antok. Pero nararamdaman ko ang lungkot...”
Hindi alam ni Alfred kung ano ang isasagot.
Sa totoo lang, dapat natatakot siya. Dapat tumatakbo siya palabas ng kwarto at humihingi ng tulong. Pero may kung anong pumipigil sa kanya. Na alamin ang dahilan kung bakit hindi
siya makakaalis sa mundong ito, bagkos ay nakasunod na ito sa kanya simula pa kanina.
Siguro dahil sa paraan ng pagtingin ni Sheryl...
Hindi iyon titig ng isang nilalang na gustong manakit. Titig iyon ng isang taong naliligaw.
“Kanina mo lang ba nalaman na... hindi ka tao?” tanong niya ulit.
Napailing si Sheryl.
“Almost one month na akong gumagala... pero ngayon ko lang talaga tinanggap. Wala akong repleksyon. Walang nakakakita at nakakarinig sa akin. Ikaw lang...”
Napahawak si Alfred sa batok niya.
“So... bakit ako?”
“Hindi ko alam... pero nang tumingin ka sa akin kanina, parang may humila sa loob ko... parang may koneksyon...” mahina niyang sabi.
Napatahimik si Alfred. Tila naramdaman niya na may koneksyon siya dito. Hindi niya maintindihan kung bakit, pero ramdam niya rin iyon.
Biglang bumukas ang pinto ng kwarto.
“Alfred...” tawag ng Tito Raul niya.
Napatayo si Alfred.
“O Tito...”
“Bakit ka nagsasalita mag-isa?” seryosong tanong ng matanda.
Napalingon si Alfred kay Sheryl. Nakatayo lang ito sa tabi ng bintana.
“Nandito siya...” mahinang sagot niya.
“Sino?” napakunot ang noo ni Tito Raul.
“Yung babae...”
Napatingin ang matanda sa paligid.
“Alfred... wala kang kasama.” nagtatakang sinabi uli ni Titilo Raul.
Ang buong paligid ng guest room ay tahimik, bukod pa doon, alam dapat ni Tito Raul kung sino ang pumapasok at lumalabas ng resort.
Pero ngayon, ilang segundo na tila ba mabigat ang hangin sa loob ng kwarto.
“Pagod ka lang siguro,” sabi ni Tito Raul. “Mahabang biyahe galing Amerika. Magpahinga ka ha.”
Isinara nito ang pinto. At naiwan si Alfred na nakatingin sa kawalan.
“Oo nga no...” pilit niyang biro. “Baka pagod lang ako.”
Lumapit si Sheryl at sinabing, "Hindi ka pagod...”
Napatingin si Alfred sa kanya. “Paano ka nakakasiguro?”
“Dahil kung panaginip lang ako... dapat kanina pa ako nawala.”
Hindi siya nakaimik.
Kinabukasan...
Maagang nagising si Alfred, o mas tamang sabihing hindi talaga siya nakatulog.
Bumaba siya sa dining area ng resort, ito ay matatagpuan malapit sa swimming pool. Sumunod si Sheryl. Wala siyang yapak. Wala ring tunog ang kanyang paggalaw.
Umupo si Alfred sa mesa. Na parang ang kanyang diwa ay natutulog. Nakabusangot pa, tulala na parang ewan. Dahil hindi niya mawari na may nakikilala siyang multo sa totoong buhay. At ngayon ay bumubuntot sa kanya.
Paano na lang kung kasama pa niya ang girlfriend niya? paano kung siya ay maliligo sa banyo? eh di makikita niya ang...
“Sir... kape po?” tanong ng waitress.
Natigil siya sa mga bagay na naisip.
“Ayy.. yeah... thanks."
Habang nag-aayos ang waitress ng tasa, napatingin ito kay Alfred at nagtanong.
“Sir... mawalang galang na ho, may problema po ba kayo?”
Napalingon si Alfred kay Sheryl.
“Oo nga no... kanina ka pa tulala. May problema ka ba?" sagot ni Sheryl.
Pagkatapos ay itinaas ni Alfred ang kanyang tingin sa waitress na nakatayo sa harapan niya. Tahimik, pero ang kanyang mga mata ay malalim.
“Kanina pa po kasi kayo nakatingin sa kabilang upuan...” dagdag pa ng waitress.
Napayuko si Alfred.
“Wala... may iniisip lang.”
Hindi sapat ang kanyang sagot, kaya umalis ang waitress na tila naguguluhan.