“Ang sarap talaga pumasok kapag may crush ka sa room, ‘no?” Narinig niyang iwinika ni Leonora matapos nitong pumuwesto sa upuang nasa kanyang harapan at lingonin siya. Natitigilang tumunghay siya sa kaibigan. Wala sa hinagap ang nais nitong ipabatid. “Nakaka-inspire.” kinikilig pa nitong dagdag. “Mukhang tama ka riyan, tignan mo ‘yang si Reyshan.” sabi naman ni Jane na nakapangalumbaba sa sarili nitong armchair habang sa kanya nakabaling. Naguguluhang salit-salitan niyang tinignan ang dalawa. Clueless sa kung ano ba talaga ang gustong sabihin sa kanya ng mga kaibigan. “Ha? Ano ba’ng sinasabi n’yo? Hindi ko kasi kayo maintindihan.” “Sus,” narinig niyang reaskyon ni Jane na umirap pa. “Aruuuy,” saad muli ni Leonora na ipinahinga ang baba sa dalawang magkapatong na kamay mula sa ibabaw

