Mula sa matayog at malalim kong pag muni-muni'y napalingon ako kay Aimie ng magtanong ito.
"pano kong hindi kapa mabuntis niyan?" si aemie
Paano nga ba iyon. Pero impossible naman. we did that over and over in just one night.
"ulitin ko ulit hanggang sa mabuntis ako." wala sa huwesyo ko na sabi. Hindi kasi mabubura sa isip ko ang gabing iyon.
"kanino? Alangan naman hanapin mo 'Yong ka one night stand mo kahapon" sabi nito at nagsindi ng sigarilyo. Inabutan niya ako pero umiling lang ako.
Napaka-smoker ng isang ito.
"bakit ko naman gagawin 'yon? Malamang di ko na iyon makita. Kaya kapag Di pa ako mabuntis hahanap nalang ako ng iba." bumuntong hininga ako.
Nang nagising ako kahapon ng umaga. Iniwan ko siyang tulog doon. Nagising akong walang anumang saplot at nakapulupot pa ang mga braso niya at binte sa akin sa ilalim ng makapal na kumot.
Kahit pakiramdam ko namamaga ang pagitan ng mga hita ko tiniis ko upang makaalis doon.
"Kailangan pagbalik ko sa probinsya may laman na itong sinapupunan ko"dagdag ko.
May ipon naman ako. Pag nabuntis ako titigil muna ako sa pagtuturo at ang karenderya nalang ni Nanay ang pagtuunan ko habang maghihintay na mailuwal ko ang anak ko.
"Bakit kasi dito pa besh.,,, madami manang 'papa' sa probinsya, dito pa talaga sa manila ang layo huh."at naghithit ulit ng sigarilyo.
" Kaya nga dito kasi malayo. Baka Kong doon eh, mag cross pa ang landas namin ng lalaking makalaguyo ko. OK dito,,, malayo at impossible na magkita ulit kami"
"Ba't di nalang kay Shandon?" ngising sabi niya.
glare*
"mas lalong di pwede sa kanya alam mo na ang patay na patay 'yon sakin"
"Wala naman palang problema"
"meron! Gusto ko lang ng anak hindi asawa, kapag sa kanya ako manghingi ng semilya baka tuluyan na akong matali"
Kababata ko si Shandon Rodriguez, anak siya ng gobernador namin sa probinsya. Bata palang kami Di na lingid sa kaalaman ko ang pagkagusto niya sakin. Magka kaibigan kaming tatlo, sa totoo lang marami kami 'yong iba nga lang nasa ibang bansa hinahabol ang mga pangarap nila.
Pero kami ni Aemie ang pinaka-close na halos mag kapatid na ang turingan namin sa isa't-isa. Kahit lagi'y parang aso't pusa kami.
Tumayo ako galing sa kakaupo sa sopa para pumunta ng kwarto. Naramdaman ko parin ang kirot sa pagitan ng mga hita ko,kaya dahan-dahan lang ang paglakad ko. Narinig ko naman ang bungisngis aemie.
"pttf tulungan kita?" tiningnan ko siya ng masama. Tinikom niya naman ang bibig niya pero halatang nagpipigil ng tawa.
"Malaki ba? Mukhang hanggang....hehehe., ngayon nahirapan kapa maglakad ptttf."
Sobra.
"tigilan mo nga ako!" bulyaw ko.
"easy! Hahaha. So ano Malaki ba!?"
Sobra nga.
"gusto mo hanapin natin at subukan mo? Para ikaw na sumagot sa tanong mo" sinamaan niya ako ng tingin.
"gusto mo ba mapatay ako ng boyfriend ko Crizia?!"
"ede hiwalayan mo na, papatayin ka naman pala."
"tsk! Iwan ko sayo napaka bitter mo sa lablyf ko. Hays kailan kapa kaya ma Inlab para Di kana maging bitter!" inirapan ako.
"asa. Pag nainlove ako Di ako tutulad sayo,halos patay na patay ka sa boyfriend mong babaero!"
"ouch besh. Mapanakit ka" may pahawak pa sa dibdib niya.
"kailan ka kaya mauntog?"
"malay mo malapit na hehe"
Matalik Kong kaibigan si Aemie mula grade school kami. Nagkahiwalay lang kami noong nakapagtapos kami ng college at nagtrabaho siya dito sa manila sa isang malaking kompanya. Gayun paman ay naroon parin ang kumunikasyon namin at umuuwi siya sa probinsiya para mag bakasyon. At ako naman naiwan sa probinsya at doon na nagtrabaho sa dati naming school bilang guro. Limang taon na akong nag tuturo sa high school, at masaya na ako sa trabaho ko dahil ito ang pangarap ko noon paman maging isang guro. At naging sapat naman ang naging sweldo ko sa araw-araw kong gastusin at nakapag-ipon pa ako.
Pero malungkot. Lalo na nag-iisa nalang ako sa buhay.
Tinalikuran ko nalang siya at pumasok sa kwarto.
Nangungupahan si Aemie dito kaya nako share ako sa kanya simula ng lumuwas ako dito nung nakaraang linggo. Sakto naman seam break na at dalawang buwan mula pa ngayon ang pasukan ulit. Kaya napag desisyunan Kong lumuwas dito sa manila at maisakatuparan ang plano ko.
Humiga ako sa kama ng dahan dahan.
Kimikirot talaga ang nasa pagitan ng mga hita ko. Bugbog na Bugbog ang katawan ko.
Tsk. Parang halimaw naman kasi ang nasugapa ko.
Akala ko kasi kahapon ng gabi tama na iyong isang beses dahil binagsak niya na ang katawan niya sa tabi ko. Pero ang halimaw nagpahinga lang pala ng ilang minuto at dinaganan niya ulit ako. Halos di ko alam Kong saan kakapit kapahon,kong saan ibaling ang ulo ko,Di ko na alam Kong anung mga sinisigaw at inuungol ko kahapon.
Para siyang nakipagkarerahan. May hinahabol at pilit na inaabot.
Tumagilid ako ng maingat.
Naka ilang beses kaming umulit,,, apat ata? Hindi Lima? Anim? Iwan Di ko na maalala masyado na ako na baliw sa sensasyong binibigay niya 'nung una'y aaminin kong nagustuhan ko iyon. Iwan ko di ko nga alam Kong tama pa ang pinanggagawa ko, Basta bawat galaw ng katawan niya sinusundan ko. Bawat halik niya tinutugunan ko.
Pero Di siya na kuntento sa isang beses lang. May tumakas na luha mula sa mata ko... Masakit man isipin pero parang ni rape niya na ako kahapon.
Ilang beses kong sinabi sa kanya na tama na, ayoko na, dahil sobrang pagod na talaga ako.
Idagdag pa na unang karanasan ko iyon naninibago ang katawan ko.
Pero siya inangkin niya ako ng paulit-ulit at hindi pinakinggan ang daing ko.
Kahit siguro mag reklamo ako ng rape pagtatawanan lang ako ng mga tao. Dahil umpisa bukal naman sa loob ko ang pagsama.
Pumikit ako. Anu-ano naman kasi ang pumasok sa isip ko.
Hanggang sa nakatulugan ko na ang malalim na pag iisip at hinayaan na matuyo nalang ng kusa ang mga luha ko.
/////sorry sa mga grammatical and typo error. Wla pa akong time para ayusin. Please vote and follow thank you /////