Eight

1046 Words
K I N A B U K A S A N Maaga akong nagising, agad akong pumunta ng kitchen at naghanap ng makakape. Mabuti kumpleto naman,halos puno nga ang refrigerator, mga mga gulay, meats, frozens, at iba pa. Mabuti makapagluto ako mamaya. Pagkatapos kong magkape, naglinis ako ng buong unit kahit mukhang malinis naman at hindi makalat. Gusto ko lang maglibangin ang sarili ko dahil alam ko mamaya pag wala akong gagawin maiinip na ako. Sa sala nakita ko ang isang family picture naka frame. Ang mommy at daddy niya at mga kapatid niya, Sa tingin ko ikalawa siya sa tatlo. Babae ang bunso nila, tingin ko dalagita palang ngayon. Gwapo din ng kuya,makisig, mapupungay ang nga mata, macho din at mukhang habulin ng Babae. Dumapo ang tingin ko sa kanya, 'di strikto ang aura niya nakangiti siya ng nakakaloko na parang bang nang aakit. At biglang May nag flash back sa isip ko ang eksina ng nakikipagtalik kami, ang mga mata niya na pinag aaralan ang bawat ekspresyon ng mukha ko tuwing... Tuwing...basta! Ang pagsuyod niya sa buong katawan ko, ang mga ngiti niya kapag inuungol ko nag pangalan niya. Ang haplos niya—ahhhhh! Erase, erase! Ang aga Crizia kabastusan ang iniisip mo! Kailan pa may nangahas na gumulong lalaki sa isip ko? Pinusan ko ang frame at binalik sa pwesto, baka kong maikwento ko na sa isip ko ang malaswa naming eksina. Pagkatapos mag linis inilabas ko ang karneng baboy, mag sisinigang ako para sa tanghalian. At pumasok ako sa banyo upang maligo. ——— Tiningnan ko ang Cp ko ngunit wala man lang text galing sa kanya. Kong OK lang ba siya doon, 'di ba niya ako tatanungin long kamusta ako? kumain naba ako? mga ganyan, diba? Ano naman pakialam mo Crizia kong hindi ka niya tinext or kahit tawagan! Asawa lang! Asawa?!. Kahit na, andito ako sa unit niya. Binabahay ako! Dingdong* Baka siya na umuwi ng maaga, pero sabi gabi pa siya makauwi. Binuksan ko ang pinto at tumanbad sakin si Aemie. "Besh!" niyakap niya ako bigla. "Na miss ko ang amoy mo, na miss kita subra! Huhuhu" "Ang O. A, Aemie! Kahapon lang tayo naghiwalay." niluwagan ko ang pinto upang makapasok siya. "Hehe. Ano kaba, kakaiba ka talaga hindi mo ba ako na miss?" "Hindi pa naman" "Tsk! Sabi ko na nga ba, hindi mo ako na mimiss" nagdadrama na naman. Tinalikuran ko siya at pumunta sa kitchen. "Kumain kana ba?" tanong ko ngunit Di siya sumagot kaya tiningnan ko siya at ngayon naka nganga siyang nililibot ang mga mata niya. "... Ang ganda naman dito Besh! Mukha kang prinsesa dito!" "Condo lang 'to hindi to palasyo!" "Tsk! ganon parin yon ang ganda kaya dito,tingnan mo ang gara! Saka kanila pala' tong hotel! Ang yaman no?" "Gano pa kaya ka gara ang mansyon nila? Kwentuhan no ako kapag nakapunta ka doon Besh huh! *^_^*" Tinalikuran ko siya at siya naman hinayaan kong mag libot sa buong unit ni Wild. Mansyon? Kaya nga ako dinala lang dito sa condo niya kasi Di ako pwede sa mansyon nila! Hinanda ko ang mesa para makakain kami, buti nalang andito si Aemie may makasabay ako. Pagkatapos maghanda ay nakita kong papalapit ito sa mesa. "Wow! May pagkain. Buti nalang 'di ako kumain galing apartment! Hehe." Day off niya pala ngayong araw kaya and ito. Nagsimula kaming kumain. "taray Besh huh, nahirapan pa ako pumasok dito kanina ng sabihin ko na sa unit ni Mr. Wild Henderson! Kong anong I'd pa ang pinakita ko,tinawagan pa si Mr. Henderson para kumpirmahin" Sabi nito sa gitna ng pagngunguya niya tumatalsik pa ang ilang butil ng kanin. Ang gaspang talaga nito kumain. "Buti naman alam mo na andito ko" "Oo, nagpaalam 'Yong jowa— "Hindi ko siya jowa!" "Haha. OK! Nagpaalam siya Kahapon sakin na dadalhin ka niya dito, kaya andito ako." "Nagawa pang magpaalam" "Oo e, kaibigan niya pala ang boss ko. Kaya wala akong takas! Saka alam niya naman na magkasama tayo at na sa'kin ka. Sa yaman 'non, kahit siguro saang lupalop ka ng mundo mahahanap ka!" "Ano gagawin mo?" tanong niya nung ilang minuto kaming tameme. "Hahanap ako ng tiyempo para makatakas ako dito, at sisiguraduhin kong magkalaman na itong tiyan ko" sabi ko at tumayo dahil tapos na akong kumain. "Kong ganun, makisamahan mo siya ng maayos para makuha mo ang loob niya, maka plano ka ng mabuti at makaalis dito. Kasi Sa tingin ko Di ka basta basta makaalis, parang bantay sarado ka!" Iyan nga dapat siguro gawin ko ang pakisamahan siya. "Pano?" "Anong pano?" takang tanong niya. "Pano ko siya mapapakisamahan ng maayos?" "Hmmm...asikasuhin mo, pakita mo Sa kanya na mananatili sa tabi niya. Tutal naman dinala ka niya dito, e mukhang inasawa ka." "Ibig mong sabihin, mag a-acting akong isang dakilang Asawa niya haha" napatawa na ako. "Haha. Oo! Bukod sa pag aasikaso mo sa kanya papaligayahin mo siya tulad ng pagpapaligaya niya sayo. Parang mag Asawa talaga kayo. Hehe" tumayo nadin siya mula sa mesa dala ang platong nagamit niya at nilagay sa lababo. "ako na maghuhugas" presinta ko. "Pero kong balak mo talaga na takasan siya, h'wag mong hahayaan na mahulog ang loob mo sa kanya. Alam naman natin kung gaano ka gwapo si Mr. Henderson, kung ganu kaakit akit, at kung ganu ka womanizer! sabi nga nila nakakalaglag ng salawal. haha! Kaya masasabi ko, ang swerte mo Besh! andami kaya naghahangad sa kanya. Noong pumunta nga siya sa kompanya namin, nako! Nako! Buong araw na usap usapan na siya, at malamang hanggang bukas at susunod na mga araw hindi pa mawawala ang pagpapantasya ng nga kababaehan doon" natapos ako sa pagliligpit habang dumadaldal siya. "Pero sabi nila, halos naman daw lahat sila na magkakaibigan ay womanizer." dagdag niya habang naglalakad kami papunta sa sala. "Pero lahat naman ng tao nagbabago lalo na kapag nakita na nila ang katapat nila" tiningnan ko siya. "I mean, kapag nakita na nila ang taong mamahalin nila. Ang taong masasabi nila na sapat na di na kailangan ng reserba!" "Dami mong daldal. Kapag Babaero ka ! Babaero ka talaga!, at ito ang tandaan mo Aemie!!! Walang lalaki na iisang babae lang ang iniibig. Kahit sabihin pa na Mahal ka niya ng sobra. Lilingon parin yan sa iba.! Tandaan mo yan para hindi kana maloko ulit!" "ay bumalik na naman ang pagka bitter mo! " at nag tawanan nalang kami. Marami pa kami napagkwentuhan, mga bagay-bagay. Mga nangyayari sa paligid, at Kung anu-ano pa. Hanggang umabot kami ng hapon at napagpasyahan niyang umuwi. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD