3-Warning

2295 Words
"Grabe kayo ni Richard sis talagang sa bar pa kayo--" Tinakpan ko ang bibig niya gamit ng kamay ko saka siya sinamaan ng tingin. "Tumahimik ka nga. Baka may makarinig sayo," mahina kong sabi dahil nandito kami ngayon sa lounge ng campus. Eh, ang lakas-lakas ng bunganga nito. "Oo na. 'Wag mo nga ulit ilalagay 'yang kamay mo sa bibig ko," maarte niyang sabi nang maalis niya ang kamay kong pinantakip ko sa kanyang bibig. Inirapan ko siya pero nakarinig ako ng hagikgik mula sa kanya. "'Yang bunganga mo wala talagang preno." "Tell me... kapag ba hindi ako dumating hanggang saan aabot ang steamy night niyo?" "Kung itulak kaya kita rito sa balkonahe? Saan aabot ang kamatayan mo?" pabalang kong sagot na mas lalo niyang ikinatawa. Umiling iling pa siya bago isandal ang ulo sa kamay niyang nasa ibabaw ng mesa. Saka tignan ako ng mapanuring tingin. "'Wag mong ibahin ang usapan, so ano? Masarap ba?" "Gaga ka talaga." "Sige na. Tayo-tayo lang naman." Napabuntong hininga ako at mas piniling manahimik. Sa tuwing naaalala ko ang gabing 'yon ewan ko kung maiinis ba ako o ano. Pano ba naman, after nun uminom pa kami pero saglitan lang dahil napaka-uncomfortable na sa'kin ang walang suot na panty kahit na nakatakip sa legs ko ang jacket niya. Inaasahan kong sasabihin ni Dale sa iba ang nakita niya, pero tanging mapanlokong tingin ang binigay niya buong gabi hanggang ngayon. Tinupad naman ni Richard ang sinabi niyang ihahatid niya ako at sinigurong hindi ako masisilipan. Kung tutuusin fair 'yun dahil sa pagpunit niya ng panty ko. To think na nasa kanya pa rin 'yun hanggang ngayon. Ewan ko lang kung anong ginagawa niya dun. Who knows... kung souvenir nga lang ba talaga or baka may ginagawa na siya roon. Huwag lang ritual dahil masasapak ko siya. "Sis..." tawag sa'kin ni Dale. Binuklat ko ang librong nasa tabi ko lang. "Why don't you ask him? Kaysa 'yung binuburyo mo ako rito." Mas maiging magbasa na lang ako ng libro kaysa makipag-usap sa binabaeng ito. "Bakit? Siya ba ang hin--" hindi na niya natapos ang sinasabi niya nang itapon ko sa kanya ang libro na nasalo niya agad. "Isa pang tanong FRANCIS hindi lang libro ang ibabato ko sa'yo." Diniinan ko ang pangalawang pangalan niya bilang banta na hindi na ako natutuwa sa mga sinasabi niya, na hindi naman talaga. Alam niyang nasa school kami, puro ganyan ang lumalabas sa bibig niya. "Okay... okay... sa susunod na lang kita tatanungin." Maayos niyang binalik sa'kin ang libro na padabog kong kinuha. Kasalanan mo ito Richard. At mas lalong kasalanan ko rin ito kasi pumayag ako. Kainis. ▪▪▪ "Gabi na pala," bulong ko nang makita ang orasan dito sa loob ng library. May quiz kasi bukas kaya pinili kong dito sa library mag-review kaysa sa bahay. Malay, nakakapag-concentrate ako kapag dito ako nag-aaral. Kapag kasi sa bahay, maraming distraksyon kahit na mag-isa ko lang naman. Inayos ko na ang gamit ko at kinuha ang libro para ibalik sa book shelf na pinagkunan ko. Kung magtatanong kayo kung nasaan ang binabaeng lagi kong kasama. Nauna na dahil inaantok na raw siya, mas maigi na 'yun kaysa kasama ko siya. Hindi siya tumigil kakatanong sa'kin na talaga nga namang nakakainis pakinggan. "Oh. Iha, nandito ka pa pala," gulat na sabi ng isa sa mga nagbabantay rito sa library. Ngumiti ako. "Ah opo manang, paalis na rin naman po ako. Ibabalik ko lang po itong libro," nahihiya kong sagot. "Sige. Bilisan mo dahil isasara na namin ito." Tanging tango ang isinagot ko sa kanya at dali-daling pumunta sa pinakadulong bahagi ng library. "Okay... uwi---" natigil ako sa paglalakad nang makita ko si sir Castriel na nakasandal sa tabi lang ng book shelf na pinaglagyan ko ng libro. Suot nito ang glasses niya habang nakahalukipkip at maiging nakatingin sa'kin. Napalunok pa ako ng umalis siya sa pagkakasandal at nagsimulang maglakad sa aking direksyon. Base sa binibigay niyang tingin, napaka-seryoso nito at walang makikitang anumang maayos na emosyon. Madilim ang mukha nito na ikinakaba ko ng kaunti. Ngayon ko lang kasi nakita ang itsura niyang ito dahil sa tuwing makikita ko siya noon. Tanging nakangiting mukha ang ipinapakita niya sa lahat. "Sir ba--" napahawak ako ng maigi sa hawak kong tote bag ng sakupin niya ng kanyang bibig ang aking labi. Para akong nawalan ng hininga nang isandal niya ako sa likod ng malaking book shelf kung saan walang makakakita sa'min. Hindi marahas ang paraan ng paghalik niya sa'kin at lalong hindi rin malumanay. Kumbaga nasa pagitan ng dalawa na talaga nga namang hindi ko na alam kung ano ba ang dapat gawin o isipin. Kung itutulak ko ba siya o hahayaan ko dahil aminin ko man o hindi, nagugustuhan ko na naman ang nangyayari. "Sir..." impit na ungol ko ng malipat ang halik niya sa likod ng aking tenga. Nabitawan ko pa ang hawak kong tote bag ng idikit niya ang kanyang katawan sa'kin. Napapikit ako nang maigi bago lakas loob siyang itulak palayo sa'kin. Binuhos ko ang lahat ng lakas ko para ilayo siya dahil mali ito, maling mali. "Mauuna na po ako," may paggalang ko pa ring sabi kahit na nagulat ako sa nangyari. 'Ano ba Miriana?! Dapat galit ka!' Pinulot ko ang nabitawan kong tote bag at aalis na sana roon, nang pigilan niya ako sa pag-corner na ginawa niya sa'kin. Napatingin pa ako sa mga mata niya sa sobrang lapit namin sa isa't isa. Paunti-unti'y simulay sa kanyang labi ang usual niyang ngiti na nakikita ko. Bumilis pa ang pintig ng aking puso ng mabilis niya akong halikan sa labi bago muling ibalik ang seryoso niyang tingin. "I hate seeing you with other guys Miriana," bulong niya, sapat para kaming dalawa lang ang makarinig. Mas lalo akong napatitig sa mata niya dahil hindi ko alam ang isasagot ko. Sarado ang utak ko para mag-isip ng sagot dahil in the first place, hindi ako dapat nasa sitwasyong ito. "At mas lalong ayokong nakikita kang hinahalikan ng ibang lalaki." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Anong ibig mong sabihin?" Nilayo niya ang kanyang sarili kaya nakahinga ako ng maayos. Pero hindi niya pa rin ako hinayaang makaalis dahil nakaharang siya sa nag-iisang daan palabas sa likod ng shelf. "Sa bar..." pauna niyang sabi na mas lalong nagpakunot ng aking noo. Sa bar? "Nandoon ka?" hindi makapaniwala kong tanong ng ma-realize ko ang pinupunto nito. "Oo. At naiinis ako na makita kang nakikipaghalikan sa ibang lalaki. I know I have no right to be angry. But I can't bear to see you having fun making out with that guy." Napahawak ako sa ulo ko sa mga naririnig ko mula sa kanya. Kung nandoon siya at nakita akong nakikipaghalikan kay Richard? Don't tell me alam niya rin ang nangyari sa likod ng kurtinang 'yon? "Sinusundan mo ba ako?" may inis kong sabi na ikinatahimik niya ng kaunti. "Bakit hindi ka makapagsalita sir? Sinusundan mo ba ako?" muling sabi ko ng titigan niya lang ako. Napahilamos siya sa kanyang mukha saka ako tinalikuran. "Oo sinundan kita dahil gusto kong humingi ng tawad sa nagawa ko nung gabing 'yon. And to make things clear sa pag-aminin na ginawa ko sa office. Pero..." humarap siya sa'kin matapos niya 'yang sabihin. At kahit madilim, kita ko ang lungkot sa mga mata niya. "...nakita kitang nakikipaghalikan sa ibang lalaki. Gusto kitang ilayo sa kanya nung gabing 'yon lalo na nung isara niyo ang kurtina ng table niyo. Alam ko na kung anong gagawin niyo dahi--" Isang malakas na sampal ang binigay ko sa kanya sa lahat ng naririnig ko. I never thought na ganito pala ang ugali ng lalaking hinahangaan ko. Hindi dahil sa nahihiya akong nakita niya ang nangyari nung gabing 'yun sa bar. Kundi dahil hindi na tama ang ginawa niya. "I still respect you as my professor, but you are crossing the line, sir Castriel. Pati privacy ko pinapakialaman ninyo. One mistake is enough, but another is not acceptable to me to allow you to cross the line." Kahit na gusto kong magalit sa kanya ng buo, tanging inis lang ang nararamdaman ko ngayon. "I'm still your student kaya kung ano man ang nararamdaman niyo para sa'kin. Itigil niyo na dahil hindi na tama. Lalong lalo na ang nangyari ngayon lang." "Miriana..." mabilis niyang nahawakan ang kamay ko para pigilan ako sa pagtulak sa kanya. Puno ng pagsisisi ang nakikita ko sa kanyang mata na hanggang ngayo'y nagpapabilis pa rin ng t***k ng aking puso. Pabalang kong inalis ang kamay kong hawak niya. "Sa susunod na mangyari ito, hindi ako magdadalawang isip na sabihin sa mismong dean ang ginagawa niyo. This is a warning sir, so know your limits." Tinignan ko pa siya ng masama bago lisanin ang lugar na iyon. Tama ang ginawa ko. Tama ito. ▪▪▪ Ilang beses akong napakurap ng makita si Richard sa loob ng campus. Hindi dahil bumibisita siya, kundi dahil nandito siya bilang isang propesor. "Aba... aba at talagang dito mo pa napiling magturo," mapanuksong sabi ni Dale sa kanya. Kinindatan niya pa ako bago muling ibalik ang kanyang tingin dito. Simple itong ngumiti. "I don't have a choice, ayaw akong tanggapin ng ibang university bilang professor. Kaya naisipan kong mag-apply rito. Good thing natanggap naman ako agad." "Paniguradong magiging exciting ang huling taon ni Miriana rito. Tama ba?" Humagikgik pa si Dale habang nakatitig sa aking mata. Inirapan ko siya sa gusto niyang iparating. Pakibalik nga ako sa araw na dapat hindi niya kami nakita. Dahil tutuksuhin niya ako ng tutuksuhin hanggang pagtanda namin. "Tumahimik ka na nga lang Dale. Nakakarindi 'yang boses mo." Sabay silang tumawa sa naging sagot ko at iiling na tinignan ako. Hinayaan ko silang mag-usap at mas piniling hindi sila pansinin. Dahil kapag pinansin ko ang mga 'yan, mas lalo lang nila akong iinisin. "Sayang... hindi ka namin professor, dibale baka sa susunod na semester." "Bakit? Para ipasa ko kayo?" Malakas na pumalakpak si Dale. "Nakuha mo rin ang punto ko!" Kahit kailan talaga itong si Dale. Ewan ko na lang kung anong magiging kinabukasan ng buhay niya. Tamad kasi yang mag-aral kahit na isang taon na lang ang nalalabi namin dito sa school. Mayaman din kasi ang pamilya niya kaya siguro wala siya masyadong pakialam sa pag-aaral. Swerte pa siya dahil tanggap siya ng pamilya niya, kaya in the end? Siya ang magtutuloy ng business ng mga magulang niya. He's lucky that's why I envy him. Unlike me na kailangan ko pang maghirap para lang maabot ko lahat ng pangarap ko sa buhay. The same with Richard, he's also lucky na may supportive siyang parents. Hinahayaan nila siyang gawin ang lahat ng gusto niya. Katulad ngayon, isa na siyang professor dito sa school kahit na ubod ng yaman ang pamilya niya at marami siyang pagpipilian na posisyon sa kumpanya nila. Pero sa huli? Mas pinili niya pa ring maging isang teacher. Life is really unfair. "So ano na? May namamagitan na ba sa inyo after that night?" mahinang tanong ni Dale na halatang ipinaparinig sa'kin sa lakas ng kanyang pagkakasabi. Pasalamat siya at malayo layo ang mga mesa rito sa lounge, kundi baka mamaya may makarinig sa malakas niyang bunganga. "Wala," simpleng sagot ni Richard. "Eh? After niyong mag--" "Francis." Pagpuputol ko sa mabaho niyang bunganga. Hindi talaga siya marunong makiramdam noh? "Bakit? Alam naman nating tatlo na mas gusto niya ng girls over boys. Kaya hindi na ako magugulat kung mayroong mamagitan sa inyo after that night. At isa pa, both of you look good." "Kahit magunaw pa ang mundo, never in my life na magiging kami. Kaya tumahimik ka na lang diyan." Rinig ko ang tawa ni Richard pero hindi ko pinansin. "Okay, sabi mo 'yan, ha? Nako sis... malaman laman ko lang na may namamagitan sa inyo..." "Anong gagawin mo?" masungit kong sabi. Ngumiti siya ng malapad saka lumapit sa'kin. "Ako na ang bahala sa honeymoon ninyo." Gamit ng daliri ko, tinulak ko ang ulo niya palayo sa'kin at iiling na tumayo. "Mauna na ako, walang patutunguhan ang pagsama sama ko sa inyo." Katulad kanina, tumawa lang sila kaya hindi ko na hinayaan pang makapagsalita silang dalawa. Umalis na ako roon, uuwi na nga lang ako. Buti na lang at wala na akong klase kaya pwede na akong umuwi. "Honeymoon? Baliw ka talaga kahit kailan Dale." Epilogue "Alisin mo 'yang kamay mo Richard." Hindi ata niya alam ang salitang privacy. Nandito na ako sa labas ng school dahil gusto ko ng umuwi. Masyado nila akong pinagtutulungang dalawa para buryuhin. Inalis naman nito ang kamay niyang pinang-akbay sa'kin kaya hinarap ko siya. "Bakit ka sumunod? Wala ka bang klase?" Mabilis siyang umiling. "Hindi naman kita susundan kung meron hindi ba?" "Oo na," bagot kong sagot. Luminga ako sa paligid para tignan kung may masasakyan ba. Pero dahil hapon at may klase pa ang iba, mukhang mangilan ngilan lang ang dumadaan. "Saan mo gustong kumain?" "Gusto kong matulog," mabilis kong sagot, malayo sa naging tanong niya. Inaantok kasi talaga ako kaya wala rin ako sa mood para makitambay sa dalawang ito. "Edi... ihahatid muna kita sa bahay. Tapos sabihin mo kung anong gusto mong kainin, isusunod ko." Tumigil ako sa paghahanap ng sasakyan para tignan siyang ngingiti ngiti ngayon. "Sige. Gusto ko ng pizza, chicken nuggets, pesto, burger, milkshake, chicken wings na maraming cheese, and seafood." "Hmmm... gusto mo ng tahong?" "Tahong?" may pagtataka kong tanong. "Kasi ako gustong gusto ko lalo na kapag nakabukas na tapos watery." Parang nag-malfunction sandali ang utak ko. Pero agad ko ring naintindihan ng ngumisi siya. "Aray Miriana! Tama na! Masakit!" Hindi ako tumigil sa paghampas sa gagong ito. Kahit kailan talaga ang dumi ng utak. "Gago ka, eh! Kaya ito tanggapin mo!" "Aray! Bakit? Gusto ko ng tahong, eh! Aray! 'Wag diyan! Ah!!!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD