CHAPTER 26 - Beach HINDI pa tuluyang sumisikat ang araw ay gising na gising na agad ako at nakabihis. Bahagya pa akong humihikab habang naghihintay sa labas ng bahay ko. Ngayong araw ay Sabado. Noong weekdays pa lang ay napag-usapan na ang tungkol sa pagpunta sa beach resort, at napagpasyahan ng karamihan ang umalis nang maaga upang makarating agad sa Batangas kung saan ang destinasyon namin. Kaya ngayon ay naghihintay na ako sa susundo sa akin. Tumayo ako ng tuwid nang mamataan ko na ang isang itim na van. Dahil marami kami at malayo ang byahe, napagpasyahan namin ang gumamit na lang ng van para sabay-sabay na bumiyahe. Nang tumigil ang van sa harapan ko ay kaagad na nagbukas ang pinto nito. Ngumiti ako nang malapad nang sumalubong sa akin ang mga kaibigan ni Domino. Napansin ko rin a

