CHAPTER 58 - Envelope IT feels like a dream... but it wasn't. Isang patunay na roon ang nakikita kong tanawin ngayon sa aking harapan kung saan ay malinaw kong pinagmamasdan ang gwapong mukha ni Risk habang mahimbing pa rin itong natutulog. Ang sinag naman ng araw ay pumapasok sa glass wall na nagbibigay ng liwanag sa paligid ng kwarto. Sa sobrang pagod kagabi, kahit kagigising lang ay nakatulog na ako nang matapos. At nang magmulat ng mga mata ay unti-unti nang sumisikat ang araw. Marami pa rin ang hindi malinaw sa akin. Kahit na umabot na kami ni Risk sa ganitong punto ay hindi niya pa rin inaamin sa akin ang totoo kung siya ba si Domino, ngunit sa pagkakataong ito ay wala na akong paki sa mga kasinungalingang sasabihan niya. My heart recognized him. And that's all matters to me. Kahi

