CHAPTER 72 - Back "RUN, Haelynn!" mariing utos ni Zen bago hinarap ang mga kalalakihan na isa-isa nang pumapasok ng bahay. Napalunok ako at nalilito kung susunduin ba si Zen. Hindi ko kayang basta na lang siyang iiwan dito! Pero kung mananatili ako ay baka maging pabigat lang ako sa kanya na mas lalo niyang ikapahamak. Sa huli ay natagpuan ko na lang din ang sariling tumatakbo at nilalakbay ang kahabaan ng isang hallway. Nakita ko rin ang pagtakbo ni Zen pa-akyat sa pangalawang palapag ng bahay nang magpaputok na ang kalaban. Oh God, I hope nothing bad happens to him. Malalaki ang bawat hakbang na ginagawa ko. Ni hindi ko na rin sinubukan pang tumingin sa likod ko dahil sa takot na maging dahilan ito para bumagal ako. Nang marating ang pintong daan palabas sa likuran ng bahay ay agad

