CHAPTER 70 - Who "s**t, Zen! Tama na!" pagsuko ko nang hindi na ako makagalaw. Basta na lang niya akong isinubsob sa mat at hinawakan ang mga braso ko para hindi ako makagalaw. Nilagyan niya rin ng bigat ang likuran ko para hindi makatayo. Mabilis akong tumihaya ng higa nang pakawalan na niya ako. Hinihingal ako sa sparring na ginawa namin. "Are you okay?" Gusto kong sungitan siya. Do I look okay? Halos baliin niya ang braso ko kanina! Nang hindi ako sumagot, kita kong nagpumeywang siya sa harapan ko habang suot ang isang nagyayabang na ngisi. "Mga babae talaga, ang hihina." Bahagya akong naasar sa pagyayabang niya. Kaya nang tumalikod siya ay mabilis akong bumangon at sinipa siya nang may katamtaman lang na lakas, ngunit sapat na para masubsob siya sa mat na nakalatag sa sahig. "S

