ELLYSE MARIE ROMANO-DEL PIERRO Mabagal na naglalakad akong mag-isa sa aisle. Suot ko ang napakaganda kong tube-like and strapless white wedding gown na gawa ng isang sikat na fashion designer. Alam kong napakaganda ko ngayong araw na ito dahil bukod sa inayusan ako ng napakagaling na hair and make-up artist, mababakas rin sa aking labi ang napakalawak na ngiti habang nakatingin sa mga bisitang nakatingin rin sa akin at kapwa nakangiti. Blushing bride nga ang tawag nila sa akin na kinakikilig ko naman. Nangyari na ang pinapangarap ko dati pa. Ang makasal sa ganitong lugar. Luntian ang paligid dahil napapalibutan ito ng mga puno at halaman na kayganda pagmasdan lalo na kapag nasisinagan ng liwanag ng araw. Iba’t-ibang klase ng bulaklak ang makikita na talaga namang kaiga-igaya pagmasdan. N
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


