It's five in the morning and I'm still yawning when I got inside our Montero Sport.
Still very sleepy, I made myself comfortable behind the driver's seat. I hugged my backpack and leaned back, determined to continue my disrupted sleep.
I hate waking up early. Puyatin mo na ako, huwag mo lang akong gigisingin ng maaga. Umiinit talaga ang ulo ko. Hirap kasi akong makatulog. Every night I need to drink a cup of chamomile tea just to help me get a good night sleep. At kung kailan naman nasa kasarapan ng tulog tsaka sila nanggising.
Pero since para kay Mamay ito at birthday niya, fine, I'll make an exception.
"Eww, Ate! Hindi ka pa naligo!?" Kirk exclaimed so close to my ear, I felt my eardrums quiver.
I raised my right arm to smell my armpit and he dramatically acted like he was going to throw up.
"Hoy Kirk, nag-shower ako kagabi ha! At maayos naman ang damit ko ah! Sino ba kasing naka-isip na umalis ng ganito kaaga? Tulog pa ang ulirat ko!"
"Si Papa. Kailangan raw natin umabot sa six thirty mass para maipagpa-misa ng thanksgiving si Mamay. May reklamo ka?" maagap na sagot ni Kuya Brett bago naupo sa bandang likuran ko at medyo natauhan naman ako.
"Ahh...wala! Natanong ko lang naman. Kaya nga marami akong baon na damit ko para doon na lang ako maligo, hindi ba?"
Ipipikit ko na sana ulit ang mga mata ko nang makita ko ang isang lalaking tumatakbo palapit mula sa rearview mirror.
"Anong ginagawa mo rito?!" I almost shouted. Doon na ako tuluyang nagising.
"Kasama ako. I wouldn't miss Mamay's birthday for the world," Ethan replied with a smile.
Saturday ngayon pero sa pagkakaalam ko ay may klase sila sa umaga dahil next week na ang LET niya. Isa pa ay may game sila ng Soccer sa hapon sa village.
"Hindi ba may review ka?" I asked, looking for a reason kung bakit hindi siya dapat sumama.
It's a long ride to Batangas and to think na kabuntot na naman si Ethan ruined my idea of a peaceful weekend away from the city.
"Nagpaalam naman ako. Binigyan na lang ako ng review materials for today's session," he reasoned out.
"Board exam mo na next week pero nag-absent ka para lang makagala? How responsible of you," I remarked sarcastically.
"Just to be with you, I'd give up anything, my Lois," he replied dramatically while clutching his chest.
"Pero hindi ba may laro kayo ng Soccer mamaya?" I reminded, not losing hope.
"Oo. Pero last week pa nagpaalam na ako para maka-concentrate sa review kaya expected nila talaga na hindi muna ako sasali until after my Licensure Exam for Teachers.
I snorted.
"Siguro hindi ka kawalan kaya ka pinayagan," I concluded.
Pagkasabi ko noon ay biglang sumakay si Papa sa driver's seat kaya pansamantala akong tumahimik. Maya-maya naman ay naupo na rin si Mama sa tabi niya matapos i-check ng maka-ilang beses ang mga switch at lock ng bahay at shop.
Papa led a short prayer nang nasa loob na kaming lahat ng sasakyan and after that, we hit the road.
"Buti nakasama ka, Ethan. Hinanap ka samin ng Mamay ninyo noong nakaraan na dumalaw kaming wala ka," Mama started a conversation while handing out ham and cheese sandwiches to each of us seated at the back.
"May pre-board po kasi kami that time, hindi talaga ako pwedeng mag-absent. Pero kung may choice po ako talagang join rin ako. Aba, hindi ko yata palalagpasin ang mga tips ni lolo sa panliligaw. Alam ninyo naman, siya talaga ang ultimate idol ko!"
Everybody laughed at what Ethan said, except me of course. Kuya Brett even slapped his back.
"Bro, kaya ka pala hindi sinasagot nitong kapatid ko eh, stone age pa ang mga tactics mo!" sabi niya.
"Stone age? Bro, Mamay's diskarte tips are tested through time. They're proven effective. Tingnan mo naman, up to the day when Nanay died, you'll see them holding hands. Kapag tumatayo si Nanay, nakaalalay palagi si Mamay. Hindi kakain si Mamay kapag hindi kasabay si Nanay. That's what growing old together is all about!"
I have to admit, ang love story nina Mamay at Nanay is one of a kind. Theirs is a rare kind of love and I can listen to their love story over and over again.
You see, Nanay is crippled. Months before they got married, naaksidente si Nanay and her left leg was amputated. Sabi ni Nanay noon, dineretsa niya si Mamay na pwede pa siyang umatras sa kasal dahil alam niyang magiging alagain siya nito habambuhay. But Mamay chose to stay. And from that day on, hanggang sa namatay si Nanay, never na ipinaramdam sa kanya ni Mamay na pabigat siya.
I believe he is Nanay's first love dahil palagi niyang ikinukwento sa akin noon na wala siyang ibang minahal na gaya ng pagmamahal niya kay Mamay. Gaya ni Mama at Papa na childhood sweethearts, theirs is another story of first love fairy tale. It never ended even after Nanay died because Mamay kept that love alive in his heart kahit wala na si Nanay.
It must be really nice to grow old with the only person you've loved all your life, I thought as I watched Mama unwrap a sandwich for Papa.
"I'm happy to grow old with you, Hon," ani naman ni Papa after taking a bite.
His right hand momentarily left the gear to reach for Mama's hand and kissed it. She smiled appreciatively in return and caressed Papa's cheek with her other hand.
"I'd love to grow old with you, my Lois," Ethan suddenly joined in. He was sitting behind us with Kuya Brett but he propped his head on the backrest, his face almost touching my cheek.
Akmang kukunin pa niya ang kamay ko pero bago pa niya nagawa iyon ay humalukipkip na ako at sumiksik mas malapit sa bintana habang tumatawa si Kirk.
Kitang kita ko sa rearview mirror ang pagngisi ni Papa at ang pagpipigil ng tawa ni Mama but I frowned at them kaya hindi na sila nagsalita. Sanay na sanay na sila sa mga ganoong hirit ni Ethan and I hate the fact that they're so cool about it.
"It's okay my Lois, we'll have plenty of time to cuddle when we're already happily married," hirit pa nito.
Hindi na nakatiis si Mama at bumunghalit ng tawa bago muling tinakpan ang bibig niya.
I rolled my eyes and turned to look at Ethan.
"You see Ethan, they're happily married because the feeling is mutual. They love each other. It's a two way relationship. Ang sa atin, hindi. I wouldn't mind growing old together with someone that I love. Pero kung ikaw, I really don't think so. Baka magpakamatay na lang ako. So it's different. Are we clear? "
Naramdaman ko agad ang hampas ng kamay ni Kuya Brett sa balikat ko pagkasabi ko noon.
"Aray!"
"That was mean!" he said in an authoritative tone but Ethan quickly stopped him and smiled at me.
"Okay lang, Bro. Basta ako, naniniwala ako that someday my Lois will realize that she also can't live without me."
My family cheered in unison but I just rolled my eyes at them before darting Ethan a dagger look.
"Dream on, Ethan," mayabang na sabi ko rito but he grinned even wider.
"Always doing so, my Lois. And just so you know, you're always in it," he said.
The laughter got even louder after what he said and knowing I'm the butt of the joke once again made me reach my boiling point in no time.
"Arrrggghhhh!!! I screamed in frustration before shutting my eyes.
Kanina ay antok na antok ako but now I have to force myself to sleep. Mama hushed them down dahil alam niyang napipikon na ako and I just pretended to be asleep for the rest of the ride.
Just the same, I pretended to wake up when we got to Padre Pio Shrine.
"Sisimba ka nang hindi naligo, Ate?" Kirk whispered at me as I was tyring to comb my unruly hair with my fingers.
"Bakit, aamuyin ba isa-isa ni Father ang mga uma-attend ng misa dito? May policy ba sila na hindi pwedeng mag-communion ang hindi pa naliligo?" I retorted back.
Tumawa si Kuya Brett sa isinagot ko at agad namang lumabas si Ethan ng sasakyan para alalayan ako sa pagbaba.
"Lumayo ka sa akin, mabaho ako," I said, loud enough for Kirk to hear kahit nasa labas na siya.
Ethan beamed at me instead and took my hand.
"I don't mind. I still love you and I want to be with you - with or without a bath," he assured me at bahagya naman akong napatawa. Minsan sweet rin talaga ang baliw na ito e.
I let Ethan hold my hand for a while dahil nakakahiyang maghilahan kami ng kamay sa gitna ng maraming tao sa simbahan pero pagpasok namin ay binawi ko na rin ang kamay ko para mag-sign of the cross.
I marveled at the beauty and solemnity of the church. Ilang beses na akong nakarating rito but the native Filipino appearance of the open-air parish still takes my breath away and the cross hanging on the ceiling with the image of the Holy Family never cease to amaze me.
"Qui e' dove ti sposero'," Ethan suddenly said and winked at me.
"Ano?!" I asked. Akala lagi ng Ethan na ito ay nasa Italy siya. Alam kong tuwing bakasyon ay pumupunta siya roon at sanay na sanay na siya sa Italian language pero nakakairita na minsan ang pagpapasikat niya.
"This is where I will marry you, Ms. Lois Fenella Agustin," he translated.
"Not while I'm still alive, Mr. Clark Ethan Joaquin," I snapped and left him to sit beside Mama.
After the mass, we drove further south for another hour or so until we reached our beachfront ancestral home in Anilao, Mabini, Batangas. Naka-abang na si Mamay at nakaupo sa isang mahabang papag na kawayan ng dumating kami, all smiles. Isa-isa kaming nagmano at magiliw naman niya kaming niyakap.
"Happy Birthday po, Mamay," bati ko sa kanya bago nagsigaya ang lahat.
"Salamat at nakarating kayo," masayang sabi niya bago tinawag ang kasa-kasama niya sa bahay na si Kuya Noli para magpahanda ng almusal.
"May suman po ba, Mamay?" tanong ni Ethan.
"Aba oo naman! Alam kong paborito mo iyon. Nagluto rin ako ng bulalo at kapeng barako na nilaga kanina lamang. Gusto mo rin iyon, hindi ba?"
Ethan eagerly nodded bago inakbayan si Mamay at inakay papasok ng bahay. I saw how Papa looked at them in amusement. Alam kong isa pa iyon sa mga rason kung bakit gustong-gusto niyang isama si Ethan kapag umuuwi rito.
Mamay's pet si Ethan. Bata pa kami ay magkasundo na sila. Pareho kasi silang mahilig sa jokes at tawanan at palagi ring tinutulungan ni Ethan si Mamay sa paghahalaman.
Ang totoo ay hindi ko alam kung marunong ba talagang magtanim si Ethan pero kahit siguro kwento lamang ang sagot nito tuwing magkasama sila ay ayos lang kay Mamay. They can sit around for hours just talking and laughing over a cup of coffee. Old people like that, when the young listen to them and I think that's why Mamay enjoys having Ethan around.
"Ano po Mamay, napag-isipan nyo na ba? Sumama na lang kasi kayo sa amin sa Maynila at gagawa tayo ng maraming ice cream doon. Malilibang kayo," ani Kuya Brett.
Ilang beses na siyang pinakiusapan ni Mama at Papa matapos mamatay si Nanay na sa amin na tumira pero ayaw niya talagang umalis dito sa probinsya.
"Alam ninyo namang nandito sa bahay na ito ang lahat na ala-ala ng Nanay ninyo. Ayokong iwan ang lahat na meron kami rito," sagot naman ni Mamay.
As far as I know, there's no use agruing. Kahit gaano kahaba ng usapan, ang ending pa rin noon ay hindi sasama si Mamay sa Maynila. Period.
After breakfast ay tsaka lamang ako naligo. Pagkatapos noon ay tulong-tulong kaming nagluto ng pagkain na handa para kay Mamay. May ilang kapit-bahay rin kaming inimbitahan na karamihan ay matatanda. Kitang-kita sa mga mata ni Mamay kung gaano siya kasaya kasama ang pamilya at mga kaibigan pero ilang beses rin niyang binaggit sa gitna ng kasiyahan na iyon na sana raw nandito si Nanay at kasama niya.
Mabuti na nga rin at nandoon si Ethan. Siya ang nag-entertain ng mga matatandang bisita habang abala kami sa pagse-serve ng mga pagkain. I don't know what is it in him pero gustong-gusto siya ng matatanda at aliw na aliw ang mga ito sa mga patawa niya. Pati si Kirk at Kuya Brett ay napasali rin niya sa mga palaro.
Hapon na nang umalis ang mga bisita. Nagliligpit kami at naglilinis nang tapikin ko ang balikat ni Ethan na noon ay nakikipag-kwentuhan kay Mamay.
"Oy, hapon na. Hindi ito Maynila. Hanggang 6 ng hapon lang ang byahe dito dahil hindi ito bayan. Wala ka nang masasakyan kapag ginabi ka," paalala ko.
He gave me a questioning look.
"Huh? Sinong aalis? I'm not going anywhere. I'm leaving when you are."
"Hindi ka uuwi? Eh bakit wala kang dalang gamit?" tanong ko. Sigurado ako na wala akong nakitang bag na dala niya.
"Diba two days tayo dito? Iyon ang sabi sa akin ni Brett. Tsaka it doesn't matter kung wala akong dalang gamit, you're all that I need to survive. I don't need anything else."
Umirap ako sa ka-corny-han ng hirit niya at tumawa si Mamay.
"Is that what Mamay has been teaching you? Naitanong mo ba kung Love Can Keep Us Alive ang theme song nila? Eh kung hindi ka kaya naming pakainin dito?"
"O sige na, apo. Lumakad ka na roon at may pinag-uusapan kaming masinsinan nitong si Ethan," pagtataboy ni Mamay sa akin.
Hindi pa ako masyadong nakakalayo ay nagbubulungan na ulit sila. Ganoon sila tuwing nagkikita. Nagbubulungan kahit wala namang katabi pagkatapos ay sabay na tatawa.
Napagod yata ng husto si Kirk kaya nang yayain ko siya para maglakad sa tabing dagat ay tumanggi ito. Kausap naman ni Kuya sa cellphone ang girlfriend niya at siguradong mamaya pa iyon matatapos.
Pagkatapos kong magpaalam kay Mama ay lumabas ako ng bakuran. Doon pa lamang ay naririnig ko na ang hampas ng alon sa di kalayuan. Naglakad lakad pa ako hanggang matanaw ko ang dagat. Noong bata pa ako ay dito ako palagi pinatatakbo ni Nanay para raw lumakas ang baga ko. Salamat sa beach na ito at nawala ang asthma ko.
When I got closer, I took off my slippers and continued walking. I stand in awe as the pristine water reached for my bare feet. It still find it amazing how my footprints instantly disappear in the sand with every step.
Naupo ako sa maputing buhangin to watch the sunset. The cloud formations are woderful as well and I tried to make out different shapes from it, gaya ng laro namin noong maliliit pa kami nina Kuya Brett at Ethan.
"Tea for your thoughts?"
"Penny kaya 'yun," I responded quickly without taking my eyes off the setting sun.
When it finally disappeared on the horizon, I looked up and saw Ethan smiling down at me with a steaming cup.
"Chamomile?"
"Of course. Steaming hot, just the way you like it."
"Saan galing yan?"
"Dala ko," kibit-balikat na sagot niya.
"Wala kang dala kahit isang damit pero naalala mong magdala ng tea," I concluded while shaking my head in disbelief bago inabot ang tasang ibinibigay niya.
"Pwede naman akong manghiram sa Kuya mo. Iyan lang kasi ang naalala kong dalhin kanina paggising ko. You need that to get a good night sleep, hindi ba?"
Hindi ako namaimik agad. Hindi siya nag-abalang magdala ng kahit anong gamit para sa sarili niya pero naisip niyang magdala ng chamomile tea para sa akin. Hindi ako bato para hindi ma-touch sa ginawa niya.
"So, can I sit beside you?"
I stared at him with a blank expression and thought for a while.
"Please?" he asked again when I didn't say a word.
He looked like a lost puppy looking for shelter at bahagya akong napangiti sa itsura niya.
"Fine," I finally said and he grinned bago nagmamadaling umupo sa tabi ko.
"Pero ayokong makarinig ng mga hirit mo ha. Wala akong pakialam kung anong natutunan mo today kay Mamay about Diskarte Diaries," I warned.
He held up his right hand.
"No talking. I'll just sit beside you. Promise."
I nodded at him and turned back to the beach, straining my ears to listen to the waves. I could stay here forever - sitting on the white sand, feeling the cold crystal-clear water below my feet, watching the rippling waves and hearing the splatter of water along with the gust of wind. No wonder Mamay never wanted to leave.
"Uhm..." Ethan abruptly grunted beside me, interrupting my thoughts.
"I said no talking," saway ko.
"Isang sentence lang, please?" hirit niya.
"Okay! Ano?" I asked, defeated.
"Since I can't talk, can I sing then?" he asked.
Napaisip naman ako. Although there's a half moon, it's still dark in here and the silence is becoming eerie. And his voice isn't so bad, anyway. Actually he has a nice voice especially when he sings.
"Sige na nga," I gave up and rested my chin on my knees.
Kanina pa siya nagha-hum ng kanta sa loob ng sasakyan. Iyon rin ang kinanta niya sa videoke kaninang tanghali pero alam kong kapag nagreklamo ako ay lalong hahaba ang usapan kaya hinayaan ko na lamang siyang magpatuloy.
Hindi ako masyadong particular sa mga lyrics ng kanta. Pero iyon ba namang ulit-ulitin niya, syempre makukuha ko naman ang message ng song.
The mere fact that he thinks we'd end up together makes me cringe. These are the things that I'd rather not hear him say. Pero wais talaga ang loko, hindi nga raw siya magsasalita pero iyon rin naman ang laman ng kanta niya.
In a way nasasaktan rin naman ako para sa kanya. Pero never ko naman siyang pinaasa. Hindi rin naman tama na sagutin ko siya dahil lang sa naaawa ako sa kanya. You don't get into a relationship out of pity.
Ang totoo, okay naman kami ni Ethan noon. Close, even. Kung hindi nga lang siya nag-decide na manligaw at gawing awkward ang lahat sa pagitan namin, siguro magkaibigan pa rin kami hanggang ngyaon.
"Ethan, naaalala mo ba noong mga bata pa tayo? We're good friends, right? Naglalaro tayo, nagkukulitan, at nakikipagsuntukan kayo ni Kuya Brett kapag may umaaway sa akin. I kinda miss those days."
He didn't say anything and instead looked away. He's heard these from me before at sa totoo lang, hindi ko alam kung ilang beses ko pa dapat ulitin para mag-sink in sa kanya.
"I really think we're better off as friends, Ethan. Go back to the way we used to be when we were kids. We can at least save the friendship," I went on pero wala pa rin siyang imik.
"Ethan, kung pwede ko lang turuan ang puso ko na mahalin ka gaya ng pagmamahal na ibinibigay mo, matagal ko nang ginawa. But love doesn't work that way."
I'm trying to be as calm as I could be pero nang hindi pa rin siya nag-react ay hinampas ko na ang braso niya.
"Hoy Ethan, ano ba!? Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko?"
"E sabi mo kasi bawal ako magsalita," katwiran niya sabay kamot sa ulo.
"Kinakausap kita! Natural kapag kinakausap ka na, magsasalita ka! Ang dami ko nang nasabi!" inis na giit ko pero yumuko lamang siya.
"Ano? Do you get my point?" I asked again.
He nodded. It was dark but I was still able to see how his expression turned serious when he looked up to the night sky.
"Kung pwede ko rin lang turuan ang puso ko na huwag na lang ikaw ang mahalin, do you think hindi ko gagawin? But you said it yourself, it doesn't work that way. Hindi natuturuan ang puso."
I heaved a sigh. He still doesn't get it. Daanin ko siya sa pagsusungit, sa biro, o kahit seryoso, hindi talaga niya ma-gets.
"I don't want to burden you. Hindi ko naman hinihingi sa iyo ang hindi mo kayang ibigay. Isang bagay lang ang hiniling ko sa iyo. Just let me love you. That's all I'm asking of you. Kahit walang kapalit."
Hindi na ako umimik after that. Para siyang si Mamay, may katigasan ang ulo. Walang pakikinggan kundi ang gusto niya, walang explanation na tatanggapin kundi ang rason niya. Kaya magkasundong-magkasundo sila.
"Non mi importa di quello che dici. Io ti amo lo stesso," Ethan said out of nowhere after a long moment of silence.
Wala akong naintindihan sa sinabi niya but this time hindi na niya hinintay na humingi ako ng translation.
"I don't care what you say. I still love you."
What have I done to deserve Ethan's love? Ano nga ba ang alam ko sa love?
Kung pwede lang sana na si Ethan na lang ang naging first love ko, mas simple sana ang buhay.
Yes, true love runs in the family. Si Mamay at si Nanay. Si Papa at si Mama. Si Kuya at ang long time girlfriend niya.
If only love can be passed on like a family legacy.
Pero hindi.
Pagdating sa pag-ibig, kanya kanya kami ng gawa ng history.
Sabagay, love will probably complicate things more in my life. Ang buhay ko nga hindi ko alam kung paano ayusin at bibigyan ng direksyon. Love will surely add to my life's mess.
Maybe love isn't for me.
Maybe love isn't my cup of tea.