The following Sunday ay kasama kaming magkakapatid sa Batangas para bumisita kay Mamay. I was surprised na sumama rin si Ethan. Ang alam ko madalas siyang dumalaw kay Mamay pero palaging weekdays kaya hindi siya sumasabay samin. Earlier I found out na may lakad pala sila ni Kuya Brett at sabay silang babalik ng Manila sa hapon. I didn't see much of him dahil bumalik na ang boss ko sa office at palagi na naman akong late nakakauwi kaya I was glad to see him today. Pero as usual, he acts as if I'm not even there. Inimikan lamang niya ako kanina to say 'thank you' for the Choc-Nuts that I left on his doorstep the other night but that's it. Hindi man lamang niya in-acknowledge na nag-effort akong ilagay iyon sa glass jar para hindi langgamin. Maagang-maaga pa ay nasa byahe na kami. I was ho

