“Anak, lakas mo kumain ah. Halos sahirin mo yung kaldero.” “Sarap kasi ng luto mo, Ma. Hehe.” Talsikan pa ang tinga ni George dahil sa pamumukalan ng bibig. Gutom na gutom sya at yon ang hindi nya maintindihan, dahil bago pa lamang sila magpunta ni Maggie sa bahay nila ay kumain muna sila sa fast food kung saan ay halos orderin na nya lahat ng pagkain. Lakas ni baby! “Talaga anak? Eh sa lahat naman ng niluto ko, iyang pritong itlog ng Tiyo Pulding mo ang nilantakan mo.” Sinimplihan nya ng siko sa tagiliran ang muntikan nang mapahalakhak na si Maggie. Hindi ito kumakain at nagkakape lamang. Nabusog na kasi ang kaibigan sa kinain nila sa labas. Pati ang kanyang ina at Tiyo Pulding ay nakamasid lang sa kanya. Nang magbaba ng tingin si Georgina ay wala ngang bawas ang mga ulam

