Inhale. Exhale. Lawakan ang pag-iisip. Kung mahal mo, iintindihin mo. Usal ni Georgina sa sarili. Wala sa loob na nahilot nya ang kanyang noo na unti-unti nang kumikirot. Magdadalawaang oras na syang naghihintay kay Adam sa isang kilalang mall sa kanilang lugar. May usapan sila ng nobyo na mamimili ng gamit ng bata. Ngunit kaakibat noon ay monthly check-up din ni Paloma ngayon. Nagsabi naman na si Adam sa kanya na uunahin na muna nito na samahan si Paloma sa doktor, at pagkahatid dito ay sila namang dalawa ang magkakasama para nga bumili ng mga gamit ng bata. Kagagahan mang pakinggan, pero di nya maiwasang makaramdam ng excitement sa isipang mamimili sila ng mga cute na damit pambata. Hay! Someday. Someday, damit naman at gamit ng magiging baby nila ni Adam ang ipagsho-shopping nya.

