Sobrang pagod ako kagabi kaya na-late ako ng gising. Late na naman ako sa pagpasok! Nagmamadali ako sa pagbibihis at paglabas ng apartment. Nakita ko na may kotse sa labas. Akala ko nga ay si Ezekiel pero ang bumaba ay si Vince. Akala ko lang naman ay si Ezekiel but I am not expecting him. Sus! Hindi naman niya ako sinusundo kasi alam naman niya na ayaw ko ng ganoon. Bakit nandito si Vince? Dumadalas ang pagsundo niya sa'kin, baka masanay ako. Niligawan kasi niya ako noon. Sobrang close kaya kami bago siya maging sikat na basketball player sa campus kaya lang napansin ko ang pagbabago sa ugali niya kaya napalayo siya sa'kin pagkatapos ay bigla siyang mang-gugulat at sasabihin na gusto niya ako? Paano naman ako maniniwala sa kanya? "Vince, ano'ng ginagawa mo rito?" And after that, naging

