Pumasok sila Suzy sa loob ng apartment. Tulad ng sabi ni Aling Rosy ay malinis nga ito. Siguro ay dahil wala naman lagi ang mag-asawa at halos maghapon sa school para magtrabaho. Hindi rin marami ang mga gamit ng mga ito kaya mabilis na nakapag hakot ng gamit paalis.
Tinulungan nila Suzy at Shane si Amanda na maglinis. Maliit lang naman ang unit kaya yung banyo lang ang talagang nilinis nilang mabuti. Ang sala naman at kusina ay maayos pa kaya hindi rin sila nahirapan na mag-alis ng mga kaunting dumi. Wala pang isang oras ay tapos na sila.
Sumaglit sandali si Amanda at Shane sa malapit na mall para bumili ng unan, kumot, foam at electricfan nagagamitin ng babae. Bumili rin sila ng personal ref at mga iba pang kitchen utensil tulad ng induction kitchen at iba pa.
“Okay na muna siguro ito, babalik na lang ako para bumili bukas ng mga iba ko pang kailangan. Salamat sa inyo ha. Lalo na sa iyo, Suzy.” Nakangiting sabi ni Amanda.
“Wala iyon. Dito ka na kumain sa amin muna mamaya.” Saad ni Suzy.
“Sige pero huwag ka na magluto at magpadeliver na lang tayo. Nakakahiya naman napagod din kayo sa pagtulong sa paglilinis ng unit. Hindi mo na tuloy nabantayan ang asawa mo.” Wika ni Amanda.
Pumasok sila sa loob ng bahay nila Suzy. Namangha si Amanda dahil kahit hindi kalakihan ang sukat ng tirahan ng mga ito ay maayos at maaliwas naman. Maari ay dahil wala pang anak ang mga ito kaya walang malikot na bata na manggugulo ng paligid.
“Nice! Ang ganda ng ambiance dito sa loob. Malamig sa mata ang peach na pintura parang pina-interior ang design.” Saad ni Amanda.
“Salamat, pero kami lang noon ni Sandro ang nag-isip kung paano maayos itong bahay. Actually, sa magulang ko ito pero pinarenovate namin saka iniba ang style.” Sagot ni Suzy.
Si Shane naman ay abala sa pag-oorder ng pagkain nila, “Gising na kaya si Sandro?” saad nito.
“Kamusta na nga pala ang asawa mo ngayon? Naikwento sa akin ni Shane ang nangyari sa kanya. Isa rin akong therapist, pwede kaming dalawa ng bayaw mo ang gumawa ng mga program para muli siyang makalakad. Saka licensed nurse din ako kaya pwede kong macheck ang lagay ng katawan niya.” Wika pa ni Amanda.
“Nakakahiya naman pero salamat. Nasa kwarto siya. Halika at ipapakilala kita sa kanya.” Sagot naman ni Suzy.
Pumunta nga ang tatlo sa kwarto at nakita si Sandro na kasalukuyang nanonood ng tv. Nanlaki ang mga mata ni Amanda ng makita na sobrang kamukha ng lalake si Shane. Nakakita naman na siya ng magkakambal noon pero iba sa mga lalakeng nakakita niya ngayon.
Walang pagkakaiba ang mga ito maliban sa mas maputi si Shane pero bukod roon ay pareho na ang mga ito kung titignan sa pisikal. Napalunok tuloy si Amanda at naisip kung makasinglaki ba ang mga t*ti ng mga ito.
“s**t! Ang sarap siguro kung magkasabay si Shane at Sandro na makakasex ko!” sigaw ni Amanda sa isip. Namasa agad ang p*ke niya na para bang tumitibok-t***k pa ng makita si Sandro. Isa kasi rin sa fantasy niya ay may makasiping na kambal na lalake.
“Sino siya?” tanong ni Sandro. Habang nakatingin kay Amanda. Medyo na wirduhan siya sa babae dahil kakaiba ang tingin nito sa kanya. Hindi niya alam kung na hinuhusgahan ba siya nito dahil sa kalagayan niya o naaawa lang.
Prang nagising naman si Amanda ng marinig ang tanong ng lalake. Lumapit siya rito at inabot ang kanyang kamay.
“H-Hello, ako nga pala si Amanda. Kasamahan ako si Shane sa abroad. Pareho kami ng trabaho. Nagbakasyon lang ako at dumalaw. Kamusta ka na? Nabalitaan ko ang nangyari sa iyo.” wika nito.
Napatango naman si Sandro ng marinig ang paliwanag ni Amanda. Inabot nito ang kamay ng babae saka sumagot, “Medyo hirap dahil laging nakahiga. Gusto ko na ulit makabalik sa dati kaya pinipilit ko ang sarili ko na makagalaw.
“Huwag ka mag-alala at tutulungan ko si Shane. Marami pang cases na mas mas alala sa kondisyon mo. Iyong iba nga hindi pa nakakapagsalita dahil may naapektuhan sa utak pero sa iyo naman ay nakikita kong maayos ka. Kaya kaunting theraphy lang ay siguradong magiging okay ka na ulit.” Wika ni Amanda.
Lalo naman lumakas ang loob ni Sandro. Lumaki ang ngiti nito at napatingin kay Suzy pero nakita niya na kay Shane ito nakatingin.
“Nandito na yung pagkain na pinadeliver ko. Kukunin ko lang sandali.” Nagmamadaling sabi ni Shane.
“Tulungan na kita.” Saad ni Suzy saka humabol itong lumabas ng kwarto.
Medyo napakunot noo si Sandro pero biglang nagsalita si Amanda, “Kinuha ko pansamantala yung apartment sa harap ninyo dahil umalis yung dating tenant. Tama rin kasi yung sabi ni Suzy kesa mag hotel or motel ako sayang yung ibabayad ko lalo na at mga dalawang lingo rin ang itatagal ko dito. Sulit na yung 5,000 pesos. Medyo napagastos lang ako sa mga gamit na nabili pero pwede ko naman iyon iwan sa parents ko.”
“Ah, sa tapat ka pala titira. Kung may extrang kwarto lang sana dito sa bahay ay dito ka na lang tutal ay kaibigan ka pala ni Shane. Kaso hindi kasi maganda na magkakasama kayo sa kwarto kung sakali baka magalit ang magulang namin.” Ani Sandro.
‘Hmp, iyon nga ang gusto ko eh! Ang malaman ng magulang ninyo na may babae siyang kasama para palitin na pakasalan ako.’ Bulong ni Amanda.
“Ha?”
“Ah, wala sabi ko ay ayaw ni Suzy dahil baka ganyan din ang iniisip pero okay lang kasi nasa tapat lang naman ako ng bahay ninyo. Anytime ay pwede akong magpunta.” Nakangiting sabi ni Amanda.
“Hindi mo ba boyfriend si Shane?” tanong ni Sandro.
“Well, aaminin ko na crush ko siya pero sa ngayon ay magkaibigan lang kami. Medyo busy kasi sa abroad lalo kapag nakaduty kami sa work kaya walang chance na magkalapit pero as friends, close kami. Konti lang kasi ang mga pinoy doon. Kaya tuwing day off o lunch break ay kami ang magkasamang dalawa ni Shane.” Paliwanag ni Amanda.
Mariin na naghahalikan sina Shane at Suzy habang nakapatong ito sa lamesa. Nasa tabi nito ang mga pagkain na pina-order ng lalake pero imbes ayusin ay parang ang isa’t isa ang gusto nilang kainin.
Itutuloy