Chapter 12

1057 Words
Hindi agad nakasagot Myra dahil parang binuhusan siya ng malamig na tubig sa narinig. Nagtaka naman Brando kung bakit parang namumutla ang asawa. Tatanungin na sana niya ito ng biglang tumunog din ang cellphone niya at makitang tumatawag si Shane thru video call. “Hello, Shane? Kamusta?” tanong ni Brando sa anak. Pinindot niya ang loud speaker para marinig din ng asawa ang anak. “Okay naman pa, na approve na po ang leave ko akay pwede akong umuwi.” Masayang sabi ni Shane. Napatingin ito sa ina na tulala pa rin kaya nagtaka ito, “Ma? Kamusta? Bakit parang maputla po kayo?” “Ewan ko ba ditto sa mama mo, kausap ang hipag mo.” Sagot ni Brando. “B-Brando… S-Si S-Sandro… N-Naaksidente raw at kritikal ang lagay.” Sagot ni Myra at biglang humagulgol ng iyak. “Ano?” Sabay na sabi ni Brando at Shane. “Anong naaksidente? Napano si Sandro?” halos pasigaw na sabi ni Brando. Si Shane rin ay nagulat at nanlaki ang mga mata. “Ma, ano ang nangyari sa kakambal ko?” saad nito. Nauutal si Myra kaya kinuha ni Brando ang cellphone ng asawa at ito ang kumausap sa manugang para malaman ang nangyari. “Suzy? Napano si Sandro?” tanong ni Brando. Pinindot din nito ang loud speaker para marinig din ni Shane ang isasagot ng hipag. “P-Pa… Ngayon ko lang din po nalaman ang nangyari sa kanya. Sumali raw po si Sandro sa motor racing kanina hindi po niya iyon sinabi sa akin. Pero nung umaga po ay parang iba na ang kutob ko kaya po hindi ako pumasok sa trabaho at hinanap siya. Hindi ko naman po siya nakita dahil kahit ang mga kaibigan niya at pinagtakpan siya. Saka lang po nila inamin sa akin ang mga nangyari nung naaksidente na ang asawa ko at naisugod na nila dito sa hospital. Narito po kami sa St. Thomas Hospital nasa operating room pa po siya at kritikal pa rin po siya hanggang ngayon at walang malay.” Umiiyak na sabi ni Suzy. Wala ni isa ang nakapagsalita matapos marinig ang sinabi ni Suzy. Si Shane ang bumasag sa katahimikan at sinabing, “Ma, Pa, puntahan ninyo na po si Sandro at para may kasama ang hipag ko doon sa hospital. Huwag kayong mataranta at hindi iyan makakatulong. Alamin ninyo ang lagay ng kapatid ko. Magbo-book na ako agad ng flight pauwi, sana nga ay mayroon para kahit mamayang gabi ay makabyahe ako. Sige na po at tatawag ako ulit mamaya. Mag-ingat kayo.” “S-Sige, anak.” Tumatangong sagot ni Brando saka inakay ang asawa papunta sa sasakyan. Kalahating oras ang lumipas ay narating na nila Myra at Brando ang hospital. Nasa video call pa na ulit si Shane hindi rin siya mapakali kung ano na ang nangyari sa kakambal. Nakita nila si Suzy na tahimik na umiiyak sa harap ng operating room. Naroon din ang mga ilang lalake na bakas ang lungkot sa mukha. “Suzy! Ano ang nangyari sa anak ko?!” sigaw ni Myra habang umiiyak. Napalingon naman si Suzy ay mas lumakas pa ang pag-iyak nito, “M-Ma, inooperahan pa rin po siya dahil marami raw pong bali sa katawan si Sandro. Sabi po ng doctor kanina ay masama po ang nagign epekto ng pagbagsak niya pero mabuti raw po at hindi naman naapektuhan ang ulo niya dahil matibay ang helmet niya kaya minor injury at walang head trauma pero mula leeg pababa po hanggang papa ay ay maaaring sementuhin.” Pautal-utal na sabi ni Suzy. Halos mahimatay naman si Myra na yakap ng asawa. Kahit si Brando ay halos nalaglag ang puso sa narinig muntik na nga niya mabitawan ang cellphone sa sobrang panginginig ng katawan. Biglang bumukas ang pinto ng operating room at lumabas ang mga doctor. “Nasaan ang pamilya ng pasyente?” tanong nito. “Ako po ang asawa.” Sagot ni Suzy. Lumapit na rin sina Myra at Brando. “Kami po ang magulang niya, ano na po ang lagay ng anak nmin?” tanong ni Brando. “Ligtas na po siya at wala na sa kritikal stage pero kailangan po na lagyan ng semento ng leeg niya down to his foot dahil maraming affected bones pero huwag kayong mag-alala dahil mga less than a month ay pwede ng alising ang cement sa katawan tapos ay pwede na siya magsimula ng theraphy para makalakad ng maayos. Maswerte pa rin siya dahil minor head injury lang natamo niya kaya walang brain damage na nangyari. Ililipat na po namin sa sa regular room ngayon.” Saad ng doctor. Medyo nakahinga na ng maluwag sina Suzy dahil buhay si Sandro pero may lungkot pa rin na nararamdaman dahil sa sinapit nito. “Pa, asikasuhin na muna ninyo si Sandro. Aayusin ko na ang flight ko para matulungan ko kayo riyan.” Saad ni Shane. Kahit papano rin ay nabasawasan ang pag-aalala niya kaya medyo nakapag-isip na siya ng maayos. “Sige anak.” Sagot ni Brando habang sinusundan ang kama ni Sandro na tulak ng mga nurse. “Sandro!” sanay na sabi nina Suzy at Myra habang nag-iiyakan. Wala pa rin malay ang lalake at walang sinuman ang hindi maaawa sa lagay nito dahil halos sementado ang buong katawan. Kahit sina Leon at ang iba pa ay sumunod rin sa kwarto upang damayan sina Suzy. “Ma, paano po iyan mukhang malaking gastusin ang kakailanganin ni Sandro. May ipon naman po kami kaso ay hindi po iyon sapat lalo na sabi po ng doctor ay halos isang buwan na sementado ang katawan niya tapos po ay may theraphy pa siya kapag inalis iyon.” Malungkot na sabi ni Suzy. “Huwag mo na iyon isipin muna. Ang mahalaga ay buhay ang asawa mo. Kapag namoblema kayo sa pera ay baka lalong tumagal ang recovery ng anak ko. Sa ngayon ang dapat natin gawin ay bigyan siya ng lakas ng loob para gumaling agad.” Sagot ni Myra na medyo kumalma na. “Tama ang mama mo, hayaan mo lang makabawi si Sandro at saka na isipin ang bayad. Mabuti at buhay siya dahil mas masakit kung ganoon na lamang ay mawawala ang anak namin. Uuwi na rin daw si Shane para makatulong sa atin kaya huwag na muna kayo mangamba.” Sagot naman ni Brando. Itutuloy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD