“Nasaan na raw sila?” tanong ni Amanda, napansin niya na nakakunot ang noo ni Sandro. “Hindi ko alam, ‘di ko maintindihan si Suzy. Parang hinihingal na ewan kasi naglakad raw sila. May dala naman kotse si Shane.” Sagot ni Sandro. Bigla naman kinabahan si Amanda. Hinihingal si Suzy? Hindi niya alam pero dahil nakikipag s*x agad ang naisip niya. Pero imposible naman na kay Shane dahil magbayaw ang dalawa. Umiling – iling si Amanda. Ano bang inisiip niya. “Baka malayo ang parking kaya iniwan nila ang sasakyan tapos naglakad sila. Tawagan nalang natin sila ulit mamaya.” Ani Amanda. Sasagot pa sana si Sandro pero meron silang narinig na kumakatok sa labas kaya agad sumilip si Amanda. Napasimangot siya ng makita na sila Marky at Marco ang naroon. Ngunit wala naman siyang magawa kung

