“N-Ninang?” Gulat rin na sabi ni Suzy ng makita si Aling Rosa. Napahinto naman sa pagsara ng pinto si Shane at napatingin rin agad sa matanda. Lumabas na rin ng kwarto si Mang Jose at nakita sila Suzy at Shane. Napaismid siya dahil napatunayan na ang inaanak nga at ang bayaw nito ang nasa kabilang kwarto. “Anong ginagawa ninyo rito ni Shane?” takang tanong ni Aling Rosa. Nagkatinginan naman sila Suzy at Shane dahil hindi malaman kung ano ang isasagot sa matanda. “Inaayos po namin ang insurance ni Sandro kaya lang bigla pong nakaramdam ng hilo si Suzy kaya sabi ko magpahinga muna siya.” Sagot ni Shane. “Nahilo? Bakit hindi sa hospital mo dinala? Bakit dito pa sa hotel?” sagot ni Mang Jose. Hindi nakasagot ang dalawa kaya muling nagsalita ang matanda, “Saka mukhang hindi naman nahihilo

