Chapter 43

208 Words
Malungkot na nakatingin si Amanda habang sumasakay sa kotse sina Shane at Suzy. Hindi naman sa pinaghihinalaan niya ang dalawa kaso ay umaandar ang mga oras at araw pero hindi pa nabibigyan ng pagkakataon na masolo niya ang lalake. Mabuti pa si Mang Jose ay nakaisa na sa kanya pati ang isang anak nito pero ang pinaka target niya ay hindi man niya masolo kahit ilang minuto. Napatingin siya sa bahay nila Aling Rosy at nakita ang asawa nito. Agad siyang napasimangot at pumasok sa loob ng bahay. Medyo nalungkot naman si Mang Jose ng makita ang reaksyon ng dalaga ng magtama ang kanilang mga mata. Nagkausap na sila ng mga anak at sinabi ng mga ito na ibubuko siya kay Aling Rosy kapag pinagpatuloy ang panggugulo kay Amanda. Hindi makatulog ng maayos dahil gusto niya na muling makaniig ang maganda at seksing babae na muling bumuhay ng lib*g ng katawan niya. “Umalis pala sila Suzy? Naku, naiwan kay Sandro ang babaeng iyan! Baka ano ang gawin ng gaga na iyan sa asawa ng inaanak natin.” Inis na sabi ni Aling Rosy na nakasilip rin pala. Nabigla naman si Mang Jose sa biglang paglitaw ng asawa, “Hayaan mo sila. Pumasok na tayo sa loob.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD