Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Kailangan niya munang makahanap ng titirhan. Halos ilang oras na rin siyang naglalakad nang biglang mapatigil dahil may bumunggo sa kan'yang isang lalaki. "Sorry, miss." Baling nito sa kan'ya at mabilis na umalis. Nang makakita ng tindahan ay kaagad siyang tumigil, nagugutom na rin kasi siya. "Ate, pabili po ng isang tubig at skyflakes," ngiti niya sa tindera. Nang akmang kukunin niya ang wallet niya ay nagulat siya. Hindi kasi niya mahanap ang wallet niya kahit halos baligtarin na rin niya ang buong gamit niya pero wala talaga ito. Bigla tuloy niyang naisip iyong lalaking nakabangga niya kanina. "Miss, heto na iyong binibili mo," biglang sabi ng babae. "Sorry po ate, hindi na po ako bibili. Nawawala po kasi iyong wallet ko," hinging paum

