NABUNTONG hininga na lamang si Alec nang sabihin ni Lucy na paliliguan nito ang biik sa batsang ihinanda nito sa garden. She even asked him to buy bath shampoo and body wash for the piggy as if it's a freaking baby who needs tender loving care.
"Alec, sige na, please? Gusto ko mabango siya, eh," pakiusap na naman nito nang sabihin niyang gamitan na lamang nito ng sabong panlaba ang biik dahil hindi naman sensitibo ang balat nito gaya ng mga sanggol.
He sighed. "No, Lucy. Ilang beses ko bang sasabihing biik 'yan hindi bata?"
Sinamaan siya nito ng tingin. "Huwag kang tatabi sa'kin mamaya. You're hurting my Peppa's feelings."
The piggy made an oink sound as if agreeing with what Lucy just said. Mangani-ngani tuloy niyang agawin ang baboy at ibalik sa kulungan kung saan talaga ito nararapat. Feel na feel pa nito ang pagpapakarga kay Lucy!
"Lucy—"
"Ah, basta. Kung ayaw mo sige ako na lang pala. Magpapasama na lang ako kay Caren—"
"Fine. Damn it, oo na!"
Biglang umaliwalas ang mukha ni Lucy, ngumiti ito saka tumingkayad at dinampian ng halik ang kanyang pisngi. "Thank you!" She looked at her piggy again. "Bibili na siya ng shampoo mo tsaka body wash. Sabi ko naman sayo mabait naman siya."
Pinanood na lamang niya itong umalis upang magtungo sa garden buhat ang biik saka siya huminga nang malalim. "Mamaya ka talaga sa'kin." He shook his head and faced the other direction. "Kakainin talaga kita nang buhay mamayang gabi."
Bakit naman kasi nagpunta pa ito sa kulungan, eh. Tsaka bakit kasi kung ituring nito ang biik ay parang bata? Tapos siya rin naman itong uto-uto at nadala sa simpleng halik sa pisngi, kaagad na nagmaneho patungo sa supermart para bilihin ang sinabi ni Lucy kahit labag sa loob niya.
He freaking hates himself right now. Para tuloy siyang timang na nakatitig sa hilera ng mga baby bath at shampoo, nalulunod sa dami ng brand at klase. Nahilamos tuloy niya ang kanyang palad sa kanyang mukha saka problemadong bumuga ng hangin. Hindi niya rin tuloy napansin ang lalakeng may tulak na stroller at may sakay na dalawang taong gulang na bata.
"Damn it. Dapat pala sinama ko na lang si Lucy nang siya ang namili." He shook his head and grabbed two jars to read the labels. Nang makita ang nakasulat ay lalo lang siyang naguluhan. "What the f**k is this?" Tinignan niya ang iba pang nasa shelf habang matinding nakakunot ang kanyang noo. "Bakit iba-iba? Tangina ano 'to? Condom? Iba't ibang flavor?"
He heard the man chuckle softly. Napatingin tuloy siya rito saka siya umayos ng tindig upang hindi ipahalatang alam niyang siya ang tinawanan nito. Ngumisi naman ang lalake saka nito tinuro ang kulay putting jar. "Mas maganda kung 'yan ang kunin mo. That's more gentle on baby's skin. Ilang buwan na ba ang baby mo?"
God, he felt his ears burned. How the hell is he going to tell this helpful lad that he's buying it for a f*****g pig? Isa pa, utang na loob hindi niya iyon anak kaya lalo lamang siyang nagmukhang problemado. Nang makita ng lalakeng hindi siya makasagot, ngumisi itong muli saka siya binigyan ng makahulugang tingin.
"Let me guess. Accidental baby? First time to buy your kiddo's stuff?"
"It's not—"
"Ayos lang 'yan, pare. Uso naman talaga 'yan sa panahon ngayon. Tinago ba sayo? Ako tinago 'to ng isang taon, eh. What's your baby's name?"
Halos makalimutan ni Alec na hindi pa bayad ang jars na hawak niya. Kumuyom ang kanyang kamao sa pagkaasar habang ang kanyang mga ngipin ay gustong-gusto na niyang pagngitngitin. How the f**k is he going to explain that he's not a freaking daddy yet and he's just forced to buy these for a pig because Lucy cannot accept the fact that what she's doing with the piggy isn't normal anymore?!
Gusto na lang yata ni Alec na bumuka ang semento at lamunin siya nito nang matapos na ang kanyang kalbaryo ngunit dahil imposible at wala na siyang lakas na pagmukhain pang weirdo ang sarili niya oras na aminin niya ang totoo sa estranghero, pilit niya na lamang nilunok ang pride niya saka siya nagsalita.
"P—Pe... Peppa." He cleared his throat and took in some air as embarrassment consumed him. "It's... It's Pep...Peppa."
NAGDESISYON si Lucy na ilublob na sa batsang may tubig ang biik habang hinihintay si Alec na makabalik. Aliw na aliw talaga siya kay Peppa dahil napakaamo nito sa kanya at talagang malambing. Mahilig itong magpahaplos ng ulo at likod kaya tuwang-tuwa niya namang ginagawa kahit sinasaway na lang siya lagi ni Alec.
"Peppa, sana payagan din ako ni Alec na isama ka kapag umalis ako," she said as she pours some water on Peppa's back. Tanging 'oink' lamang ang tugon nito na tila sinasang-ayunan ang kanyang sinabi.
Others may really find her weird but she thinks animals like Peppa deserves to be pet, too. Just because the world considered them food doesn't mean that's their only role in life. Naaalala tuloy niya ang kanyang sarili. Habang lumalaki siya noon ay laging sinasabi ng mga bumili sa kanya na kapag nag-mature na ang katawan niya ay ipapasok na siya sa bar ng kakilala ng mga ito upang makabawi naman daw siya sa utang niya sa mga ito. They were talking about the money they paid to the woman who sold her, pati na ang lahat ng nagastos ng mga ito sa kanya habang lumalaki siya.
She didn't have friends upon growing up because she barely had lunch money. Kung magkaroon man ay ibu-bully ng iba para layuan siya. When the teacher told her she should join the beauty pageant, the whole class laughed at her. They never considered her pretty just because she dresses up way too longer than the others. Hindi alam ng mga ito ay iyon lang ang paraan niya para itago ang mga pasa, kiss marks, at marka ng tali na dulot ng kuya Joel niya.
Nobody dared to know what's under her sleeves. Nobody cared if her stomach needed even just some of their left overs. And nobody asked if she's okay, if she's still alive or just surviving while waiting for her fate.
Para siyang si Peppa na dinesisyunan na ang kapalaran nang wala man lang siyang nagawa, na wala man lang nagtanong kung nais niya ba iyon.
Napasinghot siya nang maalala na naman ang kanyang buhay. Nang marinig niya ang mga yapak na patungo sa kanya, kaagad niyang pinunasan ang mga luhang namuo sa kanyang mga mata bago siya bumaling sa paparating.
The maid forced a smile. Napansin niyang aligaga ito habang hawak ang isang tray na may isang basong juice. "M—Ma'am Lucy, halika i—inom ka muna ng juice."
Napakurap siya. "Para sa akin ho?"
"O—Oho. Ginawan ko kayo at baka... Baka kako nauuhaw kayo."
Parang hinaplos ng mainit na palad ang puso ni Lucy. Nanginig ang kanyang ibabang labi at bahagyang namula ang kanyang mga mata kaya halos mataranta ang maid. "Ma'am, bakit ho?"
She sniffed back her tears and smiled. "Wala ho. Natutuwa lang ako kasi... Wala pa hong nagtimpla ng juice para sa akin kahit hindi ko hilingin dahil lang iniisip na baka nauuhaw na ako."
Lumamlam ang mga mata ng maid. Napaiwas ito ng tingin at tila biglang tinamaan ng hiya. "W—Wala ho iyon, Ma'am Lucy."
She hugged her knees and looked at the maid whom she thinks is in her late forty's. "Matagal na po kayong nagtatrabaho kay Alec? Parang close na close kasi sa kanya ang lahat."
Muli siyang tinignan ng maid. Hindi ito kaagad sumagot na tila ba nag-iisip habang nakatitig sa kanya. Mayamaya ay humugot ito ng malalim na hininga saka basag na ngumiti. "Magtatatlong taon pa lang, Ma'am. Si Sir Alec ang dahilan kung bakit nakakapag-aral ang mga anak ko ngayon at gaya ng lahat ng nandirito sa rancho, malaki ang utang na loob namin sa kanya."
"Pwede ko po bang malaman kung bakit?"
The maid gently nodded. "Nadali kasi ako ng illegal recruiter noon. Hindi ako nakalipad papuntang ibang bansa gaya ng inaasahan ko kaya parang gumuho ang mundo ko dahil iyong mga perang ginamit ko para sa pag-a-abroad ko dapat, lahat ay utang lang. Iniwan na kasi ako ng asawa ko, sumama sa iba at naiwan sa akin ang dalawang anak ko kaya kahit masakit eh handa ko na lang silang iwanan dito para magkaroon sila ng magandang buhay. Kaso ayon nga ho ilegal pala ang napasukan kong agency. Tinakbo ang pera ko at peke ang ticket at visa na ibinigay sa akin. Naglupasay ako sa airport. Piloto pa noon ng commercial flights si Ser. Nakita niya ako. Nilapitan. Tinanong kung anong nangyari. Nang kumalma ako, inalok ako ng trabaho na hindi ko kailangang lisanin ang bansa dahil sakto raw na naghahanap siya ng katulong dito sa rancho na titingin-tingin na rin kay Tatang Abner." Nagpunas ito ng luha saka muling ngumiti. "Lahat kami rito, Ma'am, may sari-sarili kaming kwento tungkol sa kung paano namin nakilala si Ser. Iyong si Kiko, dating adik 'yan. Nanakawan ng side mirror iyong kotse ni Ser. Imbes na ipakulong noong nalamang menor de edad at wala nang pamilya, binigyan ng pagpipilian ni Ser. Magbabagong buhay o ipatatapon sa boy's town. Si Marina naman natagpuan nila Ser na walang malay sa daan noon habang naglalako ng gulay. Inalok na lang ni Ser ng trabaho rito nang hindi na kailangang magpakababad sa initan kapalit ng barya-baryang kita."
Naiyak na rin si Lucy sa mga narinig. Ngayon ay naiintindihan niya na kung bakit tila mahal na mahal ng lahat si Alec kahit na noong una ay hindi maganda ang inakala niyang ugali nito. He was like a hero to his employees, so they loved him like a family.
"Siguro kaya ganoon ho si Ser kasi lagi niya ngang sinasabing noong nangyari ang trahedya rito sa Cagayan, nawala ang nanay Rodessa niya dahil lang wala na silang pagkain. Nawalay rin siya sa kapatid niya at hanggang ngayon sinisisi niya ang sarili niya na hindi niya nailigtas si Andeng kaya heto siya, nililigtas ang mga kaya niya pang isalba."
Payak na napangiti si Lucy. Tama ang maid. Alec is saving those he still can save, and that's why he's trying to help her realize that what she's doing with Vince De Vera is wrong.
Napabuga ng hangin si Lucy saka siya tumayo. "Alam mo po ate sana nakilala ko kayong lahat, lalo na si Alec, noong hindi pa masyadong kumplikado ang buhay ko. I will do everything to be part of this family. You seem to know which part of everyone is the most vulnerable yet you choose to protect it and not hit it like what other people will do." She smiled genuinely. "You may think that you are lucky to have Alec, pero sa nakikita ko, mas maswerte si Alec sa inyo lalo na po sayo kasi ang bait-bait mo. Sana lagi kayong manatiling tapat sa kanya at lagi niyo siyang mamahalin kasi sigurado akong gagawin niya lagi ang lahat para sa bawat isa sa inyo."
Tuluyang lumamlam ang mga mata ng maid. Napahikbi ito at naging emosyonal saka nito kinuha ang baso ng juice. Ganoon na lang ang gulat ni Lucy nang bigla nitong ibuhos ang laman ng juice saka ito nagsabing igagawa siya ng iba bago ito halos patakbong pumasok sa loob ng bahay.
Napasunod na lamang tuloy ng tingin si Lucy habang puno ng pagtataka.
Anong nangyari do'n?