Regret "Mukhang kakadating lang din ng Tito at Tita mo," sabi ni Orion nang ihinto ang kanyang sasakyan sa tapat ng nakabukas naming gate. Nakailaw pa ang sasakyan ni Tito at mukhang kakarating nga lang nila ni Tita. Kita ko ang pagbaba ni Tita Edna mula sa sasakyan at agad siyang naglakad patungo sa amin ni Orion. "Thank you sa paghatid, Orion," pasasalamat ko kay Orion bago bumaba ng sasakyan upang salubungin si Tita na may mapanuring tingin sa sasakyan. Sakto namang pagbaba ko ay lumapit na rin si Tito Franco at tumayo sa tabi ni Tita. Agad naman akong lumapit sa kanila upang magmano at narinig ko naman ang pagbukas-sara ng pintuan ng sasakyan. Bumaba rin si Orion ng sasakyan! Bakit pa siya bumaba? Dapat ay umalis na lang siya agad. Mabilis ang paglipat ng tingin ni Tito mula sa

