Caption
Napatulala lamang ako habang tinitignan si Orion na dala-dala ang bag pambabae ni Chesca at pinapanood ito habang nagtatali ng sintas ng kanyang sapatos.
Tumingala si Chesca sa kanya habang patuloy siyang nagsisintas. May sinabi ito kay Orion at hindi ko alam kung bakit ako naiinis nang tumawa siya nang dahil sa kung anumang sinabi ni Chesca.
My heart hurts watching them exchanging smiles and conversations, and hearing their laughter in chorus.
Paalis na sana ako nang mabunggo ako sa isang matipunong katawan at nang tiningala ko ito ay napapikit na lamang ako ng mariin. Of all the students in this campus... Why Orion's best friend?
"Naiyah?" Nagtatakang pagsambit ni Garret sa pangalan ko bago siya nag-angat ng tingin kina Orion at Chesca.
"Uh... Bye," nagmamadali kong sabi at yumuko saka naglakad paalis.
"Saan ka pupunta, Naiyah?" he asked me, shouting.
Mas lalo ko namang binilisan ang aking lakad. Lintik na Garret! Talagang kinausap pa ako ng malakas. Bahala na!
"Naiyah!" I heard Orion calling me.
Bahagya akong napahinto ngunit agad ko ring pinagpatuloy ang paglalakad ko ngunit mabilis niya akong nahabol at hinarap sa kanya.
"Are you jealous?" Orion suddenly asked as soon as he grabbed my arm to stop me from walking away.
Hinahabol ko ang paghinga ko matapos kong maglakad ng mabilis upang makalayo kay Orion pero hindi ko nagawa dahil agad niya rin akong nasundan at napigilan.
"Nagseselos ka ba kay Chesca?" tanong niya at kitang-kita kong hindi niya na mawari ang kanyang dapat na gawin. "She's just my partner in a presentation that we have to do. I didn't choose her as my partner. Si Miss Grecia ang pumili noon."
"I'm not jealous, Orion," sabi ko at mataman siyang hinarap. "Hindi ako nagseselos. Gusto ko lang talagang umuwi agad," pagdadahilan ko.
Oo! Inaamin ko sa sarili kong nagseselos ako pero ayokong aminin sa kanya 'yon. Wala namang kami kaya wala akong karapatan sa kanya. Alam ko rin naman na ako rin ang may kasalanan kung bakit walang kami dahil mas gusto kong pagtuunan ng pansin ang mga kailangan kong gawin.
I'm not a good student. Halos kumakapit lang ako sa dulo ng pasadong marka. I wanted to be like him who's an achiever. Ayokong pagbigyan ang sarili ko sa kanya hanggang sa hindi ko pa naaangat ang sarili ko sa bingit ng pagkabagsak.
Akala ko kaya kong pigilan ang sarili ko pero ang hirap pala. Ang hirap magkunwaring ayos lang na walang kami. Na ayos na sa akin ang alam kong gusto namin ang isa't isa pero hindi pala.
I wanted so bad to control him. Kahit alam kong hindi naman dapat ganoon ang pagmamahal.
Pero ano nga bang alam ko sa pagmamahal?
"Ihahatid na kita," he volunteered and was about to get my backpack from me when I stepped back.
"Huwag na," pagpigil ko sa kanya. "Kaya ko namang umuwi mag-isa. Magt-tricycle na lang ako. May gagawin pa kayo ng partner mo."
"I will just go back to school afterwards, Naiyah," he said. "Ihahatid muna kita."
Kitang-kita ko sa kanyang mga mata na determinado siyang ihatid ako pauwi sa amin at tila kahit hindi ko siya payagan ay ipipilit niya pa rin.
"Uh... Orion?"
Inilipat ko naman ang tingin ko sa babaeng papalapit sa amin.
She was one of the well-off students here in our school. Mayroong flower farm ang kanyang pamilya. Ang sabi nga sa akin ni Emma sa akin ay malapit ang pamilya nila sa pamilya ng babaeng 'yan.
Minsan ay lagi akong napapaisip kung bakit sa isang katulad ko pa siya nagkagusto. Wala namang maipagmamalaki ang pamilya ko at mas lalong wala akong maipagmamalaki.
"My mom texted me that I should be home by six. It's already four-thirty. I think we should start now," sabi niya naman kay Orion.
I saw how Orion's jaw clench before he turned to look at me. Ayaw niya. Iyon ang nababasa ko sa kanyang mga mata. Ayaw niyang hayaan akong umuwing-isa ngunit hindi niya pwedeng ipagpaliban ang kailangan nilang tapusin.
I smiled at him before I turned to Chesca. "Sorry, Chesca. Nakuha ko pa ang oras ni Orion. May pinag-usapan lang kami," paghingi ko ng paumanhin sa kanya.
Umiling naman si Chesca at tipid na ngumiti. "No, it's okay," she said. "Talagang napabigla lang ang pag-uwi ko ng maaga ngayon kaya kailangan na naming matapos within one hour ang presentation namin."
"Can't I just send my part to you later, Chesca? Or sa akin mo na lang isend. Ako na ang magcocompile," sabi naman ni Orion nang hindi pinapahintulutan ng tingin si Chesca.
"Orion, that will be hard. We have to share our ideas," katwiran naman ni Chesca.
"Ganoon din naman 'yon. Magkaiba tayo ng ideas at icocompile lang natin. It's just the same," sabi ni Orion at tinapunan na ng tingin si Chesca.
Chesca's fair white while I was a little tan. Beach front kasi ang aming bahay kaya madalas akong naglalaro sa dagat noong bata pa ako kaya hindi nanatili sa akin ang meztisa kong kutis.
"Look, Orion. I don't want to fail this report. We need to discuss everything together first para kung ano man ang tanong ang ibato sa atin ay kaya nating sagutin parehas," katwiran ni Chesca.
"But—"
"Orion," tawag ko naman sa kanya at agad siyang napatigil sa pagsasalita.
Umiling naman ako at saka ngumiti sa kanya upang tumigil na siya sa kakapilit na umalis kasama ko.
"Gumawa na kayo ni Chesca. Kaya ko namang umuwi mag-isa," sabi ko. "Itetext na lang kita kapag nakasakay na ako ng tricycle at kapag nakauwi na ako sa bahay."
Bumuntong hininga naman siya bilang senyales na talo na siya't hindi na magpupumilit pa.
Lumapit siya sa akin upang dampian ako ng mabilis na halik sa aking noo.
"I'll call you later," he said. "If it's alright with your Mom, I'm gonna visit you."
Mabilis naman akong umiling bilang pagpigil sa kanya. Hindi naman sa ayaw kong nandoon siya o ayaw ni Mommy pero kapag nandoon siya ay nababaliw ang nanay ko. Ang dami niyang gustong ialok kay Orion. She always wants Orion to be fully satisfied during his visit. Hindi ko naman siya mapigilan dahil nakikita niyang tuwang-tuwa si Orion sa binibigay niyang atensyon kaya mas lalo niya itong ine-entertain.
Kumunot naman ng bahagya ang kanyang noo.
"I will visit."
"Huwag na, Orion. Text na lang tayo," sabi ko naman sa kanya.
"But—"
"Please," sabi ko sa kanya at hindi na niya ipinagpilitan pa.
I smiled at him and tapped his shoulder.
"Bye. Bukas na lang," paalam ko sa kanya bago siya tinalikuran upang makauwi na.
Nang makauwi ako sa amin ay agad na hinanap ni Mommy ang sasakyan nila Orion na madalas na naghahatid sa akin. Napasimangot naman siya nang makitang hindi ako hinatid ng lalaking gusto niya para sa akin.
"Bukas ay imbitahan mo siya," sabi niya naman. "Nandito na dito ang Daddy mo bukas galing Qatar. Ipakilala mo sa kanya."
Napaawang naman ang aking bibig sa gulat. Hindi ko alam na uuwi na si Daddy!
"Bakit hindi mo sakin agad sinabi, Mommy?" tanong ko naman ay may bahid na pagtatampo.
"Aba'y malay ko bang hindi sa'yo sinasabi ng Daddy mo. Nakakausap mo naman kasi siya," dahilan ni Mommy. "Basta ah? Imbitahan mo si Orion bukas. Magluluto ako ng marami bago tumulak sa pier para sunduin ang Daddy mo tapos dadaanan namin kayo sa eskwelahan. O kaya naman, magpahatid ka na lang kay Orion dito dahil sasama naman siya."
Napasimangot naman ako. Parang si Orion lang ang inaalala niya.
"Ayoko, 'Mmy. Baka magalit si Daddy. Nangako ako sa kanyang mag-aaral ako ng mabuti dahil kamuntikan na akong bumagsak last year," sabi ko.
"Ako na ang nagsasabi sa'yo, Naiyah," sabi ni Mommy at patuloy sa pagtitiklop ng damit. "Magugustuhan ng Daddy mo 'yang si Orion lalo na kapag nalaman niyang isa siyang Valiente."
Napatigil naman ako sa aking ginagawa at saka napaangat muli ng tingin kay Mommy na ngayo'y ngiting-ngiti.
This is what I don't want to happen. Kaya ko pinipigilan noong una palang na magkaroon ng pamamagitan saming dalawa.
Masaya ako dahil gusto nila para sa akin si Orion pero hindi sa dahilan na nakikita nilang maayos ang pakikitungo nito sa akin at isang lalaking may matinding prinsipyo sa buhay dahil ang nakikita nila ay ang pagiging isang Valiente nito.
I don't want Orion to think that my family is just after his family's riches.
Tumayo naman ako at sinikop ang aking mga librong pilit na inaaral para may maisagot ako sa pagsusulit namin bukas.
"Oh saan ka pupunta?" Napatigil si Mommy sa pagtitiklop ng damit nang tumayo ako.
"Doon lang po sa dalampasigan. Mag-aaral ako doon," sabi ko at hinagilap din ang aking cellphone upang mailagay sa bulsa.
"Dadalhan kita ng meryenda maya-maya!" sigaw ni Mommy nang makalabas na ako sa likod ng aming bahay kung saan nandoon ang dagat.
Ang bahay at lupain namin ay naipamana lamang ng mga magulang ni Daddy sa kanya. Marami ang may gustong bumili nito lalo na ang mga businessmen ngunit hindi sila pinapaunlakan nina Mommy at Daddy kahit na tumataginting ng milyong-milyong halaga ang handa nilang ibayad sa amin.
Para kay Daddy ay mas mahalaga ang sentimental value nito. Galing pa kasi ito sa ninuno ng kanilang angkan. Napamahal na rin ito sa amin at dito nabuo ang aming pamilya.
Umupo ako sa duyan at inilapag sa aking hita ang mga libro bago tinignan ang malalakas na alon galing sa dagat at pinakiramdaman ang tamang paghaplos ng sariwa at malamig na hangin sa aking balat.
Katulad ng mga alon ay ganoong kalakas ang pagragasa ng nararamdaman ko para kay Orion. Kapag pinipigilan ay mas lumalakas ang pagtama nito at wala ring magagawa kundi ang magpatangay. Ngunit kaysa lamig ay init ang aking nararamdaman.
My phone suddenly rang when I was lost in the middle of my thoughts.
Napakunot naman ang aking noo nang makitang tumatawag sa akin si Drew. Sa aming magkakabarkada ay si Drew ang hindi ko masyadong kasundo kaya hindi ko alam kung anong himala ang nangyari at tinatawagan ako nito ngayon.
"Drew?" pagsagot ko ng kanyang tawag.
"Naiyah..." He sounded so serious. "Gustong ipasabi ni Kriesha na magbukas ka raw ng f*******: mo. Chinachat ka niya pero hindi ka raw naka-online. Wala siyang load kaya ako ang pinatawag niya sa'yo."
"Bakit daw? Para saan?" tanong ko.
"Basta mag-online ka na lang," sabi niya at pinatay na agad ang tawag.
Napahugot na lang ako ng malalim na hininga bago binuksan ang data ng aking cellphone. Mayroon kaming wifi ngunit hindi ito ganoon kalakas at hindi abot dito sa dalampasigan kung saan ako madalas nakatambay.
Tinignan ko muna ang messenger at nakita ko ang chat sa akin ni Kriesha na halos paulit-ulit lamang. Gusto niyang tignan ko ang profile ni Chesca sa f*******:.
Wala naman akong nagawa kundi ang sundin ang kanyang sinabi. Dala na rin ng kuryosidad ay tinipa ko ang pangalan ni Chesca sa search box dito sa f*******:. Hindi kami friends sa f*******: ngunit mabuti na lang ay hindi naka-private ang kanyang profile.
The fire inside me suddenly agitated when I saw her recent post.
Chesca Silvenia:
Family dinner with Orion Valiente. My family likes him so much.
That was the caption of her post with a picture of her family inside a fancy dining room and Orion's present in the picture.
Tinignan ko ang mga putaheng nakahain sa hapagkainan ng mga Silvenia at nakitang sobrang layo nito sa mga inihahain sa kanya ni Mommy tuwing bumibisita siya sa amin. Paniguradong ito ang mga nakasanayan niyang kainin kaya malaki ang kanyang ngiti sa litrato.
Dito ko talaga napapagtantong hindi kami nababagay sa isa't isa at may mga babaeng mas bagay sa kanya.
What could I offer him that the others, especially someone like Chesca couldn't?
Muling tumunog ang aking cellphone at halos maihagis ko ito sa buhangin nang biglang lumabas ang pangalan ni Orion na siyang tumatawag.
Napanguso na lamang ako at saka sinilent ang aking cellphone bago ito tinabi.
Mag-aaral na lang ako. Kahit kunwari lang. Mag-aaral ako.