Thoughts Pagtunog ng alarm clock ay awtomatikong dumilat ang aking mga mata. Tulog pa ang aking katawan at ayaw pang bumangon ngunit ang aking isipan ay naglalayag na sa pag-iisip kung ano ang trabahong kakaharapin ko ngayong araw. Balak ko pa sanang ipikit ang aking mga mata at magbilang ng limang minuto, ngunit alam kong niloloko ko lang ang sarili ko. Baka kapag dumilat akong muli ay tanghali na ang gising ko. Pinilit ko ang sarili kong bumangon sa kama at agad kong naramdaman ang pagkirot ng mga kalamnan sa aking mga braso, hita at binti. Mali ata ang desisyon kong maligo at lumangoy kahapon lalo na at medyo malakas ang alon. Napwersa ang aking katawan sa paglangoy kaya ngayon ay kumikirot ang mga ito. My thoughts suddenly travelled and recalled what happened yesterday. The corners

