CHAPTER 35 (PART 2)

866 Words

"Shanna, walang magandang maidudulot ang paghihiganti mo. Hindi maibabalik ang buhay ng kuya mo kahit na mapatay mo pa kaming lahat dito. At isa pa, paniguradong malulungkot ang kuya mo kapag nakita ka niyang nagkakaganyan dahil sa kanya," pagpupumigil ng guro sa balak gawin ng dalaga. Yumuko si Shanna at nanahimik ng ilang segundo. Mariing napalunok si Ms. Gomez nang marinig niyang bigla na lamang tumawa ng pagkalakas-lakas ang dalaga na tila nawawala na siya sa kanyang sariling katinuan. "Ngayon pa ba ako aatras kung kailan huli na ang lahat? Hindi n'yo alam kung gaano kasakit tiisin ang mapait na katotohanan halbang nabubuhay ka sa mundong ito. And besides, isn't death beautiful? Lalo na ngayon... Kinikilig ako kapag tinitingnan ko ang mga mata mong unti-unti nang nawawalan ng pag-asa.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD