Chapter 3

2185 Words
Kaiser Lucas | Roscoe Noel Pagkalabas namin ay siyang pagpasok ng mga estudyante sa loob ng room. Pansin ko ang mga matang panay tingin sa aming gawi. Alam nila na madalang akong makipag-usap o kaya makipagkaibigan. Hindi ko na lamang sila pinansin at walang ganang sumunod sa lalakeng ito na hindi ko naman kilala. Nahagip din ng aking paningin ang apat na lalake sa may gilid na puro nakauniform pero hindi ko alam kung anong department. “Kai, ano una na ba kami?” nilingon ko ang nagsalitang lalake. Ngumiti ito at sumalido sa akin. Hindi ko siya pinansin. “Sunod ako! May aasikasuhin lang.” ani ng lalakeng nasa harapan ko bago nagbalik sa akin ang kaniyang atensyon. Sinalubong ko ang kaniyang tingin. He’s chewing a gum while looking at me playfully. I crossed my arms with my chin up high. Tinapatan ko ang pagiging conceited ng lalakeng nasa harapan ko. “Iba na lang pormahan mo, Kai! Mailap pa sa inahing manok yan!” tinaliman ko ng tingin ang isa pang nagsalita. Tinaas niya lamang ang dalawang kamay na parang sumusuko. “Gago!” sagot naman nitong si Mr. Disgusting. Nagtawanan naman ang grupong iyon at nagtapikan pa ng kamay bago tuluyang umalis. Mabilis ko namang hinarap muli ang lalake at nilahad ang aking kamay. Inuubos na niya masiyado ang pasensiya ko. “Give me that. I have no enough time for this. You see, may klase pa ako.” Mataray kong sabi. Mas lalo lang lumapad ang kaniyang nakakalokong ngiti at tinignan ang hawak na index cards. Tila nasisiyahan pa siya at nakakaabala siya ng tao. He is not just disgusting… isama na ang pagiging annoying! “Francesca Hariette P. Severiano...” ani niya Bumuntong hininga na lamang ako. This guy is testing my patience. “University scholar and a dean’s lister.” Dugtong pa niya habang marahang tumatango-tango. “17 years old and part of Alberta’s running team---“ hinablot ko nang mabilis ang hawak niyang index cards. “Tapos ka na?” umirap ako at papasok na sana pero hinarang niya ang kaniyang kamay. “Ayos ka din magpasalamat noh?” sarkastiko niyang sabi. Sinamaan ko lang siya ng tingin bago binawi ang aking kamay. This guy is really annoying! I have never thought that he will remember me and will have the guts to show his face to me after what I saw yesterday. Hindi ko mapigilang hindi ngumiwi dahil sa pandidiri. “I should have said thank you. Kung hindi mo lang sinayang ang oras ko sa ganito.” Seryoso kong sagot. “You are acting as if you haven’t seen me naked and it does not affect you.” mayabang niyang akusa habang pinanliliitan pa ako ng mata. “Because it didn’t really affect me…” I bluntly said. “Did it hurt your ego huh? Look Mr. Disgusting, kung ano man yung nakita ko kahapon wag kang mag-alala hindi ko ipagkakalat. I will not waste my time to spread such news and it’s not worth it. Mag-aaral na lang ako. Just a piece of advice… May mga motel naman, pwede irespeto niyo ang kapilya? Mahiya naman kayo.” Ngumiwi ako bago yumuko para makadaan sa nakaharang niyang kamay. Nasa kalagitnaan ako palang ako nang paglalakad pabalik sa aking upuan nang sumigaw muli ang lalake. “Kaiser Lucas Contreras! Madalas ka ba dun? Kung oo, magiging madalas na din kami doon!” nilingon ko siya ng masama. Ang mga kaklase ko ay nagsimula nang magbulungan. Kung ano-ano na naman siguro ang iniisip nitong mga ito. Kumaway lamang ang lalake sa labas bago tuluyang umalis. Napailing na lamang ako. Ang kapal na lang talaga ng mukha niya kung uulitin niya pa yun. At asa naman siyang maglalakas loob pa akong buksan ulit ang pintuan ng confession room. Nakakatrauma! “Oy, Hariette ano yun ha? Susumbong kita kay Roscoe ah!” hindi ko na lamang pinansin ang kantyaw ng isang lalakeng kaklase ko sa likuran. “Ano yun? Kilala mo yun?” biglang sumulpot ang malapad na mukha ni Kariz sa aking harapan. Muntik ko nang hawiin ito kung hindi lang ako nakapagtimpi. “Hindi.” Tipid kong sagot at saka inilabas sa plastic ang mga index cards ko. Isa-isa ko iyong tinignan dahil baka binaboy nung lalakeng iyon. Buti ay wala naman siyang ginawang hindi maganda. “Paano mo nakilala? Talamak na playboy yun Hariette… Anak ng school director at may-ari ng Contreras Medical Hospital. Iyong prestihiyosong ospital sa buong Alberta?” dagdag naman ni Jesusa. “Wala akong panahon sakaniya.” Panapos ko. Kaya pala pamilyar ang apelyido niya. Kung anak siya ng school director ay given na mayabang siya at playboy tulad ng mga nasa pelikula. Pero ang pagiging bastos ba ay ganun din? Hindi talaga pwedeng ibigay lahat sa isang tao. Maaring mayaman ka nga pero hinding-hindi nabibili ang magandang pag-uugali. “Hay naku! Baka awayin ka ng mga babae nun! Alam mo ba, ang daming pinangangakuan nun na gagawin daw silang girlfriend pero hindi naman? Titikman lang ni Kaiser pero iiwan niya!” dagdag ni Kariza. “Eh di awayin nila. Nang makatikim sila sakin ng sapak.” Hamon ko habang nagbalik sa naudlot kong pagsusulat. “Sa tapang netong si Hariette ewan ko na lang kung may sumubok!” nagtawanan ang dalawa sa gilid ko. Totoo naman yun. Mula kasi nung highschool ay dito na ako sa Alberta nag-aral kaya alam na halos ng lahat ang ugali ko. Noon pa man ay marami nang babae ang nagagalit sa akin dahil sa hindi ako palangiti. They will try to bully me and put a prank on me but they always fail. Palagi kong pinapakita na hindi ko sila kailangan. And the more I ignore them, the more they will get mad at me. And for me? That’s the best thing that you can do if someone will try to pull you down. Ignore and mind your own business. Magsasawa din sila. They will eventually realize that you are unbreakable. “Congratulations, Ms. Severiano. You got the highest score on our yesterday exam. Keep up the good work!” napangiti ako nang inabot sa akin ni Mrs. Conception ang exam papers ko kahapon. “100/100? Halimaw ka talaga, Hariette! Ano bang utak ba meron ka?” hindi ko na lamang pinansin ang kaklase ko na nakatanghod pala sa likuran ko. Being a university scholar has a lot of pressure. Pero ewan ko, para sa akin ito ang kasiyahan ko. I am also part of Alberta’s running team. Ang pagtakbo ay isa sa mga naging paraan ko para mapanatili ang aking scholarship. Hindi ganun kataas ang maintaining grades samin basta ba palagi kaming mananalo. For me I do both. Grades and competing at the same time. I love competition. “Mag-mall naman tayo!” niyugyog ni Kariz ang braso ko. I saw her puppy eyes looking at me. “Ayan oh, si Jesusa isama mo. Wala akong pera.” Sambit ko bago ipinasok ang kahulihang notebook sa aking bag. “Sumama ka na, Yet. Libre ko naman!” ani Jesusa pero tumayo na ako at hinarap na sila. “Kaya niyo na yan. Pupunta pa ako sa building ni Roscoe.” I smiled and tapped their shoulders. Naglakad na ako palabas ng room pero nakasunod pa pala sila sa akin. “Roscoe na naman! Lagi na nga kayong magkasama.” Maktol ni Kariz. “Of course, boyfriend ko yun eh. Saka dun ako mag-rereview sa bahay nila.” Huminto kami sa gitna ng quadrangle. “Hayaan mo na siya, Kariz. Baka namiss nila ang isa’t-isa. Sige na, umalis ka na.” hinawakan ni Jesa ang braso ni Kariz para pigilan ito, We are all on the same age yet we are way different from each other. Kariz is the childish one. She is most clingy and sweet. Simple lang din ang buhay niya pero syempre, mas may kaya sila kumpara sa amin. They have her parents to support. Jesusa on the other hand is from a well off family. Dati ay ayaw kong makipagkaibigan sa mga mayayaman dahil sa ugali nila. But Jesa is an exemption, pinakitaan niya ako ng mabuti noon pa man. Medyo malayo din ang lalakarin mula sa building namin tungo sa Mass Communication building. I am currently in a relationship with him since high school. Apat na taon na halos kami. Ewan ko, there’s something about him that made me fall in love. Siguro ay iyong galing niya sa pakikipag-usap. Magaling siyang kumanta at sumayaw. Gusto niya din magmodelo dahil sa angking kagwapuhan. Syempre, boyfriend ko yun eh. I scanned their floor and saw various of students. Mukhang uwian na din nila. I waited outside their room on my usual spot. Nagtungo ako sa may baradilya ay itinukod muna ang aking mga braso. I watched the students on the soccer field. I closed my eyes as the warm wind blew my hair. And then eventually I felt the familiar hands that’s been wrapping around my waist for years. I smiled as I faced Roscoe. “Babe, kanina ka pa?” Roscoe asked before planting a kiss on my cheeks. “Hindi naman, kararating ko lang din. Tara?” aya ko. Tumango naman siya bago kinuha ang mga libro kong yakap bago ako inakbayan. “Alam mo ba, Babe? Nagpasa ako ng portfolio online. Iyong mga pictures ko sa modeling? Ang dami kong sinendan. Sana may tumawag sakin no?” kwento niya habang pababa kami sa hagdan. Roscoe always wanted to be a model or an actor. Anything related with show business. As a girlfriend, suportado ko naman siya. Ganun din naman siya sakin kapag nakikipagcompete ako. He’s giving me his full support so I have no complaints with that. Ang akin lang minsan ay hindi niya na pinaprioritize ang pag-aaral niya. Pagkarating namin sa bahay nila ay naabutan namin sa bakuran ang kaniyang nanay. Nagwawalis habang naninigarilyo. Hindi rin mayaman sina Roscoe, siguro isa yun sa mga nagustuhan ko sakaniya. We are totally alike. “Magandang umaga, po.” Bati ko. Tumuwid ito ng tayo tapos ay bumuga ng usok. Pinigilan ko ang sarili na umubo sakaniyang harapan. “May ulam ba, Ma? Gutom na ako eh.” Maktol ni Ros. “Tignan mo sa lamesa! Kung meron eh di meron kung wala, wala!” singhal ng kaniyang ina. Nilunok ko na lang ang kagustuhan kong ngumuwi. Naalala ko si Tita Frida noon, kung paano siya magsalita sa amin. Hinawakan na lamang ni Roscoe ang aking kamay at inakay papasok. Nilibot ko ang aking mata sa sala nila. Isang linggo lamang akong hindi nakadaan ay ganito na agad karumi. Amoy sigarilyo maging sa loob dahil sa kagagawan ng nanay niya. Nanatili akong nakatayo sa b****a ng pinto. Samantalang si Roscoe ay hinubad ang kaniyang bag at ibinalibag sofa bago nagtungo sa kusina. Napabuntong hininga na lamang ako. Paano ako mag-aaral nito? Inilapag ko ang aking bag sa lamesa at sinundan na siya sa kusina. “Anong gusto mong kainin?” napatakip ako ng bibig dahil sa nakaksulasok na amoy sa kusina nila. Amoy malansa! Gusto kong isigaw. “H-hindi a-ko nagugutom.” Saad ko bago nagplanong bumalik sa sala pero hinawakan ni Ros ang kamay ko. “Ganito na lang, sa kwarto ko mo na ako antayin. Para makapagreview kana, tapos ako na magdadala ng pagkain natin.” Mabilis akong tumango at sinunod ang sinabi niya. Nang makaakyat ako ay magulo din ang kaniyang kwarto. I started sweeping the floor and putting back his scattered things on it’s proper places. Pagkaakyat niya ay may dala na siyang pagkain. Pinagsaluhan namin dalawa ang dalawang luncheon meat at dalawang sunny side up na niluto niya. Pagkatapos kumain ay ihinagis niya na ang sarili niya sakaniyang kama habang ako naman ay nagtungo sakaniyang study table. Nilabas ko na ang aking mga gamit at nagsimula nang mag-aral. Gamit ang kaniyang laptop ay nakapagsearch naman ako online. “Babe, gumawa ka na ba ng homeworks mo?” tanong ko sakaniya habang nagsusulat ako. “Hindi pa. Bukas na lang kokopya na lang ako.” Tamad niyang sabi. Napabuntong hininga na lamang ako. “Roscoe Noel.” May pagbabanta sa boses ko nang nilingon ko siya. Ngumisi lamang ito at kamot ulong naglakad palapit sa akin. “Ang init naman ng ulo ng Babe ko.” Nilapitan niya ako at marahang hinawakan ang aking balikat. Napatingin ako roon at mabilis na inalis ang kaniyang kamay. Tumayo na ako at sinikop ang aking gawin. “U-uwi n-na a-ako.” Ani ko pero hinawakan niya ang aking kamay. “Mamaya na. Ito naman eh…” malambing niyang sabi bago ako binalot ng yakap. Alam ko na ang plano niyang gawin. “Pumayag ka na kasi…” mabilis kong tinanggal ang kaniyang pagkakayakap at seryosong tinignan. “Una na ako. Hinahanap na ako ni ate.” Pagkalabas ko ng kanilang bahay ay napabuntong hininga na lamang ako. Matagal na din kami pero ewan ko ba kung bakit hindi ko pa kayang isuko ang sarili ko sakaniya. Parang may kung ano sa loob ko na pumipigil, at hindi ko alam kung ano.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD