CIERRA RAVEN FIOR Nang mag gabi habang natutulog ang mga anak ko. Hindi mawala sa isip ko ang balat sa batok ni Trevor. Lumingon ako sa anak ko na parehong nakatalikod sa akin habang yakap ang unicorn at baby Teddy bear nila. Tinaas ko ang buhok ng anak kong si Tilly, doon ko nakita ang balat sa batok ng kambal. Wala naman akong ganito o si Mama man lang. Ganun din kay Heather, pareho sila kung saan nakalagay yung balat, doon din ito naka lagay. Parehong kanan. Kay Trevor din ay kanan din, napa bangon ako at lumabas ng kwarto sakto naman nakita ko paakyat si Trevor hawak nito ang tingin ko ay kape. "Gising ka pa?" tanong ko dito at nilapitan ito. "Oo, hindi ako makatulog kasi." sagot nito. Na meywang naman ako at sumagot. "Paano ka makaka tulog, kung mag kakape ka naman ngayon?" ta

