Dahil na rin sa nangyari ay natagpuan nila ang taong nakasagasa sa kapatid ni Hassan. Dalawang araw matapos makulong ang lalaki ay umamin ang stalker ni Elvina sa kasalanang nagawa. Gusto sana itong sugurin ni Hassan ngunit pinigilan na lamang ito ni Elvina at Hashley. "Bakit pati ikaw ay kailangan niyang idamay?" nanggagalaiting sabi ni Hassan habang paikot-ikot sa loob ng maliit nilang apartment. " "Kuya, nakulong na siya at sapat na iyon. I'm okay now, see? Hayaan mo na ang Diyos ang magparusa sa kaniya, at kay April." nakaismid na sabi ni Hashley nang maalala ang Tiyahin. "Kumusta ang pinaghirapan mong cookies, Kuya? Naki-bake ka pa sa kapitbahay natin para doon." "Dismayado siya, natural. Ikaw ba naman ang bigyan ng cookies na walang shape at halos sunog na? Matutuwa ka?" "Sigur

