*Flashback*
Hindi naging mahirap para kay Elvina para malaman kung sino ang binatang bumihag sa kaniyang puso sa unang pagkakataon. Ito ay si Hassan Claveria, ang panganay na lalaki ng mga Claveria na kilala bilang isa sa pinakamayamang angkan sa kanilang probinsya. Pag-aari ng pamilya nito ang isang kumpanya sa maynila, ilang pananiman at gasulinahan.
Noong umpisa ay nanliit si Elvina sa nalaman ngunit bakit? Gayung hanggang pagtingin lang naman mula sa malayo ang magagawa niya. Dahil hindi naman siya mapapansin nito.
Balang araw ay ito ang papalit sa Ama nito sa kumpanya nila at siya naman ay ipagpapatuloy ang pagpapalago ng maliit nilang lupain.
Oo nga't nagkaroon siya noon ng munting paghanga sa ibang lalaki ngunit iba ang naramdaman niya kay Hassan Claveria. Ibang-iba dahil sa nakaraang isang linggo ay puro ang binata na lamang ang tumatakbo sa kaniyang isipan. Puro ito ang nais niyang makita at natatagpuan niya ang sariling pinagmamasdan ito at palihim na sinusundan. Pinagmamasdan niya kung paano itong makihalubilo sa mga kaibigan. Kung paano malukot ang kaniyang mga mata sa tuwing siya ay tatawa at makikita niya ang pantay-pantay nitong mga ngipin. Kung paanong kumunot ang noo ng binata sa konsentrasyon. At kung paano nito iikot-ikot ang mga kamay bago itira ang bola.
Naging isa siyang stalker at secret admirer.
Habang tulala siya at naglalakad habang yakap ang kaniyang mga libro ay hindi niya nakita ang daraanan niya, kaya nagulat na lamang si Elvina nang mabunggo siya at bumagsak ang mga librong hawak. Napasinghap siya nang maramdaman ang malamig na sensasyon sa kaniyang damit at pinagmasdan kung paanong bumagsak ang mga patak nito sa kaniyang mga libro.
Patay! Lalagkit at mga ito at kukunat ang mga pahina!
"Hindi ka ba tumitingin sa dinaraanan mo, stupida?!" bahagyang napasinghap si Elvina nang may tumulak sa kaniya dahilan upang mapaatras siya. Nang tignan niya ito ay nakita niya si Mandy. "Look what you did to my expensive clothes and expensive iced coffee!"
Bahagyang napasimangot si Elvina. Kilala niya ei Mandy dahil may reputasyon ito bilang isa sa mga matapobreng mayaman at kilala rin dahil sa rami ng naging nobyo nito. Sigurado si Elvina na kahit sa klase nila ay may nakasiping na ito.
Hangga't maaari ay iniiwasan niya itong makasalubong dahil ayaw niya ng gulo. Idagdag na riyan na marami nang estudyante ang napatalsik sa ekswelahang ito dahil sa pagiging spoiled brat ni Mandy. Isa kasi ang Ina nito sa mga sponsors ng paaralam kaya naman masasabing may kaangasan talaga ito.
"Pasensya na. Hindi ko sinasadya." buong pagpapakumbaba kong paghingi ng paumanhin.
"Mababayaran ba ng pasensya mo ang damit ko? Mapapalitan ba niyan ang natapon kong kape?!" eksaherada niyang sambit kasabay ng paggalaw ng mga kamay niya at pekeng pag-iyak.
"Pasensya na talaga!" muli niyang sambit at yumuko upang kunin ang mga librong nalaglag ngunit hindi niya nakita ang paggalaw ni Mandy na muli siyang itinulak at sa pagkakataong ito ay tuluyang siyang nawalan ng balanse.
Hinintay ni Elvina ang sariling mahulog sa dalawang baitang ngunit may mga kamay ang pumigil sa pagbagsak niya. Marahan siyang napasinghap nang maramdaman ang pagdaloy ng mumunting kuryente sa buong katawan niya dahil sa hawak nito. Bumilis din ang pagtibok ng kaniyang puso na para bang nakilala kung sino ang taong humawak sa kaniya.
Pabigla siyang lumingon at nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita si Hassan na ilang pulgada na lamang ang layo sa mukha niya. Hindi niya akalain na mapagmamasdan niya ito ng ganoon kalapit.
Nabasag ang pagiging ilusyunada ni Elvina nang itayo na siya ni Hassan. Napakagat siya sa labi at inayos ang damit bago yumuko. Ramdam niya ang pag-iinit ng kaniyang mga pisngi sa mga sandaling iyon.
"Hassan! Look what this pathetic girl did to me. Sinayang niya ang kape ko at ang damit ko!"
Palihim na pinaikot ni Elvina ang mga mata sa arte ni Mandy bago itinuloy ang pagpulot sa kaniyang mga libro kahit pa bahagyang nanginginig ang kaniyang mga kamay. Ang parteng hinawakan ni Hassan ay tila may naiwan pa ring kuryente.
"At mababayaran niya ang bagay na hindi naman niya sinasadya kapag nasaktan mo na siya? What if she really fell and hit her head?"
Humigpit ang hawak ni Elvina sa kaniyang mga libro at tila may kamay na humaplos sa kaniyang puso dahil sa narinig. Sa ginawa nito ay lalo lamang lumalim ang paghangang nararamdaman niya.
"Hmp! Whatever." ang tanging isinagot ni Mandy at sinamaan siya ng tingin bago sila nilagpasang dalawa.
Aalis na rin sana si Hassan ngunit nagsalita siya. "S-salamat."
Hindi ito nagsalita at nagpatuloy-tuloy na sa paglalakad palayo. At naiwan siyang parag tangang nakatingin dito hanggang sa mawala ito sa kaniyang paningin.
Ito na ba ang sinasabi ng ibang 'kilig'?
*End of flashback*
Gigil na nailamukos ni Elvina ang hawak na papel nang maalala kung paano siyang nagpakatanga at nagpaalipin noon sa paghangang naramdaman. Naging tanga at bulag siya dahil nagpadala siya sa huwad nitong katauhan. Looking back now, maybe Claveria only used her to pay Mandy back for spreading a false rumor about them.
Her first plan failed and it just backfired on her. Sa tana ng career niya bilang artista ay madalang siyang pagkaguluhan dahil maingat siya at alaga siya ng kaniyang kumpanya pagdating sa security. Ngunit dahil na rin sa sarili niyang kagagahan ay muntik pa siyang mapahamak.
Paano na lamang kung isa sa mga taong iyon ay nagpapanggap lamang na fan niya para saktan siya? Paano kung isa sa mga ito ay may balak palang masama sa kaniya?
Mabuti na lamang din at naroon si Claveria upang ipagtanggol at ilayo siya. Ngunit hindi susuko si Elvina. Hindi siya susuko hangga't hindi siya nagtatagumpay. Pumalpak man ang una ay sisiguruhin niyang magiging matagumpay ang mga susunod.
Nagpahinga si Elvina ng tatlong araw bago muling umatake. Ngunit may parte rin sa kaniya ang gustong magpakalango sa alak dahil mula nang muling sumulpot sa buhay niya ang taong kinamumuhian ay muli ring bumabalik ang mga alaala ng nakaraan.
Mga alaalang gustong-gusto niyang kalimutan.
Sa pagkakataong iyon ay siniguro niyang abala ang bodyguard niya dahil kasalukuyan itong kausap ng Manager niya. Muli niyang isinuot ang disguise at sa pagkakataong iyon ay tagumpay siyang nakasakay ng taxi at nagpahatid sa sikretong lugar na madalas niyang puntahan kapag tumatakas siya. Kapag gusto niyang umimom at mapag-isa. Kapag gusto niyang maramdaman na siya ay isang ordinaryong tao pa rin at hindi isang sikat na artista na kahit saan magpunta ay sinusundan ng tingin.
Pumara siya sa tapat ng isang pamilyar na eskinita at nagbayad. Hinigpitan niya ang panyong nakatali sa kaniyang ilong at bibig, ang bonnet at ang salaming suot. Pagkuwa'y naglakad na siya papasok sa eskinita at agad na namataan ang isang maliit at lumang bar kung saan isa siya sa mga regular at suki. Pagpasok niya ay tatlong tao lamang ang nakita niya. Isang lasing na, isang mukhang pinagbagsakan ng langit at lupa. At isang nakadukdok na.
Ito ang paborito niyang puntahan dahil dito, walang may pakialam sa kaniya. Dito, mga taong gusto talagang makalimot ang nagpupunta. At dito, hindi siya si Ardis kung hindi si Elvina Balmaceda.
Pagkaupo pa lang niya ay dumarating na ang order niya. Isang bote ng murang alak at isang platito na puno ng mani, binusa at kung ano pa.
"Salamat po, 'To." pasasalamat niya at sunod-sunod na tinanggal ang suot na disguise.
Umupo sa tapat niya ang Tito Roy niya, si Tito Roy ay ang bunso sa kapatid ng kaniyang Ina. Ito rin ang pinaka-close niya sa magkakapatid. Mula nang maging artista siya ay dito siya dumidiretso kapag gusto niyang mapag-isa. Tiwala siyang walang manggugulo sa kaniya dahil bukod sa mahal na mahal din siya ng kaniyang Tito ay isa rin itong dating bouncer kaya naman alam na alam nito kung paano makipaglaban. Ngunit ngayon ay isa na itong matagumpay na negosyante. At ang bar lamang na ito ay binuksan niya para sa mga kagaya niyang gustong mapag-isa.
Dito nagpupunta si Elvina kapag gusto niya ng makakausap ng masinsinan, ng mapagku-kwentuhan at mahihingan ng advice. At lagi namang game ang kaniyang Tito Roy.
"May problema ka ba, anak? O may gusto kang ipabugbog sa Tito?"
Sa madalang na pagkakataon ay tumawa si Elvina. "Kung pwede sana, 'To. Ang kaso baka mas magaling sa inyo." kinuha niya ang bote at diretsong tumungga. Napangiwi siya sa pait bago muling tumawa ngunit sa pagkakataong ito ay dahil sa pait. "`To, nagbalik na siya sa buhay ko. Ang taong dahilan ng lahat ng pasakit sa buhay namin at ang taong sinaktan ako. At sa pagkakataong ito ay para protektahan ako. Alam mo ba ang labis kong ikinagagalit, 'To? Hindi niya ako naaalala. Hindi niya naaalala ang taong pinakulong niya."
"Ang kapal ng mukha niyang kalimutan ang ginawa niya sa akin gayung hanggang ngayon ay binabangungot ako ng nakaraan. Ang kapal ng mukha niyang lumapit sa akin na para bang wala siyang nagawang mali. Ang kapal-kapal niya."
Ang isang lagok ay nauwi sa sunod-sunod na pag-inom hanggang sa naubos na niya ang buong boteng ibinigay sa kaniya ng Tito niya. Habang inilalabas niya ang sama ng loob niya.
"Baka kaya siya muling nagbalik sa buhay mo ay para bigyan kayo ng pagkakataong alamin ang katotohanan sa lahat ng nangyari sa buhay ninyo. Maaaring pagkakataon ito upang makapaghiganti ka ngunit maaaring pagkakataon din ito upang malaman mo ang totoo sa tulong niya at kung bakit nangyari ang lahat ng nangyari."
Bahagyang napangiti si Elvina at napailing. Ang Tito niya talaga, kahit kailan ay sadya itong walang pinapanigan kahit kamag-anak ka pa nito. Ang pinapanigan nito ay ang katotohanan at noon pa man ay naniniwala na ito na may mapait na katotohanan sa nangyari sa kanila ni Hassan.
"Tito naman, kampihan niyo naman ako." may himig na pagtatampo ang boses niya at paglalambing.
"Elvina, mahal kita. Ikaw ang pipapanigan ko at tanging paniniwalaan ko. Ngunit naniniwala rin ako sa katotohanan, anak. Dahil alam kong pareho lamang kayong biktima ng kung sino mang totoong may kasalanan ng lahat ng ito."
Muli pa sana siyang magsasalita nang may tumayo sa tabi ng mesa niya. At may hinuha na siya kung sino ito.
Nag-angat siya ng tingin at sinamaan ng tingin si Hassan na mukhang hindi naman nagulat o napagod man lang sa paghahanap sa kaniya.
"Paano mo ako nakita? Si Monty ba?" inis niyang anas sa lalaki.
"There is this thing called 'tracking device'."
Napamaang si Elvina at tumayo. Nakipagtitigan siya dito. "At sino ang may sabing pwede mo akong taniman niyan? Nasaan? Saan mo inilagay?" inumpisahan niyang buklatin ang bag niya upang hanapin ito.
"Pasensya na ngunit hindi ko iyan maaaring sabihin sa iyo."
Itinigil niya ang ginagawa at muli itong hinarap. "Excuse me? Sino ka para tumanggi? Last time I checked, ako ang amo mo at ako ang nagpapa-sweldo sa iyo. You better tell me right now or your can kiss your job goodbye."
Imbes na tamaan at kabahan ay humalukipkip lamamg sa harap niya si Hassan. "Correction din po, Ms. Ardis. Ang Manager niyo po ang nagpapasahod sa akin mismo kaya siya lamang ang may karapatang tanggalin ako."
Nag-usok ang ilong at tenga ni Elvina sa narinig.
"Why you, you're so infuriating." she stepped closer to the man and held his gaze.
And Hassan did not back down. And Elvina hates the fact that she has to look up at him as he stares down at her.
At sa isang maliit na bar na tinatawag na 'Be You' ay nagtagisan si Hassan at Elvina ng tingin habang ang Tiyuhin niya ay nanunuod lamang sa dalawa habang namamapak ng binusa at mani.