"Kailan mo sasabihin sa kaniya ang totoo, bunso?" untag ni Monty kay Elvina habang nagluluto siya ng menudo dahil pupunta si Hassan. Dahil na rin mahilig magluto ang kaniyang Inay ay naturuan na siya nito ng iba't-ibang putahe. Sa kasamaang palad nga lang, hindi niya nakuha ang husay nitong magluto. Kinulit kasi siya ng nobyo na gusto nitong matikman ang menudo niya at hindi naman makatanggi si Elvina sa paglalambing nito. Isang linggo na mula nang mangyari ang dramahan nila sa airport kung saan muli ay nag-viral silang dalawa. Marami ang kinilig sa kanilang eksena at dahil na rin sa nangyari ay nakumpira ang relasyon nilang dalawa. Ibinaba ni Elvina ang sandok matapos tikman ang luto at napabuntong-hininga. "Hindi ko alam, Kuya. Kinakabahan kasi ako sa magiging reaksyon niya. Tatang

