Kabanata 27 A T H E N A Normal naman ang naging haponan namin ni Ares buti na lang maagang nakauwi sina Mom and Dad kaya nagkasabay-sabay kami sa pagkain. Natuwa din sila dahil nakita naman nila na ayos na kaming dalawa ni Ares at hindi na kami nag-aaway. Siguro hindi naman talaga namin magagawang magtanim ng galit sa isat-isa nang napakahabang panahon. Ewan ko ba. Hindi ko siya kayang tiisin at hindi din naman niya ako kayang tiisin kaya nagkakaayos na lang kami bigla kapag talagang miss na namin ang isat-isa. Pagkatapos naming kumain ay inaya ko pang manuod si Ares ng movie sa entertainment room gaya ng madalas naming gawin nuon. Kumuha ako ng mga chips sa kusina para may makakain kami habang nanunuod habang si Ares naman ang kumuha ng mga drinks para sa aming dalawa. "Anong gusto m

