Kabanata 67 A T H E N A Pagpasok sa kwarto ay agad kong hinanap ang phone ko ngunit kahit saan ako maghanap ay hindi ko iyon makita. May palagay akong kinuha iyon ni Mom habang natutulog ako kanina. Hindi ko na napigilan ang mas lalong mapaiyak sa kawalan ng pag-asa. Paano niya nagagawang tiisin kami ng ganito? Ganun ba kalaki ang naging kasalanan namin para ganituhin? Pati ba naman ang phone ko ay kukuhanin niya para lang mapaglayo kami ng tuluyan? Ganun kabawal ang relasiyon namin para ganituhin? Wala akong nagawa kundi ang magmukmok sa kwarto ko buong maghapon. May katulong na naghatid sa akin ng pagkain sa kwarto ko pero hindi ko iyon ginalaw. Wala akong ganang kumain sa mga oras na iyon. I just want to talk to Ares. Gusto ko siyang makausap kahit sandali lang. Kahit ilang minuto

