Kabanata 51 A T H E N A Inalis ng lalaking may hawak ng patalim ang pagkakatutok nuon sa akin at inilipat kay Ares. Halos mapatili ako nang sumugod ang lalaking may hawak ng patalim kay Ares. Mabuti na lang at mas mabilis ang naging kilos ni Ares at agad niyang natapik ang kamay ng lalaking may hawak hawak ng patalim. Tumilapon ang patalim sa sahig at nang akmang pupulutin ulit iyon ng lalaki ay agad na siyang sinunggaban ng suntok ni Ares sa mukha. Gaya sa isang lalaki ay tumumba din ito kaagad sa sahig sa sobrang lakas ng pagkakasapak sa kanya ni Ares. Ang akala ko ay hahayaan na ni Ares ang mga ito at ilalayo na lamang ako duon ngunit laking gulat ko nang atakihin niya muli ng suntok ang lalaking nasa sahig. Kitang-kita ang matinding galit sa hilatsa ng mukha ni Ares. Pinaulanan niya

