Kabanata 49 A T H E N A Sobrang antok na antok ako sa graduation practice namin kanina mabuti na lang at nakayanan ko namang labanan iyon hanggang sa matapos. Pinuntahan ko agad si Cassandra sa pwesto niya upang ayain siyang kumain sa labas at kaagad naman siyang pumayag. Mukhang wala yatang umaaligid-aligid sa kanya ngayon. Siguro busy si Andrei dahil malapit na din ang graduation nila. Kaya nga siguro halos hindi na din nakakatulog si Ares. Baka marami silang inaasikaso. Sa pinaka malapit na restaurant namin naisipang kumain ni Cass dahil gutom na gutom na daw siya at ayaw na niyang lumayo pa. Pa-order pa lang kami nang tumunog ang phone niya. Umirap ako dahil mukhang alam ko na kung sino ang tumatawag. Ano ba naman 'tong si Andrei, napaka possessive naman. Ngayon na nga lang kami ma

