Kabanata 47 A T H E N A Ilang araw na ang nakakalipas mula nang magkatampuhan kami ni Ares at hanggang ngayon ay hindi pa din kami nakakapag-usap. Siguro dahil hindi din naman kami halos nagkikita sa bahay. Palagi kasi siyang wala sa bahay. Hindi ko alam kung saan siya nagpupunta. Hindi naman pwedeng kay Arian siya lagi nagpupunta dahil kaaalis lang nila Arian nuong isang araw papuntang states para duon na siya magpagamot. Madalas din akong wala sa bahay dahil napapadalas na ang paglabas namin ni Jairus at kung minsan naman sumasama ako sa mga kaklase ko kapag may lakad sila para lang libangin ang sarili ko at makalimutan ko man lang yung naging pagtatalo namin ni Ares nung isang gabi. Saka paraan ko na din ito para unti-unti nang makalimutan ang nararamdaman ko para sa kanya. Mas mabuti

