Kabanata 3
A T H E N A
"I can't leave you here..." aniya sa mahinahon na tinig.
"But you have to. I promise I'll behave," itinaas ko pa ang kanang kamay ko para lang makombinsi siya. Yes, I don't want him to leave but he needs to. Hindi kaya ako sanay na wala siya. Sino na lang ang magluluto para sa akin. Nasanay pa naman na ako na siya lagi ang nag hahanda ng pagkain ko. Sa bahay sobrang asikaso niya sa akin paano na lang kaya kung mawawala siya tapos tatlong buwan pa yun. Napaka habang panahon nuon pero wala akong magagawa dahil iyon ang pangarap niya. Gusto nga ni Dad na mag business si Kuya dahil siya daw ang magmamana ng company namin kaya lang ayaw talaga ni Kuya kaya hinayaan na lang siya ni Dad. Hindi naman kasi namimilit si Daddy Renato pero alam kong gusto niya talagang may mag business saming dalawa kaya ako na lang ang nag presintang mag business pag nag college na ako. Gusto ko din naman talagang pag-aralang patakbuhin ang company namin. Kung ayaw ni Kuya bakit hindi ko subukan di ba?
"Baka naman pagbalik ko dito mukha ka ng kalansay?"
Sinamaan ko siya ng tingin 'tsaka ngumuso. Tumawa siya bago pinisil ang ilong ko. Iritadong hinawi ko naman ang kamay niya at mas lalo pa siyang sinimangutan.
"Oh it's hard to leave my baby girl. I know you Athena, you can't leave without me. You can't even feed yourself."
"Ang OA mo naman! Ako na nga itong nagmamalasik sa pangarap mo tapos manggaganyan ka pa. Edi wag kang umalis! Ayos lang! Sino bang mawawalan, ako ba?" inis na sabi ko sabay irap.
"Bakit parang gustong gusto mong umalis ako?" umarko ang isang kilay niya.
"Kuya naman! Hindi ko nga gustong umalis ka pero kailangan mo kaya ayos lang!"
"If you don't want me to leave then I'll stay."
Napairap na lang ako sa kabaliwan niya.
"Ano ba Ares! How about mag bakasiyon tayo for three days bago ka umalis. Iyong tayong dalawa lang para may bonding naman tayo bago ka umalis."
"I told you I won't leave. Dito na lang ako mag t-training," aniya na ayaw magpapilit.
"No way! Aalis ka! Wala ka bang tiwala sa akin kaya hindi mo ko maiwan iwan?" Ngumisi ako at mapang-asar na tinignan siya.
"Ikaw yata ang hindi kayang mabuhay nang wala ako eh. Tignan mo hindi mo ko kayang iwan. Siguro ayaw mo kong mamiss ano?" nanunuya pa ding sabi ko. Umiling siya habang napapangisi na din bago ginulo ang buhok ko. Oh I hate that! Lagi na lang niyang ginagawa sa akin iyon. Tinanggal ko ang kamay niya at inayos ang medyo nagulo kong buhok.
"Don't do that again! I hate that."
"But I love messing your hair."
"Whatever! Basta tutuloy ka sa states and that's final. Ayokong pagsisihan mo ito balang araw. Pangarap mo ito di ba? Paano na tayo makakapagpatayo ng sariling restaurant kung ganyan ka?"
Bumuntong hininga siya.
"Pwede ko pa din naman tuparin ang pangarap ko habang kasama kita dito ah?" dahilan niya pa. Nginusuan ko siya.
"You idiot! Iba pa din kung sa ibang bansa ka mag ttraining kaya sige na please. Ituloy mo na 'yan. I'll be fine here. Nandyan naman si Yaya Helen. You don't have to worry about me. Kaya kong kumain nang mag-isa. Baka nga pagdating mo marunong na din akong magluto. Ikaw ang unang-una kong papatikimin ng luto kapag nagkataon. Hindi ako mag boboyfriend kahit gusto ko dahil ayokong bigyan ka ng sakit ng ulo duon sa states. 'Tsaka baka bigla ka ding mapauwi dito kung malaman mong may boyfriend ako kaya wag na lang ano! Isa pa magkakaboyfriend ba ako nyan eh pati sa mga kaibigan mo sa campus pinababantayan mo ako! Oh nagulat kang alam ko ano?"
Nagkasalubong ang kilay niya.
"Pano mo nalaman?"
"Eh paano si Andrei, nahuli ko isang araw pinagbabantaan ba namn iyong gustong manligaw sa akin na classmate ko. Syempre nagalit ako. Pati ba naman mga tropa mo makikialam na sa buhay ko?" Umirap ako. Lalong nagsalubong ang kilay ni Ares at kumunot ang kanyang nuo.
"He did that?" parang takang takang tanong niya. Kaya naman nagtaka na din ako dahil sa reaksiyon niya. Hindi niya ba alam na binabantayan din ako ng mga kaibigan niya? Akala ko ba siya ang nag-utos sa mga itong bantayan ako? Umigting ang panga ni Ares at tumalim ang tingin niya.
"Bakit hindi mo ba alam? Akala ko ikaw ang nag utos duon na gawin iyon."
"Of course not! Kaya kong bantayan ka ng mag-isa, Athena! Gago yun ah. Baka mamaya may gusto pala yun sayo kaya bumabakod," nakaigting ang pangang sabi ni Ares.
Sa totoo lang medyo nagulat din ako na hindi nga niya inutos iyon pero nakakapagtaka lang. Bakit naman gagawin iyon ni Andrei kung wala naman palang sinabi si Kuya? May gusto nga ba siya sa akin? Imposible. Hindi ako ang mga tipo nun. Mahilig iyon sa mga kaedad niya kaya imposibleng may gusto sa akin iyon. Baka nagmamalasakit lang siya sa akin kasi kapatid ako ng kaibigan niya kaya ganun. Ewan ko basta.
"Hindi naman siguro kuya. Baka nagmamalasakit lang dahil alam naman nilang ayaw mo talag akong paligawan."
"Tsk. I doubt that. That jerk, kapag nalaman ko lang talagang pinopormahan ka nuon..." he trailed off. Matalim ang titig niya sa akin na para bang may ipinahihiwatig.
"Hay naku Kuya! Ang OA mo talaga. Hindi nga ako gusto nun. Iba ang mga type nun. Mga morena."
Lalong tumalim ang titig niya sa akin.
"At bakit mo naman yun alam?"
"Napansin ko lang. Puro mga morena kaya ang mga nagiging ex nun 'tsaka mga kasing edad niyo kaya imposibleng may gusto sa akin iyon," paliwanag ko sa pagkakabisto. Sa totoo lang kasi crush ko din dati si Andrei Pascual pero mas crush ko pa din si Troy at ewan ko na lang kung may makatalo pa sa kanya sa puso ko. Siya talaga ang prince charming ko eh. Ang gwapo gwapo talaga.
"Subukan niya lang. Sabihin mo sa akin kapag ginawa niya ulit ito. Makakatikim sa akin ang gunggong na 'yun."
"Kuya naman! Pati ba naman kaibigan mo?" napapailing na sabi ko. Kahit kailan talaga itong si Ares napaka over protective baka mamaya tumanda na akong dalaga nito dahil sa ginagawa niyang pagbabakod sa akin. Hindi ko alam kung ano ba talagang problema niya sa mga lalaki at bakit siya ganito katakot na masaktan ako O maloko.
"Kaibigan ko yun kaya kilala ko ugali nun. That fvcking bastard how dare he treat you like you're his possession!"
Umirap ako at hinayaan na lang siya sa mga aligasiyon niya sa sariling kaibigan muli kong ibinalik ang usapan sa pag-alis niya.
"So ano kuya? Payag ka na? Magbakasiyon tayo kahit ilang araw lang bago ka umalis?"
"How about your class?"
"Pwede naman akong humabol 'tsaka tatlong araw lang naman 'yun. I'm sure makakahabol agad ako sa lesson. Sige na kuya. Namiss ko na magbakasiyon kasama ka." Ngumuso ako upang magpaawa sa kanya. Wala na siyang nagawa kundi ang tumango na lang at sumang-ayon.
"Wag na wag mo lang susubukan mag boyfriend kung ayaw mong umuwi ako dito para bugbugin yung boyfriend mo."
"Oo na!"
Pagkatapos naming kumain ay diretsiyo na kami sa bahay. Nagulat pa nga kami nang maabutan naming nandun sina Mommy at Daddy Renato. Minsan lang kasi ang mga yun maglagi sa bahay. Palaging nasa opisina o kaya naman naka out of the country parehong busy sa trabaho kaya nakakapanibagong narito sila sa bahay. Humalik ako sa pisnge ni Mommy at Daddy Renato bago naupo sa gitna nilang dalawa. Nanunuod sila ngayon ng old film dito sa sala. Nagmano naman si Kuya sa kanilang dalawa bago naupo sa isang pang-isahang sofa.
"Oh bakit ang aga niyo yatang dalawa?" tanong ni Mommy.
"Maaga po kasing natapos ang klase. Wala ang mga professor dahil may meeting sila," paliwanag ko para lang hindi kami pagalitan dahil sa totoo lang ay hindi naman talaga kami pumasok.
"Ganun ba hija? Siya nga pala Ares, nasabi mo na ba sa kapatid mo ang pag-alis mo next month?"
Ngumuso ako.
"Kanina niya lang po sinabi sa akin!" nagtatampong sabi ko. Tumawa si Mommy at Daddy Renato.
"Sinabi ko naman sayo anak, sabihan mo agad ang kapatid mo dahil paniguradong magtatampo yan," tumatawang sabi ni Daddy.
"Hindi pa naman kasi ako sigurado kung tutuloy ako."
Parehong nagsalubong ang kilay nila Mommy at Daddy. Siguro nagtataka sila kung bakit nag-aalinlangan si Ares umalis samantalang matagal na niyang pinaghahandaan ito.
"Bakit hindi ka sigurado? Ang akala ko ba gusto mo ito anak?" takang tanong ni Dad.
"Ayaw niyang mamiss ako," nakangising sabi ko.
"Concern lang ako kay yaya. Baka sumakit lang ang ulo nun sa'yo. Hindi mo pa naman kayang asikasuhin ang sarili mo," naiiling na sabi ni Ares.
"Sus! Kunwari ka pa. Alam ko namang hindi mo lang talaga kayang hindi ako makita." Ngumisi akong muli.
"Ikaw ang hindi kayang mabuhay ng wala ako. Baka mawala lang ako maging kalansay ka na dyan dahil lang hindi mo kayang pakainin ang sarili mo."
"Mommy oh!"
"Tama na nga yan mag aaway pa kayo dahil lang dyan. Ikaw naman Athena, iwas-iwasan mo naman ang pagiging pala-asa mo sa kapatid mo. Pati ba naman sa pagkain ay ang Kuya mo pa ang naghahanda para sayo? Hindi ka pa din ba natututong magluto? Ikaw ang babae pero daig na daig ka pa ng kuya mo. Mahiya ka namang bata ka."
At ito nanaman po siya. Si Ares nanaman ang ipinagtatanggol. Inirapan ko si Ares nang makitang nakangisi ito sa akin na para bang inaasar ako dahil ipinagtanggol ako ni Mommy.
"Ayos lang 'yan. Si Athena ang bunso kaya dapat lang na inaasikaso at inaalagaan siya ng Kuya Ares niya," pagkampi naman ni Daddy sa akin. Ngumiti ako sa kanya at yumakap bago parang batang inilabas ang dila upang asarin si Ares pero natawa lang ito at napailing. Ngumuso akong muli.
"Ayan ka nanaman Renato at bini-baby mo nanaman 'yang si Athena. Kaya hindi na natututo yang batang yan," tuloy pa din ni Mommy sa pang-gigisa sa akin.
"Hindi naman ako ang nagbi-baby dito sa prinsesa natin. Mas spoiled pa nga ito kay Ares kaysa sa akin," nakangising sabi ni Dad.
Totoo yun dahil mas grabe mang-spoiled si Ares kaysa kay Dad. Halos yata ng hilingin ko dito ay mabilis nitong naibibigay nang walang reklamo. Well maliban na lang siguro sa usapang pag-boboyfriend dahil never niya yata akong pagbibigyan sa bagay na iyon kahit na lumuhod pa ako sa harapan niya. Ewan ko ba sa kanya kung bakit siya ganuon.
"Oo nga naman Ares, bakit mo naman kasi masiyadong ini-spoiled itong kapatid mo? Hindi na tuloy natuto."
"Mommy naman! Minsan na nga lang kayong nandito ni Daddy Renato tapos inaaway niyo pa ako. Hindi ba pwedeng mag bonding na lang tayo at wag na natin pag-usapan ang tungkol sa akin? Manuod na lang tayo ng movie oh." Inilahad ko ang kamay ko sa TV sa harapan namin. Umalis ako sa pagkakayakap kay Dad at naupo sa sahig sa mismong tapat ni Ares.
"Massage my head Kuya please..." sabi ko sabay pikit upang damahin ang masahe niya. Narinig ko ang paghalakhak niya bago niya ginawa ang hiling ko. Nang dumilat ako ay iiling iling sa akin si Mommy habang nakaakbay na sa kanya si Daddy at nakatuon na ang pansin nito sa palabas.
"Hmmm.." I moaned sa sobrang sarap ng masahe sa akin ni Ares.
"Nagdadalawang isip ka na ba sa pag-alis ko? Ayaw mo na akong umalis para may taga masahe ka? Pwede naman kung gusto mo talaga akong manatili dito hindi na ako aalis."
Binalingan ko siya at inirapan.
"Hindi pwede. You should go. Para sa pangarap din naman natin ito. Di ba sabi mo magpapatayo tayo ng restaurant? Paano matutupad yun kung sinasayang mo iyong mga ganito kalalaking oportunidad. Ayos lang ako dito. Hindi din naman pwedeng palagi akong dedepende sayo. Syempre paano kung magka-pamilya ka na ng sarili? Hindi na ako pwedeng umasa sayo nun dahil may pamilya nang umaasa sayo. Kaya sige na. Tumuloy ka na. I'll be fine here. Hindi ako magbo-boyfriend pangako ko yan sayo," sabi ko bago itinaas ang kanang kamay. Bumuntong hininga siya na para bang nahihirapan. Mukhang nahihirapan talaga siyang iwanan ako. Ako din naman ayoko talagang magkalayo kami kaya lang kailangan niya ito para sa pagtupad ng pangarap niya. At hindi ko hahayaan na ako pa ang maging dahilan upang hindi niya maabot ang pangarap niya.