Kabanata 69 A T H E N A "Ako na niyan. Magpahinga ka na," aniya nang matahimik kami pareho at abala sa ginagawa naming pag uunpack ng mga damit. Ngumuso ako at umiling. "Tataposin ko lang ito at maliligo pa muna ako bago matulog," sabi ko hindi makatingin sa kanya dahil sa kung anong naiisip. Mabuti na lang pala at nakapamili kami ng mga sabon at kung ano ano pang kakailanganin namin nuong may nadaanan kaming grocery store. Nang matapos ako sa pag uunpack ng mga damit at dumiretsiyo na ako sa maliit na banyong naruon. Sobrang liit nuon kumpara sa bathroom ko sa kwarto. Wala din iyong bathtub o kahit ano pa man. Meron lang iyong toilet bowl at isang gripo and that's it. Ang sink ay nasa may kusinang katabi nitong banyo kaya sa tingin ko ay duon na lamang ako magsisipilyo pagkatapos. Hin

