Kabanata 80 A T H E N A Lalapitan pa sana niya ako kung hindi lang biglang bumalik na si Darlene. Ngumiti na lang ito sa akin nang makitang lumipat ako ng upuan. Hindi ko na sila pinansin pa pagkatapos nuon at tinuon na lang ang pansin sa phone ko. Hindi daw girlfriend pero palaging magkasama. Akala niya siguro ako pa rin yung babaeng madali niyang nauuto sa mga salita niya. Napangisi ako sa sariling naiisip nang biglang may matanggap akong message mula kay Calvin. Sa isang araw na ang balik niya dito sa pilipinas at gusto niyang magkita kaming dalawa. Hindi tuloy mawala-wala ang ngiti ko kahit nang matapos na ang dress fitting at nasukatan na ang lahat ng nasa listahan ni Cassy. Inaya niya akong maglunch sa labas kaya agad naman akong sumama. Tama siya wala pa kaming maayos na pag-uusa

