Kabanata 63 A T H E N A Pagkatapos nang nangyari ay ipinagpatuloy na namin ang paglanggoy sa dagat. Yun nga lang ay mas gumaan na ang pakiramdam ko ngayon kaysa kanina dahil hindi na namin kailangan pang magpanggap ni Ares sa harapan ng dalawa. Ang sarap sarap lang sa feeling na malaya na namin gawin ang anumang gustuhin namin dito. Wala ng pumipigil saming gawin lahat ng bagay na makapagpapasaya saamin. Pakiramdam ko nakalaya kami sa kung ano kaya mas lalo tuloy naming na-enjoy itong mga oras na ito. Nang mapagod sa pagsisid ay naisipan kong umahon na muna. Naupo na lamang ako sa pampang at nakontento sa panunuod sa ganda ng karagatan. Agad namang sumunod sa akin si Ares na umahon na din upang daluhan ako. Naupo siya sa likod ko. Ang mga hita niya ay nasa magkabilang gilid ko, ikinukulo

