Kabanata 57 A T H E N A Tinawagan ako ni Troy para ipaalam kung anong oras niya ako susunduin dito sa bahay. Kaya naman nang magdilim na sa labas ay agad na akong kumilos upang maghanda. May nakita akong isang formal dress sa closet ko na hindi ko pa naman nasusuot kaya iyon na lang ang naisipan kong suotin para sa gabing iyon. Sa totoo lang ay kinakabahan ako sa mangyayari mamaya. Natatakot ako na baka pumalpak ako at mabuko si Troy. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag itinakwil siya ng kanyang ama pero hindi ba darating din naman talaga ang araw na malalaman din ng mga ito ang tungkol sa pagkatao niya? Wala naman kasing lihim na nanatiling lihim habang buhay. Kung ganun, malalaman din nila Mom ang tungkol sa amin ni Ares? Anong mangyayari sa pamilya namin kapag nangyari iyon? Hin

