Kabanata 77 C A S S Mula nang magising si Athena mula sa pagkaka-comatose ay hindi na siya ulit nakausap ng maayos. Palagi lang siyang tulala at madalas umiiyak. Kapag naman nakikita niya si Ares ay nagwawala siya kaya walang choice si Ares kundi ang lumabas na lamang ng silid ni Athena hanggang sa makatulog ito. 'Tsaka lang siya papasok ulit kapag tulog na ito. Ang sabi ng doktor ganuon daw talaga minsan kapag galing sa brain trauma ang pasiyente. Maaring hindi pa daw kasi natatanggap nito ang mga nangyari kaya ganun na lang ang behavior nito. Gusto kong sisihin si Ares sa nangyari sa pinsan ko pero sa tuwing nakikita ko siya na malungkot at parang palaging tuliro. Wala akong ibang maramdaman kundi ang maawa sa kanya. Halos hindi na yata kumakain at natutulog ang taong iyon. Lagi siya

