CHAPTER 4

1835 Words
Eto ang aking pangatlong araw na nasa katawan ni Miss Ella Lee.Hindi parin ako makapaniwala sa nangyayari sa akin. Simula ng dumating ako sa mansion na eto, kumikilos ako na parang wala lang, dahil umaasa akong sa pagtulog ko at gigising na babalik na ang lahat sa normal. Si Ella na patay na o si Ella na bali-bali ang buto sa katawan, at basag ang ulo, na nasa Hospital dahil sa pagka hulog mula sa balcony ng mataas na Gusali ng isang Hotel. Subalit talagang nagigising padin ako bilang si Ella Lee. Bukas ang araw ng kasal ko ang sabi sa'kin ni Sam. Hindi ko tuloy maisip sa dinami dami naman ng mga lalaki sa mundo bakit s'ya pa ang mapapangasawa ko ang lalaking iyon. Natatakot ako at pinanginginigan ng katawan. Sa tuwing nakikita ko siya hindi ko makalimutan ang lalaking kumuha sa akin ng gabing iyon at dinala ako sa mga kaibigan niya na parang baboy at sa kasuklam suklam na pinaggagawa nila sa akin. Hindi rin naman kami masyadong naguusap mailap at tahimik siyang tao. Hindi rin siya makatingin sa akin ng deretso na kagaya ko. Halatang may itinatago. Wala rin akong idea kong ano ang magaganap sa kasalan bukas pero kailangan kong gawin. Knock! knock! May kumakatok sa labas ng silid ko kaya ka-agad ko etong pinagbuksan. Si Sam kasama si Irene na katulong dito sa mansion may dala etong mga gamit. "Ella,kinuha ko na sa shop ang ipinagawa mong gown na isusuot mo bukas. Tumawag ang shop sa company ng lolo mo dahil hindi mo padaw eto kinukuha at hindi ka naman daw macontact." "Salamat! Teka, Tumatawag? Saan tumatawag? Wala naman akong phone." "Ha? So ibig mong sabihin all this time wala kang cellphone?" "Wala." "So nawawala ang Cellphone mo. Malinaw na pagnanakaw seguro ang motibo ng salarin ng pomokpok sa ulo mo nong gabing iyon sa Bar." Ang Ani nito na pakiwari ko ang tinutukoy niya ay ang aksidente ni Ella sa pagkakapokok nito sa ulo. "Ano? daw ba ang ginamit na bagay na ipinokpok sa ulo ko at kailangang kalbuhin ang anit ko at ang haba ng tahi.Kapag malamig napaka sakit ng ulo ko." Ang aking naitanong sa kanya na gusto kong malaman ang kasagutan. "Ang sabi ng mga doctor at ng mga investigator isang makapal na bote ng alak na may laman." "Ganun ba, Kaya pala subrang sakit, at seguro napatay si Ella ng gabing iyon." Ang wala sa sariling bigkas ko sa harap ni Sam. Na ipinagsalubong ng kaniyang mga kilay. "A-anong Sabi mo?" "H-ha a e ang sabi ko kamuntikan na pala akong mamatay buti nabuhay pa ako. Kasi Segurado malakas ang impact ng pagkakapalo sa akin dahil hanggang ngayon ramdam ko parin ang kirot sa ulo ko." "Sige na magpahinga ka na at uminom ng gamot. Magpapahinga narin ako marami pa akong dapat asikasuhin bukas." "Sige." Tumalikod na eto sa akin, halata sa mukha n'yang pagod s'ya. Marami pa sana akong katanungan sa kan'ya na s'ya lamang ang makakasagot. Kahit naiilang at natatakot ako sa tuwing kaharap s'ya. Iniisip ko ngayon pagkasal na ba kami kailangan bang magtabi na kami matulog sa isang kwarto? Sa s*x naman wala naman problema sa akin. Dahil kong sino sino nga ang nakakasex ko kahit hindi ko mahal at mga matatandang hukluban pa nga nakakaya kong sikmurain. Ang inaalala ko lang baka hindi ko kayanin kahit hawakan niya ako nanginginig ako sa takot. Hindi talaga mawala sa isip ko ang ginawa nilang kahayupan sa akin. Kong bakit kasi sa dinami dami ng mukha ng mga lalaki ang hayop na lalaking iyon pa ang kamukha ng mapapangasawa ko. Akala ko ba pangalawang buhay, paano ako mabubuhay ng maayos nito kong palaging may nagpapaalala sa akin sa masamang nakaraan. "A-ARAY!." Nasapo ko na naman ang aking ulo, kapag pinipilit kong magisip biglang sumasakit ang ulo ko parang binabarena. Seguro nga tama ako napatay si Ella ng gabing iyon. Sa ulo ba naman tamaan at sa ganitong katinding sakit ng ulo napinsala seguro ang utak nun. Pero bakit ako sa taas ng pinagbagsakan ko marahil basag na basag ang ulo ko at sumabog ang utak ko. Teka nga pala,parehas ng araw at oras nong may nangyari sa amin ni Ella, Kailangan kong mapuntahan ang lugar na'yon. Hindi rin ako matatahimik kapag hindi ko malaman kong ano ang nangyari sa katawan ko at sa mga kriminal na iyon. Kailangan silang magbayad.... Akala ko pa naman bonggang kasalan kasi mula ako sa pamilyang Mayaman. Nagkakamali pala ako,Sayang Napakaganda at elegante pa naman nang suot ko na wedding gown. Si Sam napaka gwapo talaga kahit ano ang suutin, seguro kong hindi lang sya kamukha ng salarin sa buhay ko, seguro sa unang pagkikita namin inlababo na ako sa kan'ya. Legal naman ang aming kasal may pari na nagkasal sa amin at may anim lamang na mga bisita. Si Grandpa, si Mina na Nurse ni grandpa ang Attorney ni Sam ang attorney ni Grandpa,ang best man ni Sam na nag-ngangalang Jiho at ang Best friend ko daw na si Dionne. Ikinasal ako sa isang private Resort ng aming pamilya pagaari daw eto ni Grandpa. Kami kami lang ang naruruon bukod sa mga staffs ng Resorts at Photographers. May four ft. na layer ng cake at may catering din naman, maganda din ang mga flowers designs sa paligid at lahat ay totoong flowers na white roses and white pals orchids. "Best congrats natupad na ang pangarap mo. Ang ikasal kay oppa Sam mo. You are now officially Mrs. Ella Kim." Ang masaya niyang pagbati sa akin at halata naman sa mukha niya na masaya s'ya para sa akin. Nagulat na lamang ako at lumapit sa akin si Dione na best friend ko daw. Hindi ko s'ya kilala dahil hindi naman ako si Ella na kaibigan n'ya. Kailangan ko lamang kilalanin ang lahat ng mga taong may kaugnayan sa Ella na may ari ng katawan ko ngayon. Hindi ko naman maaring sabihin na hindi ako si Ella na kanilang kilala, baka mapunta pa ako sa mental Hospital at duon ko gugulin ang ikalawang buhay ko. Na ayaw ko naman mangyari.Kailangan ko lamang ng panahon para pagaralan ang buhay niya. " Best ikaw pala, buti nakarating ka." " Nagtatampo naman ako sa'yo Kong hindi pa ako sinabihan ni Husband Sam mo hindi ko malalaman na kasal mo pala ngayon.Ilang beses kitang tinatawagan hindi ka naman mareach. " "Ha! Ay pasensya na kasi may nangyari sa aking masama seguro naman nabalitaan mo 'yon, na hospital ako at na comatose ng dalawang araw.Hindi naman kita macontact at hindi ko din masagot ang mga calls mo dahil nawawala ang cellphone ko." "Kaya nga yon nga ang sabi sa akin ni Sam, Alam mo kahit hindi ka niya mahal pero isa parin siyang responsableng partner sayo." Ang wika ni Dionne na ikinagulat ko.Tila marami siyang alam. "Bakit hindi ba ako mahal ni Sam?" Ang bigla kong naitanong ng hindi nagiisip. "Naku! Best, Nagka slight amnesia ka ba?" "Best, parang OO, may mga bagay akong hindi natatatandaan mula ng nadisgrasya ang ulo ko." Ang aking pagsisinungaling sa kan'ya. "Okay Best, huwag kang magalala lahat ng hindi mo matandaan o anumang katanungan mo sabihin mo lang sa'kin dito lang ako." "Ano ang alam mo tungkol sa amin ni Sam?" "Ang sabi mo sa akin ipinagkasundo ka ng grandpa mo kay Sam, tuwang tuwa ka naman kasi matagal mo na s'yang gusto.Sabi mo din sa akin hindi ka niya mahal dahil may girlfriend eto pero hindi mo kilala kong sino." "Ganun ba, salamat Dione." "Basta kong may katanungan ka dito lang ako. Ano kumusta na yang sugat mo sa ulo magaling na ba?" "OO patuyo na, pero sumasakit parin paminsan minsan. Pero hindi naman kagaya noong una subrang sakit halos maiyak ako." "Grabe naman ang gumawa sa'yo n'yan. Hindi mo ba talaga nakilala kong sino ang pomokpok sa'yo?" "Hindi nga e." Paano ko malalaman hindi nga ako si Ella na kaibigan mo. Malay ko ba kong sino kaaway nya. "Sya nga pala ano bang ugali ko?" "Ha? Pati sarili mo nakalimutan mo?" "A e, medyo." Ang pagsisinungaling ko nanaman sa kanya dahil kailangan. "Sige na nga. Mabait ka naman, tahimik, eleganteng babae,matalino, yon nga lamang may sarili kang mundo. Yong tipong hindi ka friendly mas gusto mo yong nagiisa ka lang." "Kaya Pala, bukod sa'yo wala akong ibang kaibigan kasi ganun ako." "Oo.tayo naman dalawa kaya tayo naging close kasi makulit ako.magkaklase tayo since first year colleges. Ako lang naman ang nagtyagang lumapit sa'yo e hehehhe!" "Ganun ba,Salamat!" Ang matamis na ngiti ko sa kan'ya.Malakas naman ang pakiramdam ko na lahat ng sinasabi niya ay totoo... Isa Isa ng nagsisipaguwian ang aming iilang bisita. Pati si Grandpa ay bumalik na sa Hospital bawal din sa kan'ya ang magpagod at nasa labas. Kaya maaga etong ibinalik ng private nurse niyang si Mina. Kami ni Sam ang huling huli na umalis ng Resort pabalik sa mansion. Ipinag drive kami ni Mang Dan ang family driver daw namin (Family driver ng mga Lee) Sya ang aking driver sa school at kong saan man ako pumunta. Pagsapit sa mansion akala ko mag katabi na kaming matulog ni Sam. Kasi kasal na kami legal ng magasawa.Ngunit nagkamali ako inihatid n'ya lang ako sa silid ko at. "Kong may kailangan ka sabihin mo na. Matutulog na din ako sa silid ko." "W-wala sige salamat." Ang aking nasabi at umalis na s'ya." Kanina pa ako kinakabahan habang papalapit ang aming sasakyan sa mansion. Iniisip ko may mangyayari ba sa amin ni Sam ngayong Gabi? Baka hindi ko kayang magpagalaw sa kanya.Iniisip ko pa lamang natatakot na ako. Yon naman pala ay walang mangyayari. Laking pasasalamat ko na lamang. Sabagay ano pa ba ang aasahan ayon nga kay Dionne hindi ako mahal ni Sam. Hindi iyon magkakainteres sa akin at titigasan. Halata naman umiilag din siya sa akin,ni hindi nga makatingin ng deretso. Pabor na Pabor naman sa akin ang sitwasyon naming dalawa atleast pwede ko ng Alisin sa aking isip ang s*x sa pagitan naming dalawa ni Sam. Hindi niya ako mahal at hindi ko din siya mahal. Idagdag pang takot ako sa kan'ya ayaw kong dumikit ang balat ko sa balat niya kinikilabutan ako. Sumapit ang Umaga at ganun parin nagising ako sa marangya at mabangong silid. Seguro dapat ko na talagang tanggapin at huwag ng magduda pa eto na ako wala na ang buhay ng dating si Ella na pokpok. Tumingin ako sa orasan mag alas 10:00 am na pala ng umaga. Balak kong puntahan ang Hotel na kong saan ako bumagsak gusto kong malaman kong ano ang nangyari sa aking katawan. Nagpalit ako ng damit at tumungo sa kusina. Magaalmusal mona ako bago aalis. Nagulat pa ako ng maabutan Kong naruruon din si Sam at kumakain. "Bakit narito ka pa? Hindi ka ba papasok?" Ang aking tanong sa kan'ya. "Day off ko, nasa Honeymoon stages ako. Kaya hindi ako papasok ng ilang araw." Ang Sabi nito na ipinagtaka ko. Parang gusto kong matawa sa sinabi niya. "HONEYMOON STAGES DAW? "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD