"Hello Ella,"
"Bakit napatawag ka Attorney Levi? , May kailangan ka ba?"
" Kong sabihin kong OO at ikaw ang kailangan ko anong gagawin mo."
"Ha! Nagbibiro ka ba Attorney Levi? Pero gusto din sana kitang makausap saan ba tayo pwedeng magkita?"
" Sa Condo ko alam mo naman ang address at password hindi ba? Or Pati iyon ay nakalimutan mo na."
Napatigil ako sa sinabi n'yang Condo. "What the? anong ibig n'yang sabihin gusto din ba n'yang makipag s*x sa'kin. Virgin pa ba ako o hindi na? S'ya ba naka virgin sa'kin?. Ba't kasi walang natirang memorya sa isip ni Ella Lee, Ang hirap talaga ng ganito palagi na lang nangangapa."
"Hello Ella andyan ka pa ba?"
"Yes, aside sa condo ko 'San tayo pwedeng magkita? Seryoso ako Kaya sagutin mo' ko ng maayos?"
"Okay, magkita na lang tayo bukas sa Classics Restaurant sa Ortigas, Lunch time."
"Okay sige, salamat bye." Binaba ko ang cellphone ko hindi ko na s'ya hinintay na magsalita pang muli.
Tinawagan ko sa cellphone si Mang Dan ang sinasabing family Driver ng mga Lee.
"Hello. Mang Dan ihanda mo ang sasakyan at may lakad tayo.?" Ang utos ko sa kan'ya subalit medyo naiilang ako hindi talaga ako sanay maging Madam o Amo.Hanggang ngayon talaga nahihirapan parin akong tanggapin na eto na ako ngayon. Pero kahit medyo hirap ako sa sitwasyon ko ngayon ay kakayanin kong lusutan, at pipilitin kong hindi masayang ang ibinigay sa akin na ikalawang buhay. Ganito naman talaga ang buhay sa mundo hindi madali. Mahirap ka man o Mayaman may kan'ya kan'yang problemang dinadala. Mabilis akong nagbihis ng pang lakad skinny jeans at long sleeves, with matching small handbag kong saan kasya lang ang cellphone at wallet ko. Sa wallet ko nakalagay ang ilang Identification ko or ID, Atm card, credit cards at Black Cards na sinasabing unlimited. Marami pang mga Cards ang nakalagay sa plastic envelope na nakasealed na ibinigay sa akin ni Grandpa na hindi ko alam kong para saan. Pero may kutob ako mga Atm Cards iyon sa Ibat Ibang bansa. Iba iba kasi ang pagkakasulat at lengwahe.
Pagbaba ko ng hagdan nakasalubong ko si Irene na isa sa katulong namin.
"Aalis po kayo Ma'am?"
" OO Irene, Paki sabi Kay Nana Helen hindi ako dito maglulunch at gagabihin ako ng uwi."
"Sige po Ma'am, Ingat po kayo."
"Salamat Irene, bye."
Paglabas ko ng pintuan ng mansion nakita ko na agad si Mang Dan nakatayo sa tabi ng pintuan ng kotse at nakaaktong ipagbubukas ako ng pinto.
" Good Morning po Ma'am Ella."
"Good Morning din po at Salamat Mang Dan!"
"Your Welcome Ma'am." Ang nakangiting sabi n'ya sa'kin.
"Saan po tayo ma'am?"
"Sa Ayala mall."
"Okay po Ma'am."
Habang nagmamaneho si Mang Dan ay nagsimula akong magtanong sa kan'ya.
"Mang Dan pwede po bang magtanong?"
"Naku Ma'amElla, pwedeng pwede po, Bakit naman po kailangan pa kayo magpaalam Ano po ba 'yon?"
"Ilang taon ka ng nagtratrabaho sa pamilya ng Lee sa amin ni Grandpa?"
"Ah, mga 30 years na po."
"So matagal na pala hindi pa ako ipinapanganak Driver ka na pala namin."
"Yes po Ma'am. Akala ko po alam nyo na."
"Ahm, Mang Dan, Tapat ka ba sa pamilyang Lee?" Ang tanong ko na pinagmamasdan mabuti ang magiging reaction n'ya.
"Ma'am Ella Nuon at ngayon ay tapat parin ako sa pamilyang Lee. Malaki ang utang na loob ko po sa lolo mo. kong hindi sa kabaitan n'ya malamang hindi ko mabibigyan ng maayos na buhay ang aking pamilya. Bukod sa may suweldo ako buwan buwan ay pinag-aaral din nya ang lima kong mga Anak. Ang dalawa ay nakatapos na. Ang panganay ko ay isang English and Science teacher at ang pangalawa ko ay Police. Ang pangatlo ay nasa first year colleges kumukuha ng engineering, Ang pang apat ko ay fourth year High school, at ang bunso ay grade five. Ang lahat ng mga Anak ko ay kinuhanan ng scholarship ng Grandpa mo hanggang kolehiyo sya ang nag sponsor. Kaya wala akong alalahanin masyado. Nakakatulong pa ako sa aking mga magulang at mga kapatid dahil hindi naman ako gumagastos sa pag-aaral ng aking mga Anak. Kaya Ma'am Ella kahit sabihin o iutos mo sa akin na pumatay ng tao ay gagawin ko po,at habang nabubuhay ako ay pagsisilbihan at proprotektahan ko po kayo. Iyon din po ang aking pangako sa Lolo mo kay Mr. LEE. "
Sapat na ang aking nabatid para malaman na magiging tapat s'ya sa Akin.
" Mang Dan huwag po kayong mag-alala hindi po tayo aabot na iutos ko sa'yo na pumatay ka. Ang totoo n'yan Mang Dan, may mga bagay bagay akong nakalimutan o hindi maalala mula ng maaksidente ang ulo ko. Kaya 'wag po sana kayong mabibigla kapag may mga katanungan ako sa in'yo. Ang nais ko lamang ay sagutin nyo ako ng tapat batay sa mga nalalaman nyo po. "
" Ha? Ganun po ba? E kumusta naman po kayo ngayon sumasakit padin ba ang ulo nyo? " Ang nag-aalalang tanong sa'kin ni Mang Dan, Saglit pa s'yang lumingon sa akin sa back seat ng sasakyan.
" Huwag nyo pong kalimutan uminom ng gamot nyo. Kong alam ko lang kong sino ang gumawa sa'yo nun ako na mismo ang bubugbog dun. Pero hanggang ngayon hindi parin po natin alam kong sino ang hayop na 'yon. OO naman po mapagkakatiwalaan nyo ako at lahat ng alam ko ay sasabihin ko po sa inyo makakaasa din kayong proprotektahan at pagsisilbihan ko kayo sa lahat ng aking makakaya Ma'am. Ella.
" Salamat po Mang Dan!. Wala na po kasi si Grandpa wala na akong kakampi." Ewan ko ba bakit nasabi ko pa eto Para tuloy akong naghahanap ng simpatya at kakampi. Dapat hindi ako basta basta nagbibigay ng tiwala kahit kaninoman dahil hindi ko alam sino ba ang kalaban ko, ang kalaban ni Ella Lee o ng pamilyang Lee. Ngunit may tiwala ako sa pakiramdam ko, hindi mag-tatagal manilbihan ng ganito si Mang Dan sa family Lee kong hindi sya okay.Sinasabi din nilang si Grandpa ay matalinong tao at tuso kaya seguradong salang sala ni Grandpa ang katapatan ni Mang Dan.
"Mang Dan, ano po ba ang ugali ko? Masama ba ako o mabait? Kasi nag-tataka ako bakit may nagtangka sa buhay ko.? "
"Ma'am Ella,Napakabait mo pong tao, tahimik may sariling mundo.Simula ng Bata ka pa madalas kang nabubully kasi mabait kang bata kahit inaaaway ka hindi ka marunong gumanti. Wala kang masyadong kaibigan bukod kay Ma'am Dionne, at Si Attorney Levi."
"Ganun po ba,E Mang Dan totoo bang may relasyon kami ni Attorney Levi?"
"Totoo po iyon Ma'am Ella, at tutol ang lolo mo sa relasyon n'yong dalawa." Kong ganun totoo talaga at hindi nagsisinungaling sa akin si Attorney Levi.
"Tutol ang iyong Lolo sapagkat para sa kanya masama ang humangad ng subra. Minsan lang magbigay ng tiwala si Lolo mo sa isang tao, kaya kapag nasira ka wala ka ng pangalawang pagkakataon sa kan'ya. Simula bata pa si Attorney si Lolo mo na ang nag sponsor sa kan'ya at nangako s'ya na magsisilbi ng tapat sa pamilyang Lee habang buhay. "
" Hindi rin po tama iyon. Dapat ipinaglaban nya ang pag mamahal nya sa akin.Kong talagang mahal n'ya ako. "
" May tama po kayo d'yan Ma'am Ella, pero sa katulad namin ni Attorney Levi na malaki ang utang na loob sa lolo mo ay magdadalawang isip po talaga kami, Aatras ba o aabante."
Natahimik ako at nagmuni muni. Pinagdidikit ko ang lahat ng mga impormasyon na nakalap ko. Lumabas na lahat ng sinabi sa akin ni Attorney Levi ay totoo. Pero ang malaking katanungan sa utak ko bakit ko o bakit hiniling ni Ella Lee kay Grandpa na maging asawa si Sam Kim? At ayon sa kan'ya dalawang beses lamang sila nagkita. Bakit?
" Putcha! Pahirap na buhay talaga eto oh, ang daming kong problema ni Isa wala pang nalulutas." Ang wala sa sariling nasabi ko na narinig ni Mang Dan.
"Ganun po talaga ang buhay Ma'am Ella, Ang problema ay parte ng buhay ng isang normal na tao.kapag wala lnag problema ay naku Ma'am matakot ka dahil hindi ka tao hahahaha!" Ang sabi ni Mang Dan na totoo naman talaga.
"Ma'am andito na po tayo."
"Hala ang bilis naman naman natin makarating Mang Dan, hindi ko namalayan na dito na pala tayo."
"OO nga po Ma'am, Wala naman kasing traffic kaya mabilis po tayo."
"Sige po, Huwag n'yo po akong hintayin sa sasakyan, kong may gusto kayong puntahan Okay lang."
"Salamat po Ma'am, Pero wala naman po akong pupuntahan kaya dito nalang po ako sa loob ng Car mag-hanhantay po sa inyo."
Iniwan ko na si Mang Dan at ako ay pumasok sa Shopping Mall, Nag-lalakad ako at palinga linga kong saan ba ako pupunta o saan ako papasok na store. Nang may may mahagip ang mga mata ko sa 'di kalayuan.
Sina Mina at Sam, Nakapalupot sa braso ni Sam si Mina at mukhang ang saya saya nilang dalawa.
"Ang mga walang hiya, Akala ko pa naman nasa opisina ka Sam at Abalang abala sa trabaho. Iyon naman pala ay abalang abala ka sa babae mo" Ang naiinis na Sabi ng isang bahagi sa utak ko.
Hindi ko napansin na ako pa ang parang takot na makita nila dahil nagtago ako sa gilid ng isang store.
Nag pasya akong sundan silang dalawa. Pumasok sila sa isang Restaurant at mukhang mag lulunch together. Hindi ako pwedeng sumunod duon dahil makikita nila ako kapag pumasok ako sa Restaurant hindi naman kasi kalakihan ang kainan na iyon. Wala akong nagawa kong hindi ang hintayin na lamang silang dalawa na lumabas.
Habang naghahantay sa kanila, pinag-aaralan ko ang aking sarili. Inis ako Oo pero hindi naman ako nasasaktan. Naiinis ako kasi buong akala ko bussy s'ya sa work, At naiinis ako kasi may asawa na s'ya kasal na kami bakit nagagawa pa n'yang makipag date sa Ibang babae. Isa lang ang ibig sabihin hindi n'ya talaga ako mahal. Pera at power ng Pamilya Lee lang talaga ang dahilan kaya s'ya nagpakasal.
Makalipas ang halos isang oras ay lumabas na silang dalawa, masaya at Nakapalupot pa'rin sa braso ni Sam si Mina. Patago at maingat ko parin silang dalawa na sinusundan. Sunod naman na pinasok nila ay ang Jewelry Shop.
"Anak ng Putcha, hanep, may balak pa yata na bilhan si Mina ng Alahas." Ang sigaw ng aking utak.Medyo tila nakaramdam ako ng selos duon, dahil mula ng ikinasal kami ni Sam ay hindi n'ya ako binibigyan ng kahit anong regalo. Samantalang si Mina nabibilhan n'ya.
Maya Maya lamang ay lumabas na silang dalawa may dala dalang small paper bag si Mina na may signature name ng jewelry store. At may tintingnan sa kanyang daliri.
"Teka nga, bakit ko ba sila sinusundan? Pumunta ako dito para bumili ng personal computer ko at magliwaliw. Kong ayaw sa akin ni Sam bahala s'ya. Bakit ba, kong may Mina s'ya may Attorney Levi naman din ako.
patas lang ang laban Sam, Akala mo ikaw lang ang meron MANIGAS KA! "