CHAPTER 14

1861 Words
Sa isang sea side restaurant sa MOA ang napili ni Attorney Levi para sa aming dinner date. First time kong makarating sa MOA at kakain sa tabing dagat. Maganda din ang napiling pwesto ni Attorney para sa aming table. Nasa gilid eto at katamtaman lang ang layo ng next table sa pwesto namin. Angkop sa aming paguusap hindi ka magaalinlangan na baka may makarinig na ibang tao. "Ang galing mo naman pumili Attorney Levi ang ganda dito gustong gusto ko. Dati sa mga kwento kwento at balita sa TV ko lang naririnig at nakikita ang MOA hindi ko akalain na ganito pala kaganda dito lalo na pag-Gabi, Subrang ganda at ang lawak. " Ang masaya kong sabi sa kan'ya at talaga namang hangang hanga ako sa Ganda ng kapaligiran. Para akong isang bata na dinala sa palaruan o sa carnabal. "Anong ngayon lang? Palagi tayong pumupunta dito nakailang beses na Ella what's wrong with you? Sa nakikita ko sayo you don't remember anything." "Ha! Talaga nakapunta na ako dito?" "Yes, Ella dito mo ako sinagot at dito din ang unang dinner date natin together, Before. Nakakalungkot lang at pati iyon ay nakalimutan mo na din. Mabuti pa kaya Ella samahan kitang magpacheck up sa doctor baka kong ano na 'yan.Mayruon ka pa bang ibang nararamdaman? " Ang tanong at pag-aalala sa akin ni Attorney Levi. Dama ko ang sinseridad ng kan' yang sinasabi sa akin. " And Ella, can you please stop calling me Attorney Levi, if tayong dalawa lang. Pati ba naman ang pagtawag mo sa akin don't tell me nakalimutan mo na din." "A e pasensya na! pero OO nakalimutan ko din. B-bkit ano ba ang tawag ko sa'yo?" Wala akong magawa kong hindi ang sabihin ang totoo sa kan'ya. Pakiramdam ko napaka laki ng aking kasalanan sa kan'ya. Sa isipin palamang na s'ya ang tunay kong kasintahan pero nagpakasal ako sa Ibang lalaki pakiramdam ko ay guilty ako. " LOVE, ang tawag mo sakin. Dapat EVIL kasi kabaliktaran ng name ko. Pero sabi mo nga mabait akong tao kaya hindi talaga bagay ang EVIL sa'kin. Hindi mo lang alam gaano ko kamiss ang pag tawag mo sa akin ng Love Ella." " LOVE ba? A e, Love kong love, pwede bang omorder na tayo ng pagkain gutom na kasi ako ano bang specialty nila dito? "Ang pagiiba ko ng takbo ng aming usapan.Sa totoo lang medyo asiwa ako sa pag tawag ng LOVE sa kanya. " Oorderin ko yong palagi mong inoorder dito yong favorate mo na pansit bihon,inihaw na pusit, sisig at calamares. " Ang masaya n'yang alok sa akin. Tumayo s'ya at pumunta sa counter ng stores upang omorder ng aming makakain. Bakas sa kan'yang mukha na masaya s'ya na makita ako kasama n'ya ngayon. E ako ba masaya ba? Pilit kong kinakapa at pinagaaralan ang damdamin ko para sa lalaking eto. Pakiramdam ko naman masaya din naman ako at komportable na kasama s'ya. Pero may bahagi sa aking pakiramdam ang medyo natatakot. Nangangamba baka bigla n'ya akong ayain makipag s*x. Hindi mawala sa isip ko ang senaryo na maaaring mangyari sa amin dahil nga kami ay mag kasintahan. Pero kakapit na lamang ako sa bahala na mona. Wala pa naman ang kinakatakutan ko baka napaparanoid o tinatakot ko lang ang aking sarili na hindi naman mangyayari. Mukha naman gentle man si Attorney Levi hindi kagaya ni Sam may pagka malibog. Bigla tuloy nag flash back sa aking balintataw ang itsura n'ya ng nag mamasturbate s'ya ng sarili n'ya. Hawak hawak ang Mataba, mahaba at matigas n'yang pagka lalaki habang nakatingin sa akin. Bigla tuloy nagsipagtayuan ang mga balahibo ko sa katawan at nanuyo ang aking lalamunan napalunok ako ng laway ng hindi ko namamalayan sabay pagdila sa aking labi upang mabasa pakiramdam ko nanuyo eto. Buti na lamang ay pabalik na si Attorney Levi at may dalang big size milktea na ikinatuwa ko naman. "Salamat buti naisipan mo bumili din nito." "Bakit ko naman kakalimutan e paborito mo din eto.S'ya nga pala buti naisipan mong makipag kita sa akin ngayon na miss mo na din ba ako?" Ang tanong n'ya sa akin at sabay hawak at pagpisil sa aking kamay na ikinabigla ko. Hindi ko tuloy alam kong ano ang aking gagawin. Babawiin ba o hahayaan na lamang na hawakan n'ya at pisil pisilin eto kahit naiilang ako. Pero sa huli hinayaan ko na lang dahil natural lang na gawin n'ya eto kasi nga mag kasintahan kami. " Ahm, wala lang bakit ayaw mo ba?" Ang haliparot kong nasabi huli na para bawiin ko pa. Narealize kong tunog nangaakit. Ewan ko ba bigla kong nagamit ang dila ko na gamit sa pakikipag-usap sa customer sa club nuon. " Syempre naman I like it so much! Hindi mo lang alam how much I miss you all this day's. Hindi mo din alam na halos torture sa akin araw araw ang isipin na magkasama kayo at magkatabi ni Sam araw at Gabi. Alam mo bang pinanghahawakan ko ang ipinangako mo sa akin na hindi mo ipapa gamit sa kan'ya ang iyong katawan dahil nangako ka sa akin ka lang. At iyon ang aking pinanghahawakan Ella and I trust you for that. Bigla tuloy akong kinabahan ang puso ko ay parang tinatambol hindi dahil sa kinikilig ako. Eto ay dahil kinilabutan ako sa mga pinagsasabi n'ya. Dahil ano ang aking gagawin sa mapanganib kong buhay na kinasasadlakan ngayon. " L-Levi, Alam mo naman na medyo may amnesia ako at ikaw lang ang nakakaalam. Kahit si Sam ay hindi n'ya alam. Maraming mga bagay bagay sa buhay ko ang hindi ko matandaan. Sa ngayon ikaw lang ang pinagkakatiwalaan ko." Ang seryoso kong sabi kay Levi habang nakatingin sa mga mata n'ya at hawak hawak n'ya ang aking kamay. " Anak ng putcha bat ba ang pogi naman nito, maswerte talaga at ang dalawang lalaki sa buhay ko ngayon ay parehas palaban ang itsura.Nakakatulo talaga ng laway. Ano kaya ang itsura ng hotdog nito? Mahaba din kaya? Sino sa kanila ni Sam ang mas pinagpala?" Ang pilyang sabi ng isip ko. " Alam kong gwapo ako pero huwag kang ganyan, baka hindi ako makapagpigil hindi ka makakauwi ngayon sa inyo. " Ang wika ni Levi na ikinalito ng isip ko. Bigla ko tuloy binaba ang tingin ko at sabay bawi ng aking kamay mula sa pagkakahawak n'ya. Salamat nalamang at tyempong dumating na ang aming inorder na pagkain. Isa Isang inilapag sa aming mesa ng waiter ang aming mga pagkain na, sa itsura at amoy palang ay alam mo nang masasarap lahat.Wala ng patumpik tumpik pa ang inumpisahan ko ng banatan ang mga pagkain na nasa harapan ko. Muntik ko pang itaas ang paa ko ng maalala kong wala pala ako sa bahay. Kailangan medyo sosyal ang kilos ko dito nakakahiya naman sa mga tao sa paligid ko. Pero bat naman ganun habang ganado ako sa pagkain ay biglang tumayo si Levi at kumuha ng tissue at dumukwang sa akin para punasan ang gilid ng aking bibig. " Baby dahan dahan sa pagkain, walang aagaw sa'yo." Ang seryoso n'yang sabi sa akin habang medyo magkalapit ang aming mga mukha. Bigla na naman ako napalunok ng laway at bumilis ang t***k ng puso ko. Hindi dahil sa nakadama ako ng takot. Ngayon ay iba, nahihiya ako at parang nagiinit ang mga pisngi ko. " Ahm, T-thank you! Pasensya na sadyang gutom na talaga ako at ang sasarap ng mga foods he hehehe." Ngumiti s'ya sa akin ng simpleng ngiti at hinawakan ang aking mukha sabay halik sa aking labi. Na talaga namang ikinagulat ko. Hindi ako ka-agad nakaimik buti na lamang at saglit na halik lamang iyon. Napansin ko pang may mga taong nakatingin sa amin at nakangiti silang lahat. "Dyos miyo marimar anong nangyari?" Ang naitanong ko na lamang sa aking sarili. Ibinaling ko na lamang ang aking buong atensiyon sa pagkain. Hindi na tuloy ako makatingin sa mukha ni Levi nahiya tuloy ako bigla. "Sya nga pala next week pasukan nyo na inayos ko na lahat ng school papers mo. Esesend ko na lamang sa'yo later ang magiging schedules mo. May mga kailangan ka ding pirmahan sa mga monthly reports ng assets mo. Gusto mo bang dalhin sa bahay nyo o magkita na lamang tayo?" " Salamat, tawagan mo na lamang ako saka na natin pagusapan kong sa bahay namin mo dadalhin o magkikita na lang muli tayo kagaya ngayon. " Natapos ang aming pagkain ng dinner at nagpasya kaming dalawa na maglibot libot mona bago umuwi.Naglakad lakad sa sea side at nag kwentuhan. Habang magka hawak kamay. " Ella gusto mo bang tulungan kitang mapadali ang paghihiwalay nyo ni Sam?" "Ha? Anong ibig mong sabihin Levi?" Ang nagtataka kong tanong dahil wala naman talaga akong alam dahil hindi naman ako si Ella Lee na kasintahan n'ya., "Don't tell me nakalimutan mo na din ang plano natin." "L-levi pasensya na pero mukhang nakalimutan ko din hindi ko maalala kong ano ang sinasabi mong Plano sory!" Kinabig ako ni Levi paharap sa kanya at hinawakan ang mag kabila kong balikat tumingin sya sa aking mukha at mga mata. "Baby ang plano natin ay susundin natin si Grandpa na mag hiwalay tayo. At hahanap ka ng lalaki na gusto ng lolo mo para sayo at sa negosyo n'ya. Magtitiis tayo at hihintayin ang tamang panahon na wala ng hahadlang pa sa ating dalawa. At pagdating ng tamang panahon gagawa ka ng paraan para hiwalayan ka o e divorce ng magiging asawa mo. Remember Ella? " Hindi ako makasagot dahil nabigla na naman ako sa natuklasan ko. Bigla din Sumakit ang ulo ko dahil sa dami ng aking iniisip sa mga oras na iyon. " Levi sumasama ang pakiramdam ko gusto ko ng umuwi. " " Okay sige. Kailangan mo na talagang mag patingin sa doctor hindi ako matatahimik hanggat hindi ko nalalaman na okay ka at kong bakit ka nagkakaamnesia ng ganyan." Inalalayan ako ni Attorney Levi papunta sa parking lot kong saan naghahantay sa akin si Mang Dan. " Mang Dan ikaw na ang bahala kay Ma'am Ella mo medyo masama ang pakiramdam nya kaya ingat sa pagmamaneho po? " " Yes po Attorney ako na ang bahala kay Ma'am, sige po mauna na kami." Ang sagot naman ni Mang Dan kay Levi at tuluyan ng pinaandar ang aming sasakyan pauwi ng mansion sa bahay namin ni Sam. Habang binabagtas namin ang Daan pauwi ng bahay ay tahimik akong nagiisip tungkol sa sinabi kanina ni Levi. " Totoo ba ang mga sinasabi n'ya sa akin? Pero parang totoo nga. Dahil eto ang kasagutan sa katanungan ko kong bakit hiniling ni Ella Lee sa lolo nya si Sam na maging asawa. Kahit minsan lang sila nagkita at hindi sila nag mamahalan." Eto ang sinasabi ng isip ko na para akong lumulutas ng isang krimen. Kong ganun ay maliwanag na ginagamit lang pala ni Ella Lee si Sam Kim. Bigla tuloy ako nakaramdam ng awa kay Sam at sa kabilang banda ay na guilty. Paano na lamang kong malaman n'ya na ginagamit lang s'ya. At lumalabas din na ako ang sumira sa kanilang dalawa ni Mina. Ako ang masama ako ang kalaban.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD