Pakiramdam ko tatakasan ako ng ulira't, nanlambot ang aking mga tuhod at dumidilim ang aking paningin,at tuluyan akong nawalan ng malay habang sipsip ni Sam ang balat sa aking leeg at nakayakap s'ya sa aking katawan.Hindi ko na alam ang sumunod pa na pangyayari.
Nagising ako na nakahiga na sa kama at may doctor sa tabi ko.
"Mr. Kim, wala naman problema kay Mrs. Kim, Iwasan lang mona na maestress siya. Dahil hindi pa lubosang magaling ang natamo niyang sugat at Impact sa ulo. Hindi pa natin maseguro kong may naging depekto eto sa kanya.Kailangan pa natin s'yang maobserbahan mabuti. "Ang narinig ko na wika ng Doctor kay Sam.
" Okay Doc,thank you so much! "
Umalis ang doctor at lumapit sa'kin si Sam umupo sa tabi ko.
" Sory! nabigla yata kita kanina.Nakalimutan kong hindi ka pa magaling. "
Hinawakan niya ang leeg ko kong saan n'ya ako kanina hinalikan at hinimas himas eto.Hindi rin ako makatingin sa kan'ya dahil pinagaaralan ko kong ano ba talaga ang tunay kong nararamdaman. Sa totoo lang naguguluhan ako, natatakot ako at may bahagi sa aking katawan ang parang nagugustuhan ang ginagawa n'ya. Hindi ko pa talaga lubusan matanggap na hindi s'ya ang lalaki sa nakaraan ko.
Magkamukha nga sila pero magkaiba sila ng ugali. Ang lalaking eto ay parang totoo ang ipinakikita sa aking pagaalala at pagaalaga.Tipong hindi niya ako magagawang saktan. Subalit takot parin akong magbigay ng tiwala dito.
"May gusto ka bang kainin?" Ang tanong n'ya sa akin na may bahid ng pagaalala.
Umiling lang ako sa tanong n'ya dahil totoong wala akong ganang kumain, gusto kong matulog dahil hanggang ngayon pakiramdam ko ay hinang hina ako. Subalit bakit ganito malakas ang t***k ng puso ko sa tuwing lumalapit at nagkakadikit ang mga balat namin sa isat isa. Takot, ba eto o ano?
At ano ang ipinakikita n'ya sa akin. Alam kong hindi niya ako mahal dahil may mahal siyang iba. Hindi ko pa alam kong ano ang nangyari at pumayag na pakasal s'ya kay Ella kong may kasintahan s'ya at sino s'ya? kilala ba s'ya ni Ella? At sino ang pomokpok kay Ella? "
Hanggat hindi ko eto nalilinawan hindi ako matatahimik at maniniwala kay Sam. Seguro may dahilan kong bakit ako napunta sa katawan ni Ella Lee.
Sumapit muli ang Gabi wala nanaman akong choice kong hindi ang matulog sa iisang kama,matulog nanaman na kasama si Sam. Pinapauna ko mona s'yang mahiga at ako ay palaging nagbabad sa aking cellphone. Kapag napapansin ko na s'yang inaantok na, o tulog na saka lamang ako hihiga sa kama. Nakahiga ako malayo sa kanya at nakatalikod at sa tingin ko iginalang naman n'ya ang kagustuhan ko. Hindi naman s'ya manhid para hindi maramdadam ang pag-iwas ko.
Sa Umaga naman sabay kaming mag-aalmusal at pagkatapos ay papasok naman s'ya sa opisina. Gabi na kong umuuwi si Sam na pabor naman sa akin.
Nakadalaw ako kay Grandpa noong isang araw kasama si Sam ngunit saglit lang eto dahil, lumalala na s'ya ang sabi ng mga doctor. Sa edad na seventy three ay mahina na talaga ang katawan nito upang paglabanan pa ang kaniyang malalang karamdaman.
Naalala ko pa ang kaniyang sabi na kaharap din si Sam,at ang nangyari ng araw na iyon sariwa pa sa aking pakiramdam...
"Sam, Nararamdaman ko ng malapit na akong mamaalam,Sana tuparin mo ang ating napagkasunduan na aalagaan mo at hindi sasaktan ang apo kong si Ella"
"Yes! Grandpa makakaasa po kayo."
"Sam pwede bang iwan mo mona kami ni Ella, gusto ko s'yang makausap ng masinsinan baka eto na ang last namin na paguusap na maglolo." Ang pakiusap ni Grandpa kay Sam.
"okay po Grandpa." Tumalikod na siya sa amin at tuluyang umalis sa silid na iyon.
"Ella apo, kahit wala na ako tandaan mo, anuman ang mangyari hindi kita pababayaan.
Pero kailangan mong magpakatatag at matutong lumaban sa buhay. Kong may gusto ka, kailangan paghirapan at ipaglaban mo eto apo hanggang sa makuha mo. Huwag kang maging mahina dahil sa mundong eto ang mahihina ay inaapakan.Hindi sa lahat ng pagkakataon kailangan ng dahas upang manalo sa ano mang laban. Tandaan mo daig ng matalino ang matapang.Ayaw man sana kitang iwan dahil alam kong kailangan mo pa ako. Pero wala na akong magagawa matanda na ako at hinihila na ni kamatayan.Kong hindi sana namatay sa aksidente ang iyong mga magulang,sana ay hindi ka magiisa." Ang lumuluhang sabi sa akin ni Grandpa.
Aaminin ko kahit alam kong hiram ko lang s'ya sa Ella Lee na mayari ng katawan ko, ramdam ko ang busilak na pagmamahal n'ya at pag-aalala sa maiiwang Apo.
Napaluha ako at niyakap si Grandpa, ganito pala ang pakiramdam ng may nagmamahal sa'yo na pamilya.Mula ng magising ako sa katawan ni Ella Lee si Grandpa at si Sam ang dalawang taong nag paramdam sa akin ng pagmamahal at pagaalaga. Kahit may duda ako sa tunay na damdamin ni Sam, atleast naiparamdam niya sa akin na alagaan ako. Na kailan man ay hindi ko naranasan sa dati kong buhay. At ngayon malapit na akong iwan ni Grandpa si Sam na lamang ang matitira sa akin.
"Hindi ako makakapayag na mawalan muli ng taong magaalaga at magbibigay sa akin ng tinatawag na pagmamahal. Gusto ko din mahalin, gusto ko din bumuo ng sarili kong pamilya,at maranasan ang may pamilya.Ang mamuhay ng masaya at tahimik." Ang laman ng aking isipan habang nakayakap kay Grandpa.
Nagpaalam na ako kay Grandpa dahil inaantok na daw s'ya umuwi na daw kami ni Sam. Lumabas ako ng silid ni Grandpa at hinanap si Sam ngunit wala s'ya .Naglakad lakad ako sa pasilyo ng Hospital at palinga-linga, hinahanap ng aking mga mata si Sam hanggang sa magawi ako sa isang pasilyo na may kadiliman at may narinig akong naguusap pamilyar na bosses ni Sam at ni Mina.
"Mina, hindi ba nagusap na tayo na hindi na tayo pwedeng maging dati. Kasal na ako kay Ella may asawa na akong tao.Please unawain mo hindi na tayo pwede. "
"Mahal mo ako at mahal kita, pinakasalan mo lang si Ella dahil sa pera n'ya hindi ba? Dahil 'yon lang ang paraan para maisalba sa pagkabagsak ang kompanya n'yo hindi mo s'ya mahal hindi ka liligaya sa kan'ya."
" OO mahal kita Mina, Kaya nga pinapalaya kita, maghanap ka ng lalaking magiging sa'yo lang at ikaw ang pakakasalan.Hindi na ako malaya kagaya ng dati. "
"Handa akong maging kabit Sam, handa kitang paligayahin. Alam mo kong gaano ako kasarap katalik at kagaling sa kama kailangan mo ako Sam." Ang mga naririnig ko sa kanilang paguusap hindi nila alam nasa malapit lang ako sa kanila medyo may kadiliman ang pasilyo na aming kinatatayuan at hindi nila ako napapansin. Sumandal ako sa pader at nakinig hindi na kailangan makita pa nila ako, sapat na ang nakita ko silang dalawa.
Pagkasabi ni Mina ng mga katagang iyon ay hinalikan niya sa labi si Sam nakita ko kong paano pagapangin ni Mina ang kanyang mga kamay sa dibdib at leeg ni Sam. Gumanti na din ng halik si Sam, hanggang sa maitulak niya ang katawan nito sa pader at duon mapusok silang nag halikan.
"S-sam duon tayo sa fire exit." Ang wika ni Mina na tila kinakapos sa paghinga habang hinihimas ang alaga ni Sam sa suot na pantalon at agad na tumungo sa fire exit na tinuro ni Mina.
Saglit akong nagisip kong susundan ko ba sila at magiiskandalo o ano ba ang tama kong gagawin. Hanggang sa napagpasyahan kong hayaan na lamang sila at umalis na ako hihintayin ko na lamang si Sam sa lobby ng Hospital.
Pinagaralan ko ang aking sarili, kinapa ko ang puso ko kong nasaktan ba ako sa nakita ko. Nakaramdam ako ng kirot at tila iiyak ako. Nakalimutan kong katawan eto ni Ella Lee at mahal niya si Sam natural masasaktan eto.
" Kakasal lang natin pero pinagtaksilan mo na ako. Dahil ba sa libog ha Sam?. Huwag kang magalala Ella Lee aagawin natin si Sam sa kandungan ni Mina,dahil kong libog lang ang paguusapan nandirito sa katawan mo ang isa sa mga magagaling magpalibog ng lalaki sa mundo. "
"Ano? kamo Mina, masarap ka? Pwes ,tingnan natin kong sino ang mas masarap sating dalawa." Nagsimula ako magplano, kong paano ko paiibigin este palilibugin si Sam ng mag ring ang aking telepono.
"Hello! Ella,asan ka?"
"Nandirito sa baba sa lobby, bakit tapos ka na ba?" Ang pangaalaska ko sa kan'ya. Na bigla s'yang natahimik sa kabilang linya.Nabigla seguro sa nasabi ko.
"A-anong tapos?"
"Tapos, sa kong ano man ang ginagawa mo,malay ko ba kong ano ang ginagawa mo.Bakit may problema ba?" Ang patay malisya kong sagot. Nararamdaman kong naiinis ako sa kan'ya pero kailangan pigilan ko ang sarili ko.
"Wala naman okay wait me there."
"Sige, huwag kang magmadali baka madapa ka mahina pa yang tuhod mo" Ang pangiinis ko na naman sa kan'ya, ewan ko ba hindi ko mapigilan mang-gigil ako sa narinig at nasaksihan kong tagpo kanina.
"Ha? At bakit naman ako madadapa? Anong ibig mong sabihin?"
"Wala, hindi ba't matanda ka na your thirty five na hindi ba? masama bang magalala sa asawa ko." Ewan ko ba bakit tuloy tuloy ang pagpapasaring ko sa kan'ya. Kong ano ano tuloy ang lumalabas sa bibig ko. Binabaan na n'ya ako ng telepono hindi ko alam kong nainis na s'ya sa akin o ano. Sa kabilang banda wala naman akong paki. Siya ang may kasalanan sa akin at hindi ako.
Nakikita ko na s'yang papalapit sa akin. Seryoso ang mukha, "Anong dinadrama nito? hindi ba dapat masaya s'ya dahil nakaraos s'ya ng libog kanina dapat masaya s'ya."Ang aking iniisip habang lumalapit sa akin si Sam.Huminto s'ya sa tapat ko at sinabing Let's go.
Habang sakay ng sasakyan ni Sam pauwi ng bahay panakaw ko s'yang tinitingnan. Hindi nakaligtas sa mata ko na mapanuri ang kiss mark nya sa leeg na kanina ay wala naman.
Hindi n'ya seguro eto napansin kaya hindi naitago pwede naman n'yang itaas ng kaonti ang kuwelyo ng polo shirt n'ya.Malakas ang pakiramdam ko sinadya ni Mina na lagyan si Sam ng kiss Mark sa lugar na makikita ko.
"Paguwi natin ng bahay lagyan mo agad ng ointment yang leeg mo namumula kasi baka nakamot mo. May kumagat yata sayong malaking lamok, mukhang gutom na gutom sa laki ng marka mo sa leeg, kawawa naman mukhang tigang na tigang yata. "
Napatingin s'ya sa akin, na nagulat ko yata sa sinabi ko.
" O bakit, ganyan ka makatingin? may mali ba sa sinabi ko.?Malay ko ba kong yong malaking lamok ay tigang na tigang na sa dugo yong dumale sayo. Kaya kong makasipsip akala mo Bampira. Ah! Alam ko na seguro babaeng lamok yong tumira sa'yo, sabagay hindi ko naman s'ya masisisi gwapo ka. You look so yummy, mabango, at masabaw ay este madugo pala. " Nakita kong pinagpawisan s'ya sa kabila na malamig naman ang ibinubuga ng aircon ng sasakyan medyo nilalamig na nga ako kaya alam ko hindi normal ang pawis n'ya.
Nakakapag bigay naman ng kasiyahan sa akin ang ginagawa ko.
" Mina, dyan ka lang kaya ko din gawin ang kaya mong gawin. Si Sam at ako ay kasal na huwag ng ipilit ang hindi na maari."