GERARD WAS UNSURE WHY SHAYLA WAS ACCUSING HIM OF CHEATING. Habang sinusubukan lambingin si Shayla ay mabilis niyang inisip ang mga anggulo kung bakit galit ito ngayon sa kanya. Naisip niyang na baka tumawag si Shayla sa at nagduda ito dahil hindi siya nag-update kung nasaan siya. Nakagawian na kasi nila iyon sa isa't isa. Sinadya na rin niya kasing hindi ipaalam kay Shayla na hahabol siya sa Palawan dahil gusto niya itong sorpresahin. Yun pala, siya ang masusurpresa sa bungad ni Shayla sa kanya. Ngunit hindi naman siya natinag dahil determinado siyang magpaliwanag kay Shayla. At kahit alam niyang dapat ay magseryoso siya, hindi niya maitago ang kanyang saya. Akala kasi niya ay hindi niya magagawan ng paraan na makapiling ang pamilya ngayon weekend. Pero heto siya ngayon at kasama na si Sh

